Skip to content


Walang Kapalit

Sabi nila, ang pag-ibig nasa utak din iyan. Kaya inilagay ang ulo sa taas ay para pamunuan lahat ng iba’t ibang parte ng ating katawan. Kaya kung umiibig ka, ang nagkokontrol ay ang hypothalamus. Kaya lang hindi ako naniniwala doon, puso pa rin sa tingin ko ang nagkokontrol sa pag-ibig. Maaring konektado ang puso sa utak at maari niyang kontrolin iyon pero, parang ang pag-ibig ay parang sakit niyan. Ang tiyan ang nagsasabi sa utak na masakit siya. Kung utak ang nagsasabi na masakit ang tiyan mo, aba’y pwede ka ng magkasakit araw-araw. Ganun din sa pag-ibig ang puso ang nagsasabi sa utak na umiibig na ito. Dahil gaano mo mang pigilan ang nararamdaman mo, hindi ka magtatagumpay, maaring oo, pero panandaliian lamang iyon.

Gaya ko, akala ko kaya ko noon, masasabi ko na oo, pero pag-lipas ng mga sandali, ay bumabalik-balik ang hapdi sa aking puso, kahit hindi ko ito pansinin, parang surot na nangungulit. Wala akong magawa kundi aminin sa aking sarili, maski sa aking sarili lamang, na mahal ko pa rin siya magpa-hanggang ngayon, at ngayon hindi na ako natatakot kung mamahalin ko pa rin siya bukas o magpa-kailanman, kahit hindi niya alam o walang kapalit. Hindi ako natatakot na magmahal na ang sukli ay pighati, mas katatakutan ko kung hindi na ako makaramdam ng kahit gapatak ng pagmamahal.

Ang pag-ibig ay walang pinangakong, saya o kapayapaan, sa pagmamahal ay nagtuturo ng pagpapakasakit para sa kapakanan ng iba. Di nga ba’t ganun ang halimbawa ni Kristo? Namatay sa krus para makamit natin ang paraisong pinangako.

Ngayon, habang sinusulat ko ito, wala ng luha, hindi dahil said na pero lubos ko ng nauunawaan ang pag-ibig, na hindi lang puro saya kundi sakripisyo din, maaring andon yong pighati, pero bukas sasalubungin ko ang araw ng yakap at ngiti dahil sa pangakong bagong buhay at pag-ibig.

Share and Enjoy:
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • BlinkList
  • Furl
  • Live
  • NewsVine
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Yahoo! Buzz

Posted in Articles. Tagged with .

9 Responses

Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.

  1. Anonymous said

    May kapalit yan… Trust me!

  2. pink_sirena25 said

    Kung ang kapalit nito ay luha at pighati…Ewan ko kung makakayanan ang puso ko…

  3. jaja said

    gsto ko lang mgcomments dito:
    “Kung utak ang nagsasabi na masakit ang tiyan mo, aba’y pwede ka ng magkasakit araw-araw.”
    totoo.. utak ang ngkokontrol sau…
    mahal mo parin siya kc desisyon mo na mahalin siya…
    icpin mo… sa lahat lahat ng tao na nkkasalubong mo araw-araw bat di mo nsasabi sa sarili mong mahal mo cla? kc di mo gsto… utak ang ngsasabi sau na ngmamahal ka na… utak din ang ngsasabi na nasasaktan ka… utak ang ngdedesisyon kung masaya ka o malungkot ka… utak ang gumagana ng pinili mong mahaluin siya khit di nia alam at kahit walang kapalit… pakinggan mo ang utak mo… malalaman mo kya mong kontrolin emosyon mo…

  4. pink_sirena25 said

    HHmmm maybe you have a point but I guess it’s not my decision to love him but it is my choice…If the brain can control everything, why is it so difficult to move on from a terrible pain? You can say that I am okay, I am tough but deep inside you, you are not, you are lying against yourself. So what does that mean? You cannot control emotion as you cannot control breathing.

  5. jaja said

    “I guess it’s not my decision to love him but it is my choice…” - i don’t know wat u mean about decision and a choice… i guez its juz the same… maybe wat ur trying to say is, di mo ginustong mahalin cia, pero minahal mo… tama ba? sumtyms di mo nman alam kung mahal mo na ang isang tao unless iaccept mo sa sarili mo n mahal mo cia… un ung tym n “naicp” mo n mahal mo pala cia… isip pa rin…
    “If the brain can control everything, why is it so difficult to move on from a terrible pain?” - coz maybe you just won’t let go of the pain… it hurts terribly at first, but if you allow yourclf to heal and to move on,,, sooner or later, u’ll realize dat ur laughing again, im not saying that the pain will thoroughly be washed away, im just saying dat u accepted d fact that that’s it… you can’t do nothing about anything and you found urclf happy again w/out dat person… again, mind-setting…
    “You can say that I am okay, I am tough but deep inside you, you are not, you are lying against yourself.” - u’re ryt, pinapaniwala mo lang ang sarili mo… coz in that moment you can’t accept dat ur weak… y won’t you allow urclf to be weak? der’s nothing wrong w/ dat, wat is wrong is dat u ‘remain’ weak… a day will cum na mkikita mo n lng sa sarili mo na di k na nalulungkot, dat’s d tym n ngletgo k na sa pain… and kahit maicp mo pa ung painful memories u will juz smyl about it…

    masaya ang life just to spend in sorrow…
    im not saying na wag mong ientertain ung pain, in fact, my point is iaccept mo cia… and do sumthing about it,,, don’t let that pain be the reason for you not to see the happy things…
    and then wen u found yourclf happy again and u rmmbr dat pain..
    you may find urclf crying with the sweetest tears…

    choose to luv!
    it’s d best choice to do!

  6. Anonymous said

    I completely agree with jaja.

  7. brb said

    Just a quote:
    “You don’t get to choose; you just fall.”
    Love is something that we do not have any control.
    The heart always pulls the strings in love.

  8. lei said

    tama iy0n.. haaay.. pagibig talaga.. huhu

  9. Lei said

    sakripisyo.. pagmamahal.. sabi nila kapag nagmahal may sakripisyo.pero bakit ganun?merong hindi marunong magsakripisyo?

Some HTML is OK

(never shared)

or, reply to this post via trackback.