Amber Jane Torrevilla
Argh!! Naiinis talaga ko sa pinag-uusapan nila. Bakit ako ang topic? At akala pa talaga ni TJ buntis ako? At papasamahan pa ko kay Hans para magpa-check up? Aish! Kung di lang talaga panatag ang loob ko sayo TJ baka nabato na rin kita ng lunchbox.
Pero si Hans, bahala sya sa buhay nya! Pumatol ba naman sa maling akala ni TJ! Eh alam naman nyang di talaga ako pregnant. Kung nanti-trip lang yang si Hans, well wala ako sa mood! Mabilis akong mapikon kasi meron ako ngayon.
"Tita Amber, nag-aaway po ba kayo ni Tito Hans?" Maxi asked me. Nakahiga na sya at nakaupo naman ako sa tabi nya.
"Misunderstanding lang yun baby."
katwiran ko.
"Misunderstanding??"
"Wag mo na lang kami intindihin baby. Magbabati din kami ni Tito Hans." I just said it para matigil na sa kakatanong si Maxi.
"Dapat bukas bati na kayo ah." hays! Ewan ko lang Maxi. Basta mag-sorry muna sya. Ma-pride ako ngayon eh.
Tumango na lang ako. Wala na rin akong masabi eh. Kung di ba naman kasi manti-trip o mang-aasar si Hans baka magbati ulit kami. Ewan ko jan sa bading na yan. Patagal ng patagal, palakas ng palakas ang pang-aasar. Nakakabad-trip lang!
And at last, nakatulog din si Maxi. I get up from the bed and reach the wardrobe. I changed my clothes and scampered to the door. Sumilip muna ko dun sa sala, wala na sila dun. And when I stepped outside the room, nasa main door si Hans at nagpaalam kay TJ.
He was quite shock when he turned around and found me standing there.
"Umalis na sya?" I asked him.
"Yeah. Let's eat?" tinalikuran ko lang sya at dumiretso na sa kitchen. Angry mode pa din.
We're now eating. I will not dare to talk even a single word. But if he ask me, then I'll answer for his esteem.
"Si Maxi pala?" he asks his first question.
"Tulog na." I answered for his esteem. But my tone doesn't sound interested for a long conversation.
"Sabagay, busog na rin kasi yun eh. Madami din kasing nakain." I just nod. It's not a question so I will not answer. "Amber, galit ka ba?" he asked. This time, a question that I can't answer. So I just looked at him for a long moment then shifted my vision to my food.
Ayoko nga kasing makipag-usap ng matagal kay Hans. Fortunately, tapos na kong kumain kaya tumayo na ko sa upuan.
"Amber." he called. But I didn't bother to look at him and continue walking to the sink.
Hindi na ulit sya nagsalita kaya mabilis kong nahugasan yung kinainan ko. After that, bumalik na ko sa kwarto para matulog.
I checked my phone. It's a message from Ate Sandra. Pwede na daw akong bumalik sa bahay kasi wala na si Ate Lilian. After reading the message, nahiga na ko katabi ni Maxi.
To my great dismay, di ako makatulog. I'm still thinking of the small quarrel between Hans and me. But I think, ako lang yung nang-aaway eh. Pero sya naman kasi nanguna. Tsaka di pa sya nagso-sorry. Kasi di ko kinausap kaya di rin nya ko makausap. At ang daming pero at dahilan ang naiisip ko. And the result? Ayown, kinokonsensya ko lang naman ang sarili ko kaya ako na ang GUILTY! Naman ee.. ang babaw talaga ng konsensya ko!! Aiissh!!!
Bumalik lang yung wisyo ko ng pumasok na si Hans sa kwarto at may kinuha dun sa malaking aparador. Nakatingin lang ako habang kinukuha nya yung comforter at yung unan. Hala! Sa labas talaga sya matutulog??
"Saan ka?" I asked before he goes outside.
"Dun na lang ako matutulog sa sofa." sabi na eh. Tsk! Na-guilty tuloy ako lalo.
Lalabas na sana sya ng pigilan ko. "Ako na lang dun." inagaw ko yung unan at comforter sa kanya. "Jan ka na tumabi kay Maxi."
"Hindi na. Ikaw na lang jan. Kasya naman ako dun sa sofa eh." kasya daw? Sinungaling! Ang haba-haba ng hita mo kaya imposible. At ayun, inagaw nya pabalik sa kanya yung comforter.
"Okay lang ako dun. Kaya ako na lang sa sofa." inagaw ko ulit pero ayaw nyang bitawan.
"Ako na nga lang dun."
"Ako na nga lang."
"Ako na."
"Ako na nga sabi."
Napakamot na lang sya sa ulo nya. Haha, see? Sino panalo ngayon?
"Amber ano bang problema?" bigla nyang tanong.
"Problema? Ikaw anong problema mo?
I reversed.
"Ako? Eh ikaw nga yung di namamansin eh."
"Ang galing mong mang-asar eh."
"Ala! Nagtanong lang naman ako kung sino yung pinag-uusapan nyong buntis tapos binato mo na agad ako ng bag."
"E bakit ganun yung sagot mo kay TJ? Parang sumasang-ayon ka na buntis talaga ako."
"Joke lang yun bezt."
"Bezbezin mo mukha mo! Wala kong panahon makipag-joke."
"Eh di sorry na." he rolled his eyes.
"Napipilitan ka lang?"
"Eh bakit kay TJ di ka galit?" eh? Nagseselos na naman ang mokeng?? Bakit nga ba di ako galit kay TJ??











