#11
Posted 20 Jan 2012 - 06:07 PM
#12
Posted 20 Jan 2012 - 06:31 PM
CHAPTER 2.2
Nang makauwi sa kanila si lea, sinalubong agad siya ng kanyang ina. sigurado siya na natutuwa ito sa pagkakita sa kanya dahil talagang iniwan muna nito ang labada. nakangiti siyang lumapit sa ina at nagmano."kamusta ang araw ng anak ko?" malambing nitong tanong sa kanya.
"ok lang po nay, masaya dun sa unibersidad at marami na rin po akong naging kaibigan, at may nakilala pa po akong prince charming" gusto sana niyang idugtong ngunit nakakahiya sa kanyang ina, baka ano na lang ang isipin nito sa kanya.
"nagpakitang gilas ka ba sa kanila?
"opo naman, nay. sigurado akong bilib ang lahat saken, mana ata ako sa inyo na matalino"
"syempre naman"
"naku, ang mag-ina ko talaga nagbolahan pa" sabi ng tatay niya na kararating pa lamang noon. agad siyang nagmano dito.
"eh, talaga naman eh, saken talga nagmana ng katalinuhan ang anak naten" sabi ng kanyang ina.
"alam mo namang kaya ka nainlove saken ay dahil sa talino at diskarte sa buhay, diba? pagtatanggol naman ng kanyang itay sa sarili.
"tay, nay, tumigil na nga po kayo. alam nyo parehong sa inyo lang po ako nagmana ng talino" pagtutuldok niya sa pasikatan ng mga ito. natawa ang kanyang mga magulang sa tinuran niya at pagkatapos ay nagkaroon sila ng isang group hug. ganun lamang kasimple ang buhay ng kanilang pamilya. simple at kakunte-kuntento na.
pagkauwi naman ni marco, ang madrasta niya ang unang sumalubong sa kanya. mukhang inabangan talaga nito ang pag-uwi niya.
"para ano? para kunin ang loob ko? nasabi niya sa kanyang sarili. bata pa lamang siya nang mamatay ang unang babaemg pinakamamahal niya--ang kanyang ina. namatay ito sa sakit na brain cancer. kahit marami naman silang pero ay hindi pa rin nito naisalba ang buhay ng kanyang ina. mgkasama silang nagluksa ng kanyang ama, ngunit nang tumuntong siya ng high school ay hindi niya inaasahang makikilala nito si Sam-ang kanyang madrasta. ang alam niya ay nakilala lang ito ng ama niya sa isang bar nang mga panahong nalulungkot ang ama niya sa pagkawala ng kanilang ilaw ng tahanan. sinamantala ng babaeng ito ang kahinaan ng kanyang ama hanggang sa tuluyan na ngang mahulog ang loob nito sa babae. at ngayon ay mag-aapat na taon na silang kasal. mag-aapat na taon na rin siyang parang hindi makahinga sa kanilang bahay. pinipilit siya ng kanyang ama na magustuhan din si sam at ituring na sariling ina. ayaw na ayaw niya ang ideyang iyon, dahil gustuhin nga lang ang babae ay hindi na niya magawa, ang ituring pa kaya itong ina? masyadong hibang ang kanyang ama dito kahit alam nitong pera lamang ang habol ng babae.
"musta ang first day of school" salubong na tanong nito sa kanya.
"wala ka naman pakialam don" gusto sana niyang sabihin pero hindi natuloy dahil nakita ang kanyang ama na pababa ng hagdan.
"kumusta ang araw mo, anak? tanong nito sa kanya.
"kanina po ay maayos naman, ngayon hindi na." sabi niya sabay lingon sa madrasta na nagpapahiwatig na ito ang dahilan ng pagbabago ng araw niya. nakita niyang natahimik ang kanyang ama, nahalata siguro nito ang ibig niyang ipahiwatig.
"tara doon tayo sa kusina, nagpaluto ako kay manang ng mga paburito niyo" sabi ni sam. napatingin ang dalawang lalaki dito.
"sige, gutom na rin ako" sabi ng ama niya.
"no way" sabi naman niya. yun lang at tinalikuran na niya ang mga ito. umakyat na siya sa kanyang kwarto. ayaw talaga niyang nakikita ang kanyang madrasta.
END OF CHAPTER 2.2
#13
Posted 21 Jan 2012 - 05:07 AM
ganda nung story mo Ate !!!
pagpatuloy mo na yan
kekeke
m0re updates, m0re fun
![]()
ganda nung story mo Ate !!!
pagpatuloy mo na yan
kekeke
m0re updates, m0re fun
![]()
#14
Posted 21 Jan 2012 - 05:09 AM
ganda nung story mo Ate !!!
pagpatuloy mo na yan
kekeke
m0re updates, m0re fun
![]()
#15
Posted 21 Jan 2012 - 05:11 AM
ganda nung story mo Ate !!!
pagpatuloy mo na yan
kekeke
m0re updates, m0re fun
![]()
ganda nung story mo Ate !!!
pagpatuloy mo na yan
kekeke
m0re updates, m0re fun
![]()
#16
Posted 21 Jan 2012 - 01:50 PM
#17
Posted 25 Jan 2012 - 06:50 PM
CHAPTER 3
Kinabukasan, gin-roup sila ng kanilang teacher sa history para sa isang project. isang lalaki at isang babae sa bawat grupo. si hanna na kanilang president ang gumawa ng palabunutan para sa kanila. nakabunot na sina casi, cressia at mae ay hindi pa rin siya bumubunot. ewan ba niya kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon, nanginginig ang mga kamay niya na hindi niya mawari.. napatingin siya sa mga boys na kanya-kanya na ring nagbubunutan kung sino ang kanilang magiging partner. nasulyapan pa niya si marco na bubunot na, napatingin din ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata, hindi niya alam kung ililipat ba niya ang tingin sa ibang direksyon o sasalubungin na lamang ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. bandang huli, nakita na lamang ang sariling nginingitian ito. gumanti namanito ng tingin sa kanya ngunit mukhang pilit lamang ang ngiting iyon.
"napano kaya ang mamang to, ang suplado, ngumiti nga pilit naman!" sabi niya sa sarili. napansin niyang siya na lang pala ang hindi pa nakakabunot kaya kinuha na niya ang natitirang kapiraso ng papel sa lalagyan. bigla siyang kinabahan nang mahawakan na niya ang papel.
"ok class, ngayon sabay sabay niyong titignan akung sino ang makakapartner niyo" sabi ng kanilang guro
"yes, mam!" sabay sabay na sagot nila.
dahan dahan niyang binuklat ang maliit na papel para lamang mabigla, dahil ang nabunot niya ay ang lalaking pilit na ngumiti sa kanya kani-kanina lamang.
"si marco?!" sigaw ng isip at puso niya.
hindi pa doon nagtatapos ang kanyang kabiglaan dahil napag-alaman niya na si marco pla ang nakabunot sa kanyang pangalan. ibig sabihin, sila ang magpartner. naexcite siya sa ideyang yon ngunit saglit lamang dahil naalala na namn niya kung pano ito ngumiti sa kanya kanina.
"makasundo ko kaya siya?" sabi niya uli sa sarili.
ayaw na ayaw ni marco ng mga group project dahil para sa kanya mas lalo lang itong nakakatagal sa oras, lalo na at kung hindi mo naman kclose ang partner mo. wala siyang ganang bumunot sa mga palabunutang ginawa ng kanilang president. nang makabunot na siya ay bigla siyang napatingin sa lugar ng mga babae para lamang mahuli na tinititigan pala siya ni lea. nataranta siya at hindi alam kung paano mag-rereact sa sitwasyon. hanggang sa ngumiti ito sa kanya, hindi niya alam kung tutugunin niya ang ngiting iyon o hindi. kya ang kinalabasan ay pilit ang ngiting naibigay niya dito.
maya-maya ay nagsabi na ang kanilang guro na pwd na nilang buksan ang mga nabunot nila. bumilis ang pintig ng puso niya nang makitang letter l ang simula ng pangalan, lalo pang bumulis iyon nang bmabasa na niya ng buong buo ang pangalan.
"LEA" sabi ng puso at isip niya.
hindi siya makapaniwala na ang babaemg ngumiti sa kanya kani-kanina lamang ay ang kanyang nabunot.
tinawag na ni ms. garcia ang mga magkakapartner. pagkatawag ng pangalan nilang dalawa ay sabay silang tumayo. pareho pa silang nahihiya sa isat-isa pero sa bandang huli ay nagbatian din sila. binigyan sila ng kanilang guro ng time para mag-usap muna tungkol sa kanilang gagawing project.
to be continued =)
Edited by chelsmile, 25 Jan 2012 - 06:51 PM.
#18
Posted 26 Jan 2012 - 02:56 AM
wiwz !!
kabitin Ms. Author ![]()
more updates, more fun ![]()
wiwz !!
kabitin Ms. Author ![]()
more updates, more fun ![]()
#19
Posted 14 Feb 2012 - 05:46 PM
0 user(s) are reading this topic
0 members, 0 guests, 0 anonymous users











