Jump to content


* * * * - 5 votes

My Destiny

Love comes unexpected


  • Please log in to reply
29 replies to this topic

#21 JhamSter15

JhamSter15

    PF Newbie

  • Members
  • 15 posts
  • Gender:Male

Posted 12 Feb 2012 - 09:41 PM

Starring:

Posted Image

Posted Image5

PROLOGUE








ERIC’S POINT OF VIEW>>>

Shitt!!” sa inis ay napahampas sa kanyang manibela si Eric. Paano ba naman kasi? He is on the way na para sunduin si Valerie sa bahay nito para sa inihanada nyang SURPRISE ROMANTIC DATE para dito. At balak din nyang mag-propose sa oras na iyon ngunit bigla na lamang tumirik ang makina ng kotse nya sa isang kalye along Pasay Road.

Gamit nya kasi yung isa sa mga kotse nya. His Red Beetle Car na halatang luma na pero kahit ganun ay napakahalaga pa rin nito para sa kanya. Pinamana kasi sa kanya ito ng namayapa nyang ama na galing pa sa lolo nya!

“Hello, babe! Na’san ka na ba?!” pag-aalalang tanong ni Valerie nang makausap nya ito sa Cellphone.

“Andito ako sa may Pasay. On the way n asana ako sa inyo kaso tumirik yung makina ni Bimbo” Bimbo ang pinangalan nya sa kanyang kotse.

“Teka, okay ka lang ba dyan? Gusto mo puntahan na lang kita dyan?”

“No need. I’m okay.” Pigil nya sa dalaga.

“Are you sure?”

“Yeah! Just waith for me there okay? I have a surprise for you.”

“Okay.” Maikling sagot nito saka agad na ibinaba ang kanyang phone.


Natuon bigla ang pansin nya sa isang matandang babae na nagtitinda ng mga rosas na napadaan sa harap nya.

“Ahm, manang. Magkano ho yang Rosas niyo?”


Lumingon naman ito. “ 1oo lang ang isa, hijo.” Nakangiting wika nito.

“Bibilhin ko na ho lahat!”

“Talaga, hijo?!! Naku, maraming salamat naman kung ganoon.” Masayang sabi nito na daig pa ang isang batang binilhan ng regalo.

“Ayos lang po yun. May pagbibigyan po kasi ako e.” sabay abot nya dito ng isang libo para sa 10 rosas na binili nya. Iniabot din sa kanya nito yung mga rosas.

“Para ba sa girlfriend mo iyang mga rosas?”

“Oho, pa’no nyo ho nalaman?”

“Aba’y hijo, alangan namang binili mo yan para sa akin, di’ ba? Common Sense naman, hijo!” sarkastikong sagot nito.

“Ahehehe…. :D Oo nga naman…” Napakamot sya ng ulo dahil sa kakulitan nung matanda. “Ah, sige ho manang, Mauna na ho ako” sabay talikod nya. Akmang aalis n asana sya nang---

“Mag-iingat ka, hijo!”


Napahinto sya saka bahagyang nilingon yung matanda. “Ano hong sabi nyo?” naguguluhang tanong nito.

“Isang pag-ibig ang maglalaho…Ngunit isang pag-ibig din ang darating… Ihanda mo ang puso mo sa mga pwedeng mangyari.” Makahulugang paalala nito.

“Teka, ano ho bang ibig nyong sabihin?”

“Eric!!” sigaw ng isang lalake sa may likuran nya.


Lumingon naman siya at natukoy nya ang boses na iyon. Si Alex, ang kanyang kaibigan ang syang tumawag sa kanya.

Nang muli nyang lingunin yung matanda ay wala na ito. Hinanap nya ito sa paligid ngunit hindi na talaga ito mahagilap ng kanyang mga mata. Hindi nya maintindihan ngunit namimisteryuhan sya dito. Una, sa mga sinabi nito at ang biglaang pagkawala nito. Para itong bula na mabilis naglaho.


Sa kaiisip nyang iyon ay di nya namalayan na nasa likod na pala nya ang kaibigan.

“Uy, Eric! Anong ginagawa mo ditto? Saka sino yung kausap mo dyan?” pagtatakang tanong nito.

“Ah, w-wla… T-teka, ikaw? Anong ginagawa mo dito?” pag-iiba niya ng topic.

“Tinawagan kasi ako kanina ni Valerie. And she told me to came here. And since malapit ako sa lugar na to’, pinuntahan na lang kita”

“Ganun ba? Ahm, pare! Pahiram naman ng kotse mo. Kailangan ko na kasing sunduin si Val e!

“O sige, pare! Ito oh! “ iniabot nito ang susi ng kotse nito.

“Salamat, pre! Sige ikaw na muna bahala sa kotse ko!” tinapik niya ito sabay alis.


Edited by JhamSter15, 14 Feb 2012 - 08:00 PM.


#22 Ms.NepOmUceNO

Ms.NepOmUceNO

    PF Newbie

  • Members
  • 8 posts

Posted 12 Feb 2012 - 09:46 PM

ANU B YAN!?

excited p nmn akong bshin tpos bitin nmn! :nea: :nea: :nea:

#23 lhie yesha

lhie yesha

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 132 posts
  • Gender:Female
  • Location:Sa dreamlandia

Posted 12 Feb 2012 - 10:40 PM

.kakabitin naman .pero nkakaexcite !:Dkelan po ang next update?:)

#24 JhamSter15

JhamSter15

    PF Newbie

  • Members
  • 15 posts
  • Gender:Male

Posted 13 Feb 2012 - 10:30 PM

View Postlhie yesha, on 12 Feb 2012 - 10:40 PM, said:

.kakabitin naman .pero nkakaexcite !:Dkelan po ang next update? :)

:) ito nah po ung next... sori kung nabitin keo!


View PostMs.NepOmUceNO, on 12 Feb 2012 - 09:46 PM, said:

ANU B YAN!?

excited p nmn akong bshin tpos bitin nmn! :nea: :nea: :nea:

hehehe:) sorry nagkulang sa oras eh!! Ito na po yung karugtong nya!...

#25 JhamSter15

JhamSter15

    PF Newbie

  • Members
  • 15 posts
  • Gender:Male

Posted 14 Feb 2012 - 07:29 PM

Gabi na nang makarating si Eric sa kanila Valerie. Actually, sa mansion nila Valerie. Mayaman kasi ang mga ito at kilala ang pamilya nito sa lipunan. Kaya naman napakaswerte nya dito. Bukod kasi sa maganda ito at mayaman ay napakabait pa nito. Kaya naman para sa kanya, He’s the luckiest man alive!

“Babe!” sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap nang pagkapasok nya sa pintuan..

“Teka, babe, sandali lang.” bahagya syang pumiglas sa pagkakayakap nito sabay abot niya ng bulaklak dito. “Flowers for you!”

Nakangiti namang tinanggap nito ang mga bulaklak. “Thank you.”

“Let’s go!!” usal niya na halatang hindi na makapaghintay sa date nila. Hinawakan nya ang mga kamay nito at sabay silang lumabas ng bahay.

“San mo ba ako dadalhin?” malambing na tanong nito.

“In a special place and I’m sure you’ll love it!” sagot niya saka pinaandar ang makina ng kotse..


Nasa kalagitnaan na sila ng lugar kung saan balak dalhin ni Eric si Valerie nang huminto na naman ang kotse sa isang madilim at tahimik na lugar na halos walang katao-tao.

“d**n it!” inis na sabi nito.

“What happen, babe?” nag-aalalang tanong nito.

“Nauubusan ng Gas! Kung bakit ba naman kasi hindi ko nai-check kanina! Grrr!!”

“What!?” mahina ngunit gulat na usal nito.

“I think this it!” mabilis nyang dinukot sa kanyang bulsa yung singsing na balak nyang ibigay dito. “I’m sorry if its not like romantic!” paumanhin nya dito sa nangyari.


Gusto nya kasi na kahit papaano ay maging romantic naman ang pagpo-propose nya ditto para naman maging MEMORABLE ito para sa dalaga. Pero wala na syang choice, gustuhin man nyang bigyan ito ng Romantic Proposal ngunit sadyang malas lang talaga ang araw na ito para sa kanya

“Eric?”

Bumuntong hininga muna ito bago ituloy ang sasabihin. “Val, will you marry me?” nangungusap ang mga mata nito habang sinasabi iyon.

Natulala si Valerie sa ginawa nya. Ngunit maya-maya ay sumagot na ito. “Yes,… I Will Marry You!” nangingilid na luhang sabi nito .


Hindi sya makapaniwala sa sagot nito at sa wakas ay ikakasal na sila… Ikakasal na siya sa babaeng pinakamamahal nya. Wala siyang mapaglagyan ng tuwa. Pinapangako nya dito na hindi ito magsisisi sa desisyon nito. Paliligayahin nya ito sa abot ng makakaya nya.

Habang masaya silang dalawa ay hindi nila namalayan na may papalapitsa kanilang TRUCK. Mukhang nawalan ata ng control yung driver ng truck…

Nanlaki ang mga mata nya sa nakita. Ngunit huli na para mag-react pa sya dahil tuluyan na itong bumangga sa kotse nila na nagbigay ng malakas na impact.


Hirap si Eric na idilat ang mga mata nya. Pakiramdam nya ay aka-stapler ang mga mata nya at hindi nya maidilat. Kasabay nun ay ang pagkirot ng katawan nya at hirap syang ikilos ito. Hanggang sa mag-replay sa utak nya yung nangyari.

Si Valerie? Agad na hinagilap ng paningin nya si Valerie. Kahit masakit ang leeg nya ay pilit nyang nilingon ang kinauupuan nito. Nanlumo sya ng makita ito. Puro ito sugat at duguan ang buong mukha nito. Sinubukan nyang abutin ng kanyang mga kamay ang mukha nito ngunit…… hindi na ito humihinga pa. Dun nya napagtanto na patay na ito.!!

Napailing sya. “H-hindi… Hindi! V-val, G-gumising ka!” ayaw niyang maniwala na wala na ito. Gusto nyang paniwalain ang sarili nya na buhay pa ito at natutulog lang. Ngunit kailangan nan yang tanggapin ang katotohan… Na wla na ito, patay na ang babaeng pinakamamahal nya na kani-kanina lang ay masaya sa ginawa nya… “Hindiiiiiiiii!!!!!!” sigaw nito.

Edited by JhamSter15, 14 Feb 2012 - 07:30 PM.


#26 chicharuu:)

chicharuu:)

    PF Newbie

  • Members
  • 2 posts

Posted 15 Feb 2012 - 09:35 PM

Huh?? nmtay agad?!
ano b yan.... :(

but infiernes, cla kathryn at daniel pla ung bida?? :give_rose: :give_rose: :give_rose:

#27 Ms.NepOmUceNO

Ms.NepOmUceNO

    PF Newbie

  • Members
  • 8 posts

Posted 15 Feb 2012 - 09:56 PM

Tray nmn ng simula...

patay agad ung girl???

#28 lhie yesha

lhie yesha

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 132 posts
  • Gender:Female
  • Location:Sa dreamlandia

Posted 15 Feb 2012 - 10:35 PM

.grabe naman un.. .kakapr0pose plang namatay na kgad c gurl ?.aixt . .kakabitin ulit .su2baybayan q 2 .nkakaexcite kc .anu kya su2n0d na mangya2ri ?

-update na po!:)

.grabe naman un.. .kakapr0pose plang namatay na kgad c gurl ?.aixt . .kakabitin ulit .su2baybayan q 2 .nkakaexcite kc .anu kya su2n0d na mangya2ri ?

-update na po!:)

#29 JhamSter15

JhamSter15

    PF Newbie

  • Members
  • 15 posts
  • Gender:Male

Posted 16 Feb 2012 - 09:04 PM

View Postchicharuu:), on 15 Feb 2012 - 09:35 PM, said:

Huh?? nmtay agad?!
ano b yan.... :(

but infiernes, cla kathryn at daniel pla ung bida?? :give_rose: :give_rose: :give_rose:

hehe... meon p poh clang ksmang mga bida kaso nd ko pa napa-finalize ung pic nila! :Tounge:
:Tounge:
:Tounge:

View PostMs.NepOmUceNO, on 15 Feb 2012 - 09:56 PM, said:

Tray nmn ng simula...

patay agad ung girl???

oo nga eh!! Gnun tlga ang buhay ....

View Postlhie yesha, on 15 Feb 2012 - 10:35 PM, said:

.grabe naman un.. .kakapr0pose plang namatay na kgad c gurl ?.aixt . .kakabitin ulit .su2baybayan q 2 .nkakaexcite kc .anu kya su2n0d na mangya2ri ?

-update na po! :)

.grabe naman un.. .kakapr0pose plang namatay na kgad c gurl ?.aixt . .kakabitin ulit .su2baybayan q 2 .nkakaexcite kc .anu kya su2n0d na mangya2ri ?

-update na po! :)

Hehehe... thanks po s pag-support keep on supporting lang po...
Abngan nyio po ung CHAPTER 1

#30 dheanijm

dheanijm

    PF Newbie

  • Members
  • 15 posts
  • Gender:Female
  • Location:La Union

Posted 27 Apr 2012 - 01:33 PM

San n kasunod??? XD




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users