Jump to content


* * * * - 2 votes

The Untitled Love Story

shinaya_waara Rhapsody1021


  • Please log in to reply
127 replies to this topic

#11 Empress Josa

Empress Josa

    Shinaya_Waara

  • Members
  • PipPipPipPip
  • 903 posts
  • Gender:Female
  • Location:a place for Josa's @ Caelum Utopia

Posted 04 Jan 2012 - 01:16 PM

hahahaha!!!! nice rhaps!!!! i love your update..kaya mo naman palang dugtungan eh...galing...hehehe..

humanda ka sakin ngayon Hailey!!!!

kapag naabutan kita ngipin mo lang walang latay!!!

so si Monching ba??/hehe

Edited by shinaya_waara, 04 Jan 2012 - 01:17 PM.


#12 Rhapsody1021

Rhapsody1021

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 175 posts
  • Gender:Female
  • Location:Makati

Posted 04 Jan 2012 - 01:17 PM

tssk tsssk soweey po sa pagkakamali


Edited by Rhapsody1021, 04 Jan 2012 - 01:36 PM.


#13 shinjukirose

shinjukirose

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 132 posts
  • Gender:Female
  • Location:In GOD's hEart :)

Posted 04 Jan 2012 - 02:17 PM

nAturaL nA nAturaL uNg cHarActEr ni haiLey ah pArAng gAwain talagA eh lakAs mAng asAr...

Si prOf o waLa mAnLang gnwA hinAyaang mAg cuttiNg cLass uNg studyAnte,syA nA syA nA aNg huwArAng gUro..hAhahahah...

Keep up tHe gOod wOrk gUys...

#14 AegyoDayDreamer

AegyoDayDreamer

    _Princess_Josa_

  • Super Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,264 posts
  • Gender:Female
  • Location:Pwede bang sa puso mo?

Posted 04 Jan 2012 - 02:49 PM

hahaha, ang dami kong tawa! sayang hindi ako naunang nakapag-comment!!! kelan niyo 'to na-post mga sis???

ahahahaha... cat-fight na ba ito? :LMAO:

update na, shinaya ikaw na diba!



#15 Rhapsody1021

Rhapsody1021

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 175 posts
  • Gender:Female
  • Location:Makati

Posted 04 Jan 2012 - 03:08 PM

View Postshinjukirose, on 04 Jan 2012 - 02:17 PM, said:

nAturaL nA nAturaL uNg cHarActEr ni haiLey ah pArAng gAwain talagA eh lakAs mAng asAr...

Si prOf o waLa mAnLang gnwA hinAyaang mAg cuttiNg cLass uNg studyAnte,syA nA syA nA aNg huwArAng gUro..hAhahahah...

Keep up tHe gOod wOrk gUys...


Malakas talaga akong mang asar kaya nga nung high school lagi akong nasisita nyang si shinaya eh

#16 Empress Josa

Empress Josa

    Shinaya_Waara

  • Members
  • PipPipPipPip
  • 903 posts
  • Gender:Female
  • Location:a place for Josa's @ Caelum Utopia

Posted 04 Jan 2012 - 03:14 PM

View PostAegyoDayDreamer, on 04 Jan 2012 - 02:49 PM, said:

hahaha, ang dami kong tawa! sayang hindi ako naunang nakapag-comment!!! kelan niyo 'to na-post mga sis???

ahahahaha... cat-fight na ba ito? :LMAO:

update na, shinaya ikaw na diba!




kahapon lang namin ito naisipan sis..hahaha..taz ngayon lang kami nagpost ng update...

thanks sis!!!

humanda sakin yang si Hailey!!!

View PostRhapsody1021, on 04 Jan 2012 - 03:08 PM, said:

View Postshinjukirose, on 04 Jan 2012 - 02:17 PM, said:

nAturaL nA nAturaL uNg cHarActEr ni haiLey ah pArAng gAwain talagA eh lakAs mAng asAr...

Si prOf o waLa mAnLang gnwA hinAyaang mAg cuttiNg cLass uNg studyAnte,syA nA syA nA aNg huwArAng gUro..hAhahahah...

Keep up tHe gOod wOrk gUys...


Malakas talaga akong mang asar kaya nga nung high school lagi akong nasisita nyang si shinaya eh


hay naku sinabi mo!!!! lagi akong nahahigh blood dyan kay Rhapsody nung highschool kami..

#17 Queen Josa

Queen Josa

    Queen Josa

  • Members
  • PipPipPipPip
  • 925 posts
  • Gender:Female
  • Location:Sa lugar kung saan nagtitipon ang mga Josa at magaganda!

Posted 04 Jan 2012 - 04:59 PM

GRABEHHHHH!!!! AS SUPER GRABE ANG TAWA KO DITO SA KWENTO NA TOH!!!! SI HAILEY GRABE TIPONG AKO LANG NOON!!! TAPOS MAHILIG DIN SA MOTOR!!!!HUWAW TALAGA!!!!

...

...

...

SYEMPRE PA...HINDI MAWAWALA YUNG SPECIAL REQUEST NA SPECIAL PARTICIPATION!!!! AHAHAHAHAH!!!!! PWEDE BANG FRIENDSHIP KAMI NI HAILEY????BWAHAHAHA!!!!

...

...

...

HINDI PA TAPOS ANG COMMENT KO...MAY SUSUNOD PA YAN...PAUNA PA LANG YAN!!!!



#18 Rhapsody1021

Rhapsody1021

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 175 posts
  • Gender:Female
  • Location:Makati

Posted 04 Jan 2012 - 05:53 PM

View PostQueen of My Own World, on 04 Jan 2012 - 04:59 PM, said:

GRABEHHHHH!!!! AS SUPER GRABE ANG TAWA KO DITO SA KWENTO NA TOH!!!! SI HAILEY GRABE TIPONG AKO LANG NOON!!! TAPOS MAHILIG DIN SA MOTOR!!!!HUWAW TALAGA!!!!

...

...

...

SYEMPRE PA...HINDI MAWAWALA YUNG SPECIAL REQUEST NA SPECIAL PARTICIPATION!!!! AHAHAHAHAH!!!!! PWEDE BANG FRIENDSHIP KAMI NI HAILEY????BWAHAHAHA!!!!

...

...

...

HINDI PA TAPOS ANG COMMENT KO...MAY SUSUNOD PA YAN...PAUNA PA LANG YAN!!!!




SALAMAT SA MAINIT NA PAGTANGGAP KAGALANG GALANG NA QUEEN SANA DI AKO MA DRAIN DITO KAY SHINAYA WAG LANG NIYA AKONG GAGANTIHAN NG BONGGA.

#19 Empress Josa

Empress Josa

    Shinaya_Waara

  • Members
  • PipPipPipPip
  • 903 posts
  • Gender:Female
  • Location:a place for Josa's @ Caelum Utopia

Posted 04 Jan 2012 - 06:58 PM

View PostRhapsody1021, on 04 Jan 2012 - 05:53 PM, said:

View PostQueen of My Own World, on 04 Jan 2012 - 04:59 PM, said:

GRABEHHHHH!!!! AS SUPER GRABE ANG TAWA KO DITO SA KWENTO NA TOH!!!! SI HAILEY GRABE TIPONG AKO LANG NOON!!! TAPOS MAHILIG DIN SA MOTOR!!!!HUWAW TALAGA!!!!

...

...

...

SYEMPRE PA...HINDI MAWAWALA YUNG SPECIAL REQUEST NA SPECIAL PARTICIPATION!!!! AHAHAHAHAH!!!!! PWEDE BANG FRIENDSHIP KAMI NI HAILEY????BWAHAHAHA!!!!

...

...

...

HINDI PA TAPOS ANG COMMENT KO...MAY SUSUNOD PA YAN...PAUNA PA LANG YAN!!!!





SALAMAT SA MAINIT NA PAGTANGGAP KAGALANG GALANG NA QUEEN SANA DI AKO MA DRAIN DITO KAY SHINAYA WAG LANG NIYA AKONG GAGANTIHAN NG BONGGA.

hahaha...nice sis!! oo ba basta ikaw may special participation dito...

@rhapsody- hindi naman bongga sakto lang..hahaha



#20 Empress Josa

Empress Josa

    Shinaya_Waara

  • Members
  • PipPipPipPip
  • 903 posts
  • Gender:Female
  • Location:a place for Josa's @ Caelum Utopia

Posted 06 Jan 2012 - 08:30 AM

Chapter 2


Haisee Dean Ibaviosa


AAAARRRRGGGGHHHH!!!!


Kahit kelan talaga peste sa buhay ko yung Reptilya na yun!!!


Asar na asar ako. Sira na naman ang araw ko Thanks to my devilish twin sister.


Pinakealaman na naman kasi niya yung gamit ko ng hindi nagpapaalam eh. Itatago niya eh nalalaman ko din naman. Kung hindi ba naman kasi isat kalahating tanga papatayin yung monitor pero naka-on pa rin yung CPU. Adik talaga.!


Tapos ngayon tatakbuhan niya ako porket alam niyang may kasalanan siya sakin.


Hay naku magpasalamat talaga siya at hindi ko siya naabutan dahil kung hindi pati itim sa mata niya may latay! Sinaniban yata kasi yun ng sampung kabayo kaya napakabilis tumakbo. Hindi ko naman siya mahabol dahil ang taas ng heels ng shoes ko.


Magpasalamat ka talaga Hailey at kinakampihan ka pa rin ng mga kalahi mong reptilya.


Ako nga pala si Haisee. Oo, malamang nasiraan na ako sa inyo ng kakambal kong iyon. Kesyo ganito ako kesyo ganyan. Pero sino ba naman kasi ang hindi iinit ang ulo at masisiraan ng bait kung sa bawat araw na gigising ka at sa bawat araw na matutulog ka pepestehin ka ng reptilyang iyon? Mabuti nga at nasa matino pa ang isip ko eh dahil kung lagi ko siyang papatulan sa mga pang-aasar niya sakin baka sa Mental Hospital na ako pulutin.


Seriously speaking.


I’m Haisee Dean Ibaviosa. A Law student. Pangalawang course ko na ito actually. The first one is Banking and Finance. Then naka two masterals na ako in Management.


Kaya naisipan ko mag- Law dahil yun sa pasaway na kakambal ko dahil kung siya ang lagi kong makakasama kailangan kong magbaon ng sangkaterbang batas na pwedeng itapal sa kanya once na maisipan kong ipakulong ang reptilyang iyon. Pero dahil mabait pa din naman ako at kahit ayoko dahil kakambal ko siya yung mga minor cases lang ang isasampa ko sa kanyang demanda pagdating ng araw.


Aminado naman ako na pikon talaga akong tao. Basta ayoko kasi sa lahat yung inaasar ako and thankfully sa taglay kong katarayan walang nagtatangkang mang-asar at mang-inis sakin.


Ay hindi..


Meron pala.


Yung kakambal kong si Hailey.


Siya lang at wala ng iba ang may kakayahang sirain at pestehin ang araw ko.


Ay wait ulit…


Meron pa nga palang isa pa.


Pero dahil pesteng kulugo lang siya sa paningin ko ayoko na siyang banggitin. Saka na kapag medyo nawala yung asar ko kay Hailey. Saka ko na lalaitin at sisiraan yung kulugong iyon sa inyo.


Sa ngayon magfocus muna tayo sa frustrations ko sa buhay dahil sa kakambal ko.


Mas matanda sakin yan si Hailey ng mga let’s say…ahmm…5 minutes and 30 seconds. Yun ang interval ng paglabas niya sakin sa womb ni Mommy pero kung umasta yan akala mo daig pa ang isang 3 years old sa sobrang pagkaisip bata at kakulitan.


Kung gaano ako kaseryoso sa buhay ganun naman siya ka laid-back.


In short isa siyang dakilang tamad.


I always been serious in my life especially how I do things. I’m a very organized person kaya nga madali kong malalaman kung may nagalaw sa gamit ko. OC nga daw sabi ni Hailey.


Bata pa lang ako achiever na ako. A good daughter to my parents. Tama ng ang isang sakit ng ulo sa bahay namin. Ayoko ng dumagdag pa kay Hailey.


Ilag ang mga tao na lapitan ako. Siguro dahil ang tingin nila sakin ay “Nerd”. Well okay lang naman sakin yun eh. Puro plastic naman kasi sila. Mabibilang lang sa daliri ang matatawag kong kaibigan. Hindi tulad ni Hailey na buong populasyon yata ng University ay kakilala niya.


Hindi ako friendly lalong hindi ako si Miss Congeniality.


Mataray, maldita at masungit. Okay na ring front yun sa mga lalaking makukulit.


Pero in reality, lalo na sa mga nakakakilala sakin, I’m a crybaby. Napakadali kong umiyak yun nga lang magaling akong magtago.


As a law student kailangan kong maging POKER FACE. Hindi ako nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao.


“Sissssssssss!!!!!!”


Napalingon ako sa tumawag sakin. Ang bestfriend kong si Regine ang nakita ko.


“Ano bang ginagawa mo dyan at parang lumilipad yata ang isip mo?” tanong niya sakin.


“wala naman. Nag-iisip lang ako ng panibagong kaso na pwede kong isampa sa kambal ko.”


Napatawa ng malakas si Regine. Sanay na ito sa dilemma ko pagdating kay Hailey.


“Ano na naman bang ginawa sayo ni Hailey ngayon?”


“pinasok yung kwarto ko at ginamit yung PC ko. Kaso luka-luka siya dahil hindi man siya nagpahuli sakin dahil nakaalis siya agad sa room ko nalaman ko naman na ginalaw niya yung PC ko dahil naiwan niyang bukas ang CPU ng pinatay niya yung monitor. Adik talaga.”


“Hay naku kayo talagang dalawa. Parang hindi kayo magkapatid eh. To take note pa na kambal pa kayo ah. Hindi ba kayo pwedeng magsundong dalawa?”


“Sis, kapag nangyari yun isa lang ang ibig sabihin nun. Malapit ng magunaw ang mundo. Kaya wag ka ng umasa.”


“ewan ko sa inyo. Maloloka ako. Tara na nga at baka malate pa tayo sa klase.”


Pareho kaming Law student niyan ni Regine. Kaso sa lahat naman ng future lawyer na kilala ko ang isang yan ang may sapi yata sa ulo. Pasaway din kasi iyang babaeng iyan at saksakan din ng kulit. Ewan ko ba kung bakit hindi na ako nalayo sa mga pasaway na tao. Iniimagine ko nga kung anong mangyayari kung sakaling maging Lawyer nga iyang si Regine eh.


Si Regine lang ang matatawag kong bestfriend talaga dahil hindi siya tulad ng ibang nakilala ko na plastik. Kaya nga magkasundong- magkasundo kaming dalawa eh. Napakasipag pa niya dahil siya ang nagpapaaral sa sarili niya. Nagtatrabaho siya part-time sa isang bar and restaurant bilang barista.


“May pasok ka pa ba mamaya?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa building naming.


“Meron. Punta ka naman sa bar naming mamaya.” Yaya niya sakin.


Matagal na kasi niya akong sinasabihan na puntahan siya dun sa pinagtatrabahuhan niya pero isa lang lagi ang sagot ko.


“Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan.”


“Hay ewan ko sayo sister. Ang boring ng buhay mo. Wala ka na ngang lovelife wala ka pang social life. Ikaw na.!”


“Redj, nabuhay ako ng 20 years na wala yan kaya kaya mong mabuhay ng wala yan.”


“Hindi rin. Ayaw mo bang matikman ang biyaya ng Diyos sa kababaihan?”


“tumigil ka nga Regina Dipasupil! Para kang di law student niyan eh.”


“Hay naku! Para saan pa ang pagkakaroon ko ng apelyidong Dipasupil kung basta basta nalang ako titigil noh.”


“Ewan ko sayo. Napuno na yata ng alak at usok yang utak mo”


“Hoy! Centralized Aircon yung bar na pinagtatrabahuhan ko kaya walang usok dun noh.”


“Whatever!”


“Hay naku sister sana magkaroon ka na ng papa para hindi ganyang masyado kang stiff sa buhay kaw din maaga kang tatanda.”


“Matagal na akong maagang tumanda dahil sa kunsumisyon ko kay Hailey kaya wala ng bago dun.”


“Ewan ko sa inyong dalawa. Teka nga speaking saan papunta yung kambal mo? Nakasalubong ko kasi siya kanina eh”


“Hayaan mo yun. Wala ng pag-asa buhay nun.”


Kahit papaano nawala din ang init ng ulo ko.

Pero naku!

Wag ka munang magpakita sakin ngayon Hailey kung ayaw mong pasagasaan kita sa pinakamamahal mong si UNO.





Also tagged with shinaya_waara, Rhapsody1021

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users