Jump to content


Ang Tanga

Ang Tanga Best EMO kowts


  • Please log in to reply
No replies to this topic

#1 mc_emozkie07

mc_emozkie07

    EMO Member

  • Super Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,547 posts
  • Gender:Male
  • Location:EMO world..

Posted 07 Dec 2011 - 03:23 PM

Ang Tanga
by Kreighton


nakilala ko siya sa panahong kelangan ko ng isang tulad niya.
pilit ko siyang
binalewala, tinulak palayo, pero heto siya't
nagsusumiksik sa aking buhay.

siya lang ang hinayaan kong makalapit,
andiyan sya kpag kelangan ko,
kapag may ulan siya ang payong,
kapag malungkot siya ang ngiti,

siya ang halakhak sa bawat biro,
siya ang pagkain ng gutom kong puso.
pinatahimik niya ang sigaw ng nangungulila kong puso
kung paano tanggapin ang nakaraan at harapin ang kinabukasan.

pero sa dinamidami ng aming pinagdaanan
ng aming pinagsamahan
ng mga ginawa niya para sa akin
hindi pa rin magawa ng puso kong ibigin siya?

yun lang naman ang hiling niya..
yun lang naman ang hiling ko...


bakit di niya kayang inisin ako sa tuwing hindi lang siya tatawag?
bakit hindi niya kayang tunawin ang puso ko ng kanyang mga ngiti?
hindi niya kayang magpacute sa tuwing may gusto siyang hingin sa akin..
hindi niya kayang gawin yung lambing na gustong gusto ko

kapag humihingi ng tawad pagkatapos ng away..
ang kamay niya ay hindi kasing lambot ng tulad ng hinahanap hanap ko
ang mga tawa niya hindi katulad ng gumigising sa buo kong pagkatao..
ang mga titig niya hindi mapangnoot katulad ng aking nakasanayan na..


hindi niya kayang pagmukhain akong tanga para lang mapansin niya.
hindi niya kayang tawagin ang pangalan ko nang parang awit sa aking mga tenga..
hindi niya kaya....
kaya hindi rin kaya ng puso kong mahulog sa kanya..

ang puso kong pihikan na isa lang ang hinahanap hanap..
ang puso kong isang beses lang tumibok..
at hindi na kailan man titibok pa..
kaya pwede ba, wag mo na akong pilitin na ipaliwanag sa iyo kung bakit

hindi ko kayang mahulog sa isang taong hindi naman
talaga mahirap mahalin...
dahil simple lang sagot diyan,
hindi ko na dapat pinahaba pa

pero makitid talaga ang utak mo eh...
simple lang naman talaga ang sagot eh


HINDI.SIYA.IKAW!




1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users