Jump to content


* * * * * 1 votes

That Girl. That Heartbreaker.

love at first sight heartbreaker


  • Please log in to reply
30 replies to this topic

#1 gio_dude

gio_dude

    PF Newbie

  • Members
  • 22 posts

Posted 25 Sep 2011 - 02:09 PM

Chapter 01




Airwind's POV


8:45 pm


I sighed as i glanced over my wristwatch. It's almost 9. Tiyak na pagagalitan na naman ako ni mama at dad. Yeah. Late na ang 9pm para sa kanila. But I can't blame them. Ako na lang kasi ang nag-iisa nilang anak. My elder sister died of cancer a year ago. Kaya ganun na lang sila kung mag-alala sakin. Napaka-overprotective and all. Nakakasawa na nga minsan but who am i to blame them, ayt?


Daddy calling...


"Hijo, where are you already?" my dad asked after i said hello.


"I'm on my way dad, don't worry. I'll just walk my way home." I said. Wala na kasing dumadaan na tricycle ngayon. Para kasing uulan nanaman. Maputik na maputik pa naman ang kalsada sa labas ng school namin kaya siguradong wala ka nang makikitang pampasaherong sasakyan.


"Okay. God bless." He always says that. Religious kasi daddy ko. Hmm. Well, ako din naman.. Kind of.

"kay, Dad. Babye." i said then hung up. I could'nt say God bless you, too. Nahihiya ako. Awkward kasi para sakin. Hindi ako sweet sa parents ko, but I do love them.


I put my iPhone in my bag and started walking my way outside the computer shop.


Ang tagal namin natapos magdota ngayon. Matagal narin kasi kami hindi nakapaglaro. Kakastart lang ng pasukan so ngayon lang ulit nagkita ang barkada. Iyong barkada ko naman nauna na silang umuwi sakin. May chineck pa kasi ako sa email ko.


I looked down the street and found myself in a very bad situation. Hindi naman ganito pagpasok namin sa shop. The place is so muddy. Babaha pa ata kung hindi lang tumigil ang ulan.


Naglakad ako papunta sa sari-sari store accross nung school namin tas bumili ng makakain. Gutom na rin kasi ako.


I started walking again and saw a girl walking ahead of me. Naka-uniform siya ng kabilang school malapit sa school namin..


Hmmm... Bat kaya ngayon lang siya uuwi?


I stared at her back.


Uy sexy 'to ah! Nice bod you've got there babe!


Kahit longsleeved yung uniform niya, halata parin na sexy yung katawan niya. I should know.


Ako pa! I have an eye when it comes to girls. lol.


I don't know what came to me but I had this sudden interest to follow her. I'ts quite unlikely for me doing this kasi hindi naman ako mahilig maghabol ng babae. Sila kasi humahabol sakin. (LOL)


>///< hahaha.


Ang haba kasi naman ng buhok niya. Hanggang waist? Bihira na yun sa mga girls ngayong ang pahabain ng ganun buhok nila.


Pero infairness to her. Bagay sa kanya.


As in!


I have never thought a hair as long as that could be so attractive. Parang ang sarap hawakan. So smooth and silky. Ang ganda-ganda tingnan. Nakakaakit.


Nakakaakit para sa isang lalaking katulad ko.


Is she beautiful though? Baka pag nakaharap na yan eh 'uy-ay' pala?


hahaha! Natawa ako sa naisip ko. Marami naman kasing ganun. Pag nakatalikod lang maganda. Ahahaha!


Sinundan ko siya kahit ang putik-putik na ng dinadaanan namin. Kahit na ang dumi na ng sapatos ko. Kailangan ko makita ang mukha niya.


Binilisan ko lakad ko. I wanted to walk beside her. In that way, it would be easier for me to catch a glance at her face.


But suddenly..


"kyaaaaaaaaah!" she screamed.


'Yung bag niya kinuha nung batang lalake sabay karipas ng takbo.


"Habulin m--"


Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. I immediately ran after the kid who stole her bag.


I ran as fast as I could. Mabilis yung bata but mas mabilis pa rin ako.


"Hoy!" I screamed at the kid nung malapit ko na siyang maabutan.


Nataranta ata yung bata kaya medyo bumagal yung pagtakbo nya. And there, I caught him.




***



"Here's your bag, miss" I was panting as I handed her her bag.


"Salamat ha'' she snorted.


My eyes widened and my jaw dropped when my gaze finally landed on the girl before me. When her eyes landed upon mine, she inhaled sharply, a look of relief passing across her face. We stared at each other for a few minutes, taking the other person in.


Standing before me had to be the most beautiful girl I ever laid my eyes on.


Ghad, she's heaven!



"Thank you talaga!"


I just smiled and nodded to her in reply. Hindi ko alam ang sasabihin. Masyado pa akong strucked sa ganda niya.


Could this be love at first sight? Geez.. >///<



Nagising ako sa kinatatayuan ko nang marealize ko na nakatalikod na pala siya at nagsisimula na ulit maglakad.


d**n! Not now! I hit my head.


It's not everyday that I get the opportunity to bump into a girl as beautiful as her so I should not just let this slip.


"Wait up!"


Humabol ako sa kanya at tinabihan ko siya sa paglalakad. My right hand holding my bag that clung by my shoulder.



****



Nandito ako sa ilalim ng isang puno. Bigla kasing umulan ng malakas. Humanap ako ng masisilungan pero itong puno lang na 'to ang aking nahanap.


Actually, para pa din akong walang sinisilungan. Nababasa pa din kasi ako. Pshh..


I can't help but smile looking at her. Ang saya-saya niya habang nagpapaulan.Nakatingala siya sa langit at sinasalo ang malalakas na patak ng ulan with open arms and open mouth..


Open mouth talaga? Haha. Nakakatuwa siya.


She looks so d**n sweet I can't take my eyes off her.


"Hey Airwind, ang killjoy mo naman! Why don't you come join me here?"


She then flipped her wet hair leaving me dumbfounded for the nth time.


God, she looks so innocent yet sexy at the same time.


Gulp >__<


Yung uniform niya kasi bumabakat na sa katawan niya. Lumalabas ang pagka-maniac ko! Sh*t!


Pero di dapat. Parang pakiramdam ko hindi siya yung tipo ng babaeng ginaganun. Ayaw ko siyang bastusin. Iba siya eh. Kahit ngayon ko lang siya nakilala, kahit sasandali pa lang kami nagkakasama, masasabi kong comfortable ako sa kanya. I wan't to treat her with respect.


Grabe. Gustong-gusto ko na siya. >____<


Namalayan ko nalang na basang-basa na pala uniform ko. Yung polo ko bumabakat na din sa sexy kong katawan. hahaha


Kaya ayun sinamahan ko nalang siyang magbabad sa ulan. hehe


Hindi ako isip-bata. Pero ngayon, I couldn't help myself but be one.


Naghabulan kami.. Ang sweet lang..


Tawa siya ng tawa.. Her chuckles were like music to my ears..


I want to spend more time with her. Be with here more often and get to know her more.


So nagtagal pa kami sa lugar na yun.


Sana di na tmatapos ang gabing 'to.




****************Author's Note

Newbie here.. First story ko po. Original yan. Sana suportahan niyo..
magcomment po kayo ha?
Lalaki nga po pala ako. hehe.
I'll upload Chapter 2 as soon as I can.
God bless.. :victory:

#2 star'

star'

    PF Regular

  • Members
  • Pip
  • 90 posts
  • Gender:Female

Posted 26 Sep 2011 - 02:26 PM

ang cute nman . update :D

#3 gio_dude

gio_dude

    PF Newbie

  • Members
  • 22 posts

Posted 28 Sep 2011 - 10:49 AM

View Poststar, on 26 Sep 2011 - 02:26 PM, said:

ang cute nman . update :D

salamat po.. :yes:

mag uupdate na ako. weeh

#4 gio_dude

gio_dude

    PF Newbie

  • Members
  • 22 posts

Posted 28 Sep 2011 - 11:26 AM

Chapter 02



"Dali Boy, gulpihin mo na yan!'


"Balian mo ng leeg! Hahaha!"


"Patunayan mo samin macho ka! LOL! Hahaha!"


Lunchbreak ngayon at katatapos lang namin maglunch. Nandito kami ng barkada kong si Kurt tsaka John sa corridor sa labas ng classroom namin. Kasalukuyan naming tinuturuan ang classmate naming medyo 'bent' na si Boy.


"Walang sisihan pare ah!" Mayabang sabi ni Boy sakin. Pinatigas at nilaliman pa niya boses niya nung sinabi yun. haha.


"Tama na satsat pre! Simulan na at ng magkaalaman!" Nanghahamon ko namang sagot at ni-ready ang kanan kong braso para sa suntok niya. Tingnan ko kung may pag-asa ka pa ba boy!


1.


2..


3...


"Aaaarggghhhh!" exaggerated kong sigaw habang hawak-hawak ang braso kong sinuntok niya. Pinikit ko pa mata ko para mas convincing ang drama. "hahaha!"


"Hahaha! Lol pare langya lakas mo sumuntok!" Tatawa-tawang sabi ni Kurt kay Boy sabay akbay dito."Malapit ka nang maging tunay na lalake! woooh!"


"Langya ka Boy, namanhid ata braso ko!" kunwari nasaktan talaga ako tas himas-himas ko braso ko.
Actually, it wasn't that hard of a punch. Pinapalakas ko lang loob ni Boy. Siyempre, para isipin niyang may pag-asa pa siyang maging tunay na lalake di ba. Sayang din eh konti nalang kaming gwapo sa mundo mabawasan pa. Hahaha!


Isang week na din namin siyang nakakasama. So far okay naman. Di naman nakakadiri.


"Hi boys! Sali niyo naman kami diyan." excited na sabi ng classmate naming si Jen. Kasama niya isa pa naming classmate na si Nikki.


"Magpapabugbog din kayo kay Boy? Lalake na yan ngayon! Tinuruan namin pano sumuntok ng tama!" Sabi ni John tas sumuntok-suntok siya sa ere na parang si Pacman lang. hahaha.


=__= mga mukha ni Jen at Nikki


"Duh, John, DUH!" mataray na sagot ni Nikki. Girlfriend siya ni John.


"Gagawin namin kayong punching bag!" sabi ni Jen sabay pakita ng kamao niya. "Wanna try?"


Natatawa na lang ako habang pinapanood ang mga friends ko. I'm happy I have friends like them. This Airwind del Rio badly needs their company. Pinupunan nila yung emptiness at loneliness na nararamdaman ko. Lonely dahil sa pagkakaalam niyo na, only child nalang ako. Palaging tahimik sa bahay. Sina mama at dad di pa tapos magluksa sa pagkamatay ng kapatid ko. Dito lang ako sa school nakakatawa ng ganito.


Si Kurt Legaspi ang bestfriend ko since grade school. He's also 17 years old. We live in the same village. So basically, we grew up together. We agree on almost all things like food, sports, etc. except for one, girls. Type niya maiingay whereas tahimik yung sakin. Gusto niya outgoing, ako yung mahinhin. We don't argue about it though. Di ko siya pinapakialaman at ganun din siya sakin.


*bzzzt* bzzzt*


1
new message
received


From: *My heaven*
San ka ngayon?


Ang heaven ko nagtext. ^_________^



To: *My heaven*


Sa labas ng room namin. Ikaw? (^,^)


Still smiling, I sent my reply to my heaven. To my Anna. Anna name niya. Ganda no? Ang cute. Sarap bigkasin ng paulit-ulit. oh anna anna anna!


I waited for her reply now not minding my friends. Sa kanya na nakatuon ispipan ko. It's been one week since we last saw each other. We exchanged digits that night and since then we've been constantly texting each other.


Text dito, text doon.


her: Good am poh!


me: Gud morning! Have a nyc day!


her: Papasok na ako sa school. Ikaw?


me: Papasok na din.. Ingat ka ha.. mwah


her: Kakain na ako.


me: Kain ng marami. Pakabusog ka


her: Pauwi na ako..


me: Sana sabay tayo...


her: Time for bed. Goodnight!


me: Sweet dreams. Tabi tau?


Corny ba?


Mga ganun lang naman. I like her and I hope she can feel it through my texts. Wala pa kasing chance na magkita kami ulet. Busy daw siya. Pero okay lang sakin. I can wait. Nagtataka nga ako sa sarili ko at natitiis ko siya. Impatient din kasi akong tao.


Yung hair niyang hanggang waist hindi maalis sa isip ko. Napakaganda. Sa kanya lang ata bagay ang ganun.


Yung eyes niya color brown. Dagdagan pa natin na mahabang eyelashes niya. Pano pa ako titingin sa iba niyan?


Yung nose niyang perfectly carved. Ang sarap i-pinch.


And oh her lips. So kissable. Tell me how can I resist such?


I just can't seem to get her off my senses. I really like her.


"Yo mga dude, yung transferee papunta dito." John said almost whispering. Bigla akong nagising sa daydreaming ko.


Natahimik silang lahat. Probably amazed of the beauty of the girl approaching. Si John, Kurt, Boy pati na rin si Nikki at Jen. Tumabi silang lahat sa gilid making way for her.


I just stood there. Nakaawang ng konti bibig ko.


Si Anna.


O_o


Sh*t!


What on earth is she doing here?!


Since when did she transfer?


Why didn't she tell me?


Is this a surprise? Cause if this is, I am more than just surprised...


Nakangiti siya habang papalapit, her hands waving at me.


I forced a smile..


Naramdaman ko lahat ng mga mata nakatingin na sa'kin.


"Hi Airwind!" sabi niya at niyakap ako excitedly.


"Airwind?" A voice called out from my back.


Paglingon ko, nakita ko ang isang babae.


Si Kaye.


The girl I'm courting right now.



Patay! Ano gagawin ko ngayon?!


Sabihin pa nila two-timer ako? Na marami akong nililigawan?!


Oh man!



Bahala na nga!



Di ko nalang pinansin si Kaye. Bahala na talaga.


Si Anna lang importante para sakin ngayon.


La nang iba.


Humarap ulit ako kay Anna na ngayon ay ginagantihan ko na din ng ngiti. Kita ko sa mukha niya ang pagkalito. Hinawakan ko kamay niya at hinila siya palayo.



"Tara samahan mo'ko." Sabi ko na nakangiti pa rin.


"Saan? Teka, aren't you gonna introduce me to your friends?"


"Mamaya na lang. Did you have your lunch already?" Pag-iiwas ko sa tanong niya. Bahala na kung ano isipin niya. Gusto ko lang talaga iwasan yung situation kanina.


"Uhmm, not yet. Hinanap kasi kita."


"Huh? Bakit di mo'ko tinext nalang?"


"Eh kasi.. Surprise sana. hehe" Ngumiti siya ng konti tsaka iniwasang mapatingin sa mga mata ko.


"Ikaw talaga! Ang cute mo!" I chuckled and pinched her nose. Ang close na namin noh? haha. Kasi eh palagi na nga kami nagtetext di ba. Marami na akong nalaman sa kanya, siya din sakin. Para na nga kaming magboyfriend kahit sa text lang. Yung 'L' word na lang ang kulang. tsk!


Naglalakad na kami ngayon papunta sa canteen. Hawak-hawak ko pa din kamay niya kaya nakakakkuha na talaga kami ng attention. Halatang pinagtsitsismisan na kami kasi nagbubulungan na sila, mapababae o mapalalake.


Naisip ko bigla si Kaye. Pakiramdam ko sinusundan pa rin niya ako ng tingin. Para akong tinutusok sa likod ko.


Talk about awkward..


Alam ko social suicide ang ginawa ko. Kakalat ang nangyari. Tiyak masisira image ko sa campus. Knowing Kaye, hindi ito basta magpapatalo lang. Ang isa sa pinakasikat na girl sa campus ipinagpalit ko over some girl. But Anna isn't just some other girl to me. Di hamak na mas maganda siya kay Kaye. Pero bahala nalang talaga. Tatanggapin ko. Di ko naman talaga gusto yun eh, peer pressure lang. Nung 3rd year ko pa siya niligawan. Until now hindi pa din ako sinasagot. Kung gusto niya ako eh di sana matagal ng kami di ba? Potek din niya. Kung magsisi man siya, well, too late. I've found her already. Nakilala ko na si Anna.


Nandito na kami ni Anna sa canteen. Pinapanood ko lang siya habang kumakain sa harap ko.


"Di ka ba nagbreakfast kaninang umaga? Parang gutom na gutom ka ah!" tanong ko sa kanya. Naubos kasi niya agad yung rice at ulam na binili ko for her.



"Hindi eh. Nagmamadali kasi baka malate na.. Tsaka excited na din."


"Excited saan?"


"Makita ka"


Naks! Kinilig naman ako dun! Banat ba yon? Bumabanat siya sakin? LOL. haha.


Nginitian ko siya. Yung napakatamis na ngiti.


^__________________^ Ang saya-saya ko eh.


"Teka, ba't ka lumipat ng school?" tanong ko sa kanya kahit parang alam ko na ang sagot. Dahil sakin di ba? Di ba? Feeler na kung feeler. Hayaan niyo na lang ako maging masaya oh please. Nakakakilig eh. >__< Hahaha.


"Uhm," inubos muna niya ang kinakaing spaghetti bago sumagot, "secret."


Toinks!


Naman oh! May pa secret-secret pang nalalaman ang heaven ko. Nahiya pa siya. Okay lang naman sakin aminin niya lumipat siya dahil sakin kasi gusto niya ako. The feeling is mutual naman eh.. Haha. Oh anna anna, you're making me fall harder for you.. d**n, I like it so much.


Matagal-tagal din kami nag-usap. Nalaman ko na nasa star section pala siya. =_= pshh. Matalino pala heaven ko. Ako nasa last section uli eh, section D. Buti na lang gwapo ako. Gwapo tas bobo. Bawi lang di ba kung io-offset mo. So hindi parin malayo agwat namin ng heaven ko. Haha! ^________^


But mind you, ako lang ang bobong pala-english. Diba diba? pansin niyo rin? hahaha. LOLs. Adik ako eh!


1:00 pm


"Lika na, hatid kita sa classroom niyo." Sabi ko tas hinawakan ko ulit kamay niya. Adik na ako sa kamay niya eh. Ang soft. Sarap pisil-pisilin. Hmmm. Yummy. Sarap dilaan. Oopss, sorry heaven ko. Minamaniac na naman kita sa isipan ko. Sorry sorry. T__T


Pagdating namin sa 3rd floor kung saan naroon rooms ng 4th year, nakita ko agad barkada ko. Si Kurt, John, Boy, Nikki at Jen. Nakatingin sila sa direksyon namin ng Anna ko. Sa di kalayuan kita ko din si Kaye nakatingin din samin.


shit~! Di ako makakaiwas sa kanila. Sa dulo pa yung classroom ng heaven ko..




***Author's note

Salamat po sa pagbabasa.
Kumusta po ang chapter 2?
Naka-attach nga pala ang pic ni Airwind.
:give_rose:

Attached Images

  • airwind (that girl. that heartbreaker).png


#5 Razischet

Razischet

    PF Newbie

  • Members
  • 7 posts
  • Gender:Female

Posted 08 Oct 2011 - 05:14 PM

Update po :)



#6 gio_dude

gio_dude

    PF Newbie

  • Members
  • 22 posts

Posted 09 Oct 2011 - 02:44 PM

Pinisil ko ang kamay ni Anna tsaka huminga ng malalim. Kailangan ko na siyang ipakillala sa tropa ko. Baka isipi niya ikinakahiya ko siya. I looked at her and gave her a timid smile, assuring her that everything's gonna be just fine.


Pagdating namin sa harap nila, tinanguan ko sila sabay pakilala kay Anna.


"Guys, si Anna nga pala. Girlfriend ko."


Naramdaman kong humigpit ang paghawak ni Anna sa kamay ko. Nagulat ata siya sa sinabi ko. Kunsabagay, sino ang hindi magugulat? Ikaw ba naman ang angkinin ng isang gwapong lalakeng katulad ko? haha.


>/////<


Ngumiti ulit ako kay Anna. Iniiwasan niya ang mga tingin ko, halatang nahihiya. Pero alam ko kinikilig din siya. Hindi niya maitatago sakin ang pamumula niya. Ang cute. Lalo siyang gumanda.


"Hi Anna!" Bati sa kanya ni Jen sabay lahad ng kamay nito. "Jen here"


"Hello Jen," sweet na bati ni Anna.


Maya-maya, isa-isa ng nagpakilala mga tropa ko. Ang saya sa pakiramdam. Tanggap nila si Anna. Kita ko sa mga mata nila na sincere yung mga binibigay nilang ngiti kay Anna. Lalong-lalo na si Kurt.


"Kelan pa naging kayo?" tanong ni John kay Anna. "Di namin alam may nililigawan pala tong si Airwind," sabay bigay sakin ng isang mapanuksong ngiti.


Asar. Lagot ka sakin mamaya!


"Oo nga! Kala nga namin torpe yan eh! Hahaha!" segunda pa ni Nikki. Tumawa naman yung iba, pati si Anna ko.


Magboyfriend nga sila. Mamaya ipag-uuntog ko mga ulo niyo. Just you wait! =_=+


Kahit alam kong binibiro lang nila ako, nakakaasar pa rin. Aaammpp!!


"Actually --"


"Actually, last week pa" pinutol ko na yung sasabihin ni Anna. Binitawan ko kamay niya tas inakbayan ko siya.


Heaven ko, huwag ka na kumontra please please please. . . Nakakahiya man sayo, itotodo ko na ang pag-angkin na GF kita. LOL. Adik nga ako diba! haha!


Pero nagulat ako sa ginawa ni Anna. Isinandal niya ng konti ulo niya sa balikat ko tas isinubsob mukha niya sa gilid ng chest ko na parang nahihiya. Yung isang kamay niya nasa likod ko tas yung isa sa chest ko.


My heart skipped a few beats. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.


God! May namamatay ba sa kilig? Kung meron man, baka wala na ako ngayon. Oo na, ako na ang lalakeng madalas kiligin. pero si Anna lang ang nakakagawa nito sakin.


Yung pakiramdam na nakasubsob mukha niya sa chest ko, nakahawak siya sakin, nakaakbay ako sa kanya, sobra-sobrang kilig ang naidudulot sakin. It's like she belonged here. With me. In my arms. >.<


Siya ang heaven ko. . .


>//////////////////////<


"Ahem ahem!" Fake na umubo si Kurt na nagpagising sa akin.


Yung mukha ng tropako nakakatawa. Mga bibig kasi nila nakaawang. <3
LOL.. Kinilig din ba kayo? haha


"kriiiiiiiiinggggg!"


tumunog yung bell senyales na mag-uumpisa na ang klase.


"Sige guys, hatid ko muna si Anna sa classroom nila."


"Sige! Bye Anna!" sabay-sabay pa nilang sabi. Kelangan talaga sabay-sabay? lol


"Bye. . " mahinhing sabi ni Anna na nagwave pa ng kamay niya. Ang sweet talaga niya.


Nakarating kami sa harap ng classroom niya na akbay-akbay ko siya. Ang sarap pala ng ganitong feeling. Yung ihahatid mo girlfriend mo sa classroom niya ng nakaakbay. Grabe kinikilig talaga ako. >___<


Pero ngayon ko lang napansin. Nakatayo pala si Kaye sa may pintuan ng classroom nila. Nakahalukipkip ang mga kamay. Walang expression na makikita sa mukha. Blangko lang.


Oh dammit! Classmates nga pala sila. Sana hindi niya apihin ang Anna ko.


Pinisil ko balikat ni Anna. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Kinakabahan ako para sa kanya. Bago pa lang siya dito sa school, may kaaway na kaagad siya. Sana hindi niya malaman ang totoo. Natatakot ako. Baka magalit siya sakin. TT_TT


"Airwind, thank you ha. I had a great time," sabi niya sakin na nakangiti pero parang nahihiya pa rin.


Hinalikan ko siya sa pisngi. Di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin iyon. Basta hinalikan ko nalang siya. May sariling isip na ata katawan ko. Ang adik ko talaga. Naman! Anna, you're making me crazy. <3


Kinurot niya ako sa tagiliran tsaka siya pumasok sa loob ng classroom. I can't help but chuckle. hehe..


Then I realized I just dug myself a deeper grave. I just kissed her in front of Kaye! God, what an a-hole! I should be damned... T_T


She looked at me fiercely. Ibang-iba sa kanina mukha niya nung nasa tabi ko pa si Anna.


"Sorry," sabi ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya umiimik.


Wala na akong ibang masabi. Di ko alam ano ang dapat sabihin. Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya, all I could say was sorry. Hindi ko man lang magawang mag-explain. Mas lalo tuloy akong nag-alala para kay Anna.


Tinalikuran ko nalang siya. Sorry talaga Kaye.


Pagkaharap ko sa classroom namin. lahat ng classmates ko nakatingin sakin. Nagkukumpulan sa may pintuan. Yung iba nakalabas ang ulo sa bintana. Yung bintanang walang jealousy dahil nabasag.


Adik din nila noh? parang nanonood lang ng stage play. -__-


Pagdating ko sa harap ng classroom, agad akong hinila ng mga kaklase kong lalake.


"Tol, ibang klase ka talaga! Idol!" sabi ng isa kong classmate na nakaakbay sa leeg ko. Parang sinasakal lang.


"Oo nga! Ganda ng ipinalit mo kay Kaye! Kaw na matinik sa chicks!" sabi pa ni John na niyuyugyog pa balikat ko.


"Ang haba pa ng hair! Nakakainggit! Hahaha!" Si Boy naman sinasabunutan ang buhok ko. At buhok ko pa talaga ang pinagdiskitahan? Tsaka tama bang kainggitan ang buhok ng heaven ko??


"Baliw!" binatukan nga siya ng isa kong classmat na lalake. "Magpakalalake ka nga!"


"WOOOOOH AIRWIND AIRWIND AIRWIND!!!" naghiyawan na ang mga kaklase kong lalake. Pati girls nakikisali na rin. Binabato pa nga nila ako ng mga scratch papers. Hahaha. Kapag nasa section D ka nga naman.


Napapangiti na lang ako. I thought what I did was social suicide. Di naman pala. Instant celebrity ako ngayon eh. hahaha


Maya-maya tumahimik na ang lahat. Nagsimula na kasi ang klase. Ako parang wala lang. Habang naglelecture si ma'am, nakatingin lang sa blackboard. Nagpapanggap na nakikinig.


Si Anna lang nasa isip. Lutang na lutang pa rin ako. Di ako makaget-over sa nangyari kanina. Nung isinubsob niya mukha niya sa katawan ko. She seemed so vulnerable. Pakiramdam ko kailangan niya ako.


"Bro," naramdaman kong siniko ako ng bestfriend at seatmate kong si Kurt, "magkamukha sila."


"Yeah, I know." sagot ko ng nakangiti. I knew it. Napansin din niyang may kamukha si Anna.


"I'm happy for you." ngumiti din siya.


"Thanks, bro" tapos nag knuckles to knuckles kami.


Kinuha ko ang lapis sa bag ko at nagsimulang magdrawing sa notebook ko. Bobo nga ako pero may talent din naman. Magaling akong magdrawing.


Nagdrawing lang ako sa notebook ko buong hapon. Hindi talaga ako nakinig sa klase. Wala rin naman akong maiintindihan kahit makinig pa ako..



"Miss na miss na kita.." bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang ginuhit kong picture ng isang babae sa notebook ko. "I hope you're happy for me..."





****Author's note

May writer's block po ako sa story na 'to. May ginagawa din kasi akong isa pang story sa isang site. hehe
Uhaw lang siguro ako sa comments? lol. Pasensiya na sa typos at wrong grammar. I don't proofread my work eh.

Salamat sa mga nagbabasa nito. <3\

Attached is the pic of Anna..

Attached Images

  • korean-9.jpg


#7 gio_dude

gio_dude

    PF Newbie

  • Members
  • 22 posts

Posted 09 Oct 2011 - 02:46 PM

View PostRazischet, on 08 Oct 2011 - 05:14 PM, said:

Update po :)




updated na po!! thanks for reading!!!

#8 Razischet

Razischet

    PF Newbie

  • Members
  • 7 posts
  • Gender:Female

Posted 14 Oct 2011 - 08:18 AM

No problem :) update ulit :]
san na site ka pa po nag-uupdate?
Gusto ko pong mabasa yung isa mo pang story :))

#9 ikawa

ikawa

    ⁞ Peechaay ♥ ⁞

  • Super Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,570 posts
  • Gender:Not Telling

Posted 14 Oct 2011 - 10:25 AM

ayy fafa! pwde lafang :lol2:

#10 dalups13

dalups13

    PF Newbie

  • Members
  • 11 posts

Posted 18 Oct 2011 - 02:29 PM

tgal ng update.. itutuloy p ba 2? kainip poh..

tgal ng update.. itutuloy p ba 2? kainip poh..




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users