Whether you're single, in a relationship, engaged, married, separated, divorced, widowed at kung anu-ano pang mga status sa Facebook, meron at meron pa ring kanta o mga kanta na talagang nagpapakilig sayo. Kadalasan, kapag naririnig mo ito out of the blue ay napapangiti ka na lang bigla o di naman kaya ay tatangayin ka ng iyong kaisipan sa isang mundo kung saan ikaw at ang love/crush mo ang bida. Wala ka ngang pakialam na nangingiti kang mag-isa sa loob ng jeep kahit na sampung kapwa mo pasahero ang nakatingin sayo!
So, ano ang LOVE SONG mo? Bakit 'yan ang napili mo at para kanino? Kahit initials niya lang, okay na!











