Jump to content


* * * * - 1 votes

Love's Second Chance



  • Please log in to reply
45 replies to this topic

#1 gi-anne

gi-anne

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 134 posts
  • Gender:Female

Posted 30 May 2011 - 07:52 PM

I wrote this story back in 2009, I just found it after scrolling around my old files today. Hope you like it!

CHAPTER ONE

‘Love? Change topic!’, ani ni Mielle na as usual ay kausap ang kanyang classmate-bestfriend na si Rave.

Magkaibigan na ang dalawang iyon ever since they had known each other, parang pinagbiyak na bunga nga daw ang dalawa. Paano naman kasi, halos magkamukha na at take note pareho pa ang kaarawan nila. Mula noon ay bahagi na sila ng buhay ng bawat isa, magmula sa simpleng issues ng kani-kanilang buhay hanggang sa kumplikadong topics patungkol sa kani-kanilang ‘lovelife’.

‘Ano ka ba naman Mielle? Mauubos na ang lahi niyo ng mga tumatandang dalaga, may plano ka pa bang dumagdag? For heaven’s sake, Yghaize Mielle de Blanco sana naman eh mamulat na yang mga mata mo! Your mom is the only one out of five siblings ng grandparents mo who ever got married and ikaw na nga lang at ang papalicious mong big brother na si Andrei ang magpapatuloy ng lahi niyo!’, asik ni Rave.

‘And what’s the matter with that? Ha? Rave, I’m still not into it and that’s final! Besides, we are still in college and I have more things to prioritize over that thing.’

‘Thing? Hoy! Miss isang taon na lang ang ilalagi natin dito sa UST at hindi pa ba yun enough para sumagi dyan sa isip mo na maybe ‘this is my wake up call?’, darling, manhid ka na ba? Ever since I’ve known you, wala ka pang nagiging boyfriend! Ilan na ba ang sumubok but you are just like a stone!’, dagdag pa ni Rave.

‘Rave, enough please, palagi na lang ba na ito ang topic natin during our vacant hours? Bham, tama na tsaka darating na lang yan at hindi ako nagmamadali.’, pagmamakaawa na ni Mielle.

‘Hai naku! Concerned lang naman ako sayo friend, natatakot na nga ako pag may trabaho ka na dahil baka mas lalo pang maging zero ang dati mo ng zero na lovelife paano naman kasi ang dami mong gustong marating eh pang-standing ovation na ang mga accomplishments mo. Mare, ang daming gustong maging parte niyang buhay mo pero ano? Palagi ka na lang na offline! Kaloka ka!’

‘Ginawa ba naman akong ATM? Maganda naman ang social life ko ha! Marami akong kaibigan and I have guy friends too, grabe ka naman, oo tanggap ko ng zero ang lovelife ko pero with my circle of peers hindi ah!’

‘Oo nga pero lahat ng iyon pagnalalaman mong may gusto sayo eh ayun mabilis pa sa alas kwatro kung layuan mo, in fairness to them Mielle may ipagmamalaki naman sila if ever you chose one of them.’

‘Which is not for now, Rave please for the last time.’

‘Ok, if that is what you want, pero malay mo yung Mr. Right eh nakabangga mo na pala. Lord, kayo na po ang bahala sa kaibigan kong ito!’, sabay tawa ni Rave.

Tumayo na ang dalawa mula sa kanilang favorite bench, its time for their next subject. Palagi naman talaga silang ganon, walang panalo sa diskusyunan kapag si Mielle na ang sumusuko, paano kasi hindi din naman matiis ni Rave ang BFF niya. Anyway, ang ganda na sana ng kwentuhan ng dalawa habang naglalakad when suddenly, out of the blue...
‘Ouch!’, sigaw ni Mielle.

‘OMG, are you blind!’, patili ding sigaw ni Rave.

‘I’m sorry miss and miss-ter.’, saad ng lalaki.

Tinulungan nitong mabawi ni Mielle ang balanse dahil halos bumagsak na ang katawan nito kay Rave, matapos makatayo ay bigla niyang inalis ang kamay nito sa kanyang braso. Nang masiguro niyang maayos na siya ay tiningnan na niya ito.

‘Next time be careful!’, sabi niya na may konting iritasyon.

‘I said I was really sorry, it’s an accident.’, may humbleness sa boses ng nakabangga.

‘It’s okay. Rave let’s go… what the??’, may pagkagulat pang nasambit iyon ni Mielle ng makitang nakangiti na ang kaibigan at parang na-starstruck.

‘Miss, I’m really sorry baka may injury ka I can bring you to the clinic if you want, by the way I’m Gabriel Montecarlos’, saad pa nito.

‘No, I’m fine, Rave halika na!, sabay hatak sa kaibigan pero bahagyang pumiglas ito at yun natauhan na siguro at nagsalita na.

‘Gabriel Montecarlos! Ahm, pasensya ka na sa kaibigan ko ha, medyo clumsy lang yan minsan.. aray!, bahagya kasing kinurot ni Mielle ang tagiliran nito. Napangiti na lang binata.

‘Ano ka ba Rave! Halika na, sige we have to go! Bye!’, sabi ni Mielle sabay haltak sa kaibigan at halos kinaladkad na ito.

‘Wait! Can I at least know what your name is!’, pasigaw na niyang tanong pero hindi na iyon napansin ni Mielle dahil mukhang nagmamadali na ito, nanghihinayang man ay wala na siyang nagawa.

CHAPTER TWO

‘Pare, loosen up! Para kang nakakita ng anghel ah!’, pagulat na tapik ni Ethan sa barkada, medyo nahuli kasi ito pati ng mga kasama nila at hindi na naabutan ang eksenang nangyari.

‘Coz I just happened to see one, I bumped to her actually.’, sabi ni Gab na halos hindi na maalis ang ngiti.

‘Hey, napano ka? Don’t tell me babae ang dahilan niyan at tatawanan lang kita pare, kung Ferrari o Porsche yan baka maniwala pa ako, but a chick? Never!’, dagdag pa ni Lance.

‘I couldn’t believe it myself neither, I’ve got to know her.’, maikling sagot ni Gab na tila nasa cloud nine pa ang utak.

‘Then, what? Get her out, tapos!’, sabay tawa ni Matthew.

‘She’s not that type, Pare.’ saad ni Gabriel.

‘Wooh, that’s a serious problem dude, kailangan na nating ipa-rehab and mokong na ‘to, tsk, malala na. Na-brainwash na nga talaga siya, malabo!’, dagdag pa ni Ethan.

‘I thought of you guys not believing me, but its the truth. Hah, what’s the use hindi niyo din naman ako maiintindihan.’

‘Gab, its not us. You know that.’,patapos na sabi ni Matthew at inakbayan na ang kaibigan at nagpatiuna na ang dalawa sa paglalakad.

That’s the four of them, Ethan, Lance, Gabriel, and Matthew. Ang F4 ng campus, yung mga tipong pinagkakaguluhan ng mga babae sa buong eskwelahan dahil bukod sa saksakan ng kagwapuhan ang mga ito ay mayayaman at matatalino pa. Sabi nga, ‘Prince Charmings in real life’ daw ang apat na binata.

Mula ng freshmen years nila ay naging matunog na ang mga pangalan nito dahil sa kanilang mga involvement sa school activities at mga intercollegiate competitions na talaga namang lalo pang nagpasikat sa kanila, that’s why women are not a problem for them at all. They can have whoever they want, isang kindat lang. Fishes from the ocean come across to their plates, kumbaga in short, ito na ang mga lumalapit sa kanila. Kaya hindi na nakakagulat na wala pa sa bokabularyo ng mga ito ang salitang COMMITMENT, malayo pa sa Antartica ang term na yun.

CHAPTER THREE

‘Rave, my goodness! Ano bang nangyari sayo!’, asik ni Mielle.

‘What?’, tipid na sagot ni Rave.

‘What?? Gusto mo bang ahitin ko yang kilay mo ng ‘what’ mo! I remembered I bumped into this guy then you kind of scolded at him too then the second thing I saw was that you staring at him and apologizing for me and then you’ll just say that ridiculous ‘what’??!’, galit na saad ni Mielle.

‘Mielle, he’s kind of so, so, so, very and super handsome noh?’

‘Oh my grace! Sinasabi ko na nga ba! Rave, ano ka ba naman? Nasaktan na nga ako tapos handsome lang yang masasabi mo? So, mas mahalaga pa pala sayo ang lalaking ‘yun compared sa akin’, napaupo na lang si Mielle sa sobrang inis sa kaibigan na tila ba wala ng naririnig.

‘Mielle, he said he was sorry di’ba at he even offered to bring you to the clinic kung may injury ka, what a gentleman. Ikaw lang naman ang nagpakiyeme diyan tapos ngayon magagalit ka, it’s an accident darling. Nobody does it for a purpose, mm, well unless..’, may pabiting dagdag ni Rave.

‘Tantanan mo ako Ravefrione at kukurutin ko yang singit mo! Tama na nga at alam ko na naman yang tinatakbo ng utak mo’, medyo kalmadong saad ni Mielle at binuksan na ulit and kanyang organizer habang naghihintay sa kanilang professor.

‘Hay, oo na nga manang but before ending this discussion, may I just inform you that the one you just run into is Mr. Gabriel Montecarlos. Oh, wala ka na namang idea, well, siya lang naman ang isa sa apat na gwapong eligible men sa buong campus at captain ball ng varsity natin, he’s also our student council’s vice-president at lastly siya lang din naman ang naging official representative ng Red Cross Youth Foundation ng buong Luzon.’, mahabang litanya ni Rave.

‘Oh, I see. Pasensya na ha, wala kasi akong pakialam sa mga ganyan.’, halos nahihikab pang sagot ni Mielle.
‘You’re simply hopeless Mielle, representative ka na ng department natin for three consecutive years pero hindi mo man lang napapansin na nasa meeting niyo and papa na ‘yun.’, nakapangalumbaba na sabi ni Rave.
‘Kasi ho, during meetings nasa pinakahulihan ako at I make sure I listen attentively to what the agenda are all about, ok? Sige, tama na.’, muling yumuko si Mielle at nagpatuloy ulit itong nagsulat sa kanyang organizer.


CHAPTER FOUR

Ilang buwan na din ang nakakalipas since the incident happened, two months to be exact. Kay Mielle it was nothing at all although she must say that it bothered her also for that week after what Rave had told her about that Gabriel but since she’s not interested in him di-nismiss niya na lang agad iyon. But for Gabriel, it was more than that. He tried to find her, around everywhere but to no avail dahil kahit maliit ang mundo ay napakalaki pa rin ng UST para sa kanilang dalawa. Kahit saan siya mag-abang ay walang ‘anghel’ na dumadaan. It was because of her, that’s why he wasn’t able to sleep well this past two months, kasi everytime he closes his eyes all he can see is that face of hers at ang mga mata nitong tumitig sa kanya noong araw na iyon. Matapang, but expressive.
But then, it turns out that they are really meant to see each other again…

‘A project? Of what?’, tila naguguluhang tanong ni Mielle kay Mrs. Dela Cruz.

‘A charity fund-Raising project, Mielle, this is to help young homeless children.’, saad ng matandang professor.

‘So you mean ma’m, I have to join this one?’, tanong ulit ni Mielle.

‘Yes, you have too. Ipinagmalaki ko kanina sa board kung gaano ka kagaling gumawa ng mga concepts at mag-supervise ng mga finances sa mga ganitong events.’, nakangiting sabi nito.

‘But ma’m, puno ang schedule ko for this coming weeks. Alam niyo din naman pong a month from now ay finals na for the first sem at kailangan ko pong tapusin ang mga obligations ko’, muling sagot ni Mielle.

‘I know but I have no one to represent this department aside from you and Alexei, pumayag na siya at ikaw na lang ang hinihintay ko, you can’t turn me down di’ba Mielle? And talking about those obligations, I think I can do something about that.’, sabay kindat nito sa dalaga.

‘Hay naku, Mam sige na I give up. Oo na po, I agree.’, napayakap na lang ito sa kanyang professor.

Eversince naman kasi ay supportive na ito sa kanya kaya hindi niya mahindian, at ito din ang madalas na sumasalo sa kanya during her first year sa UST kapag may kaunting aberya ang mga trabaho niya. Well, so ayun na ang ating damsel, panibagong trabaho na naman.

‘Don’t forget your meeting with the members of the organization tomorrow morning, Mielle’, huling paalala ni Mrs. Dela Cruz.

The project itself was the way of making Gab and Mielle meet again, dahil ang head nito is none other than Gabriel himself for being the youth ambassador of Red Cross ng univerity nila.

Kinabukasan, Mielle prepared herself for the meeting. Nasa battlefield na naman siya dahil conceptual brainstorming na naman ang mangyayari, sanay na nga ang dalaga. Rave came along with her dahil kusa na itong nag-volunteer sa kanilang dean para sa project na iyon na obviously ay iba naman ang pakay, anyway that’s fine as long as na kapag kailangan niya ng tulong ay nandoon ito.

Marami na ang tao sa loob ng conference hall ng marating ito ng magkaibigan, but what really fascinated her is that maraming kadalagahan ang nandoon and all of them are from the ‘SOCIETY’, yung mga high-class flirt ng campus. She thought of when did this babes learned to do charity or work at the very first place, but then, she doesn’t care. Umupo sila ni Rave sa isang bakanteng table at as usual binuksan niya na naman ang organizer niya habang si Rave ay halos dumukwang na ang eyeballs sa kalilibot ng mata sa dami ng mga gwapong nakikita niya.

‘Mielle, look! There’s Ethan, Matthew, and Lance aba ang kulang na lang eh si Gabriel at kumpleto na sila! Grabe talaga ang gwapo nila, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nandito ang mga impaktita na ‘yan!’, medyo pabulong na sambit ni Rave.

‘Rave, kung gusto mo ng kaaway ako ayoko. Ok? It’s none of our business, hayaan mo na at baka gusto naman talagang tumulong minamasama mo pa’, saway naman ni Mielle.

‘Hay, bahala ka na nga! Kung landiin sina Papa Ethan akala mo ang gaganda, well, you’re way gorgeous than them ng walang ka-effort-effort!, huling saad ni Rave.

After sometime ay may nagsalita na sa microphone, ito ang presider ng meeting. Ipinaliwanag nito ang lahat ng mga available materials, budget at ang prospect charitable institution. It’s up to them kung papaano gagamitin iyon para maka-raise nga ng pera para maitulong sa mga bata. Maya’t maya pa ay tumayo na mula sa kinauupuan ang adviser ng kanilang project na si Mr. Santillan.

‘Good morning guys, now, since we are well-oriented about everything we had siguro naman ay may makakapag-suggest na kung ano ang mabuting gagawin.’

Bago pa man makapagsalita ang isa sa kanila ay biglang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang nahuling miyembro ng Campus Princes na si Gabriel, medyo napayuko ito sa atensyon na nakuha niya dahil late siya ng halos kalahating oras.

‘Good morning, I’m very sorry for running late for this meeting. Traffic has caught me and again I’m very sorry’, sambit nito.

‘That’s fine Mr. Montecarlos but should you bear in your mind that this whole project is almost at your shoulders and you must be more responsible for that, do you understand me? Take your seat.’, walang kagatol-gatol na sabi ng matandang lalaki.

‘Yes sir, thank you.’, iyon na lamang ang tanging nasambit ni Gab at naupo na ito sa tabi nina Ethan.

‘Pare, next time huwag ka ng mag-grand entrance, nasasapawan kami’, pabiro ngunit pabulong pang nasabi ni Lance.

‘Where were we? Ah, yes. Any suggestion from the body? By the way where is Ms. De Blanco? She’s strongly recommended for this matter’, saad ni Mr. Santillan.

‘But I can suggest before she does, can’t I? I’m Ingrid Trias, why don’t we have raffle draws or bingo bonanzas exclusively for the high society tycoons, surely it will be a great success’, saad nito na sinang-ayunan naman ng mga kasama nitong katulad din niyang mga elite.

Bahagyang itinaas ni Mielle ang kanyang kamay at tumayo, ‘I’m Ms. De Blanco, it was a good suggestion Ms. Trias but if the body would ask me I would certainly say that we are under a financial crisis right now and I assume that extravagance would not secure us a good shot. Maybe some would go with that but how about considering those who wanted to help but cannot afford those bonanzas we are presuming. I think money is not the center of this project but most importantly is the motivation we’re going to share with other people to reach out for these needy and help them in the way they can even after our project is done, I believe it will be profitable for these organizations or foundations for a long period of time. Furthermore, if this project would circle to money itself which is for the mean time because obviously it will not sustain much, why don’t we just solicit then it’s all done.’, pakasabi nito’y umupo na si Mielle.

Tila napipi ang lahat sa patutsadang iyon ni Mielle, maging ang adviser ay halos napanganga sa mga salitang nabitawan niya. But among them ay si Gabriel ang higit na nagulat dahil mula sa kanyang kinauupuan ay hindi pa rin siya makapaniwala na naroon din pala ang matagal niya ng hinahanap and aside from that she amazed him with that wit of words.

Muling tumayo si Mielle, ‘Guys, I’m just suggesting but please give your comments’,ngumiti na siya para maalis ang tensiyon at nagsalita, ‘I guess having a garage sale or food bazar could make it’.

‘A great idea, food bazar could be’, biglang nagsalita si Lance.

‘Yes, since Filipinos are fond of food di’ba?, sang-ayon din ni Ethan.

‘Well guys? What do you say?’, saad ni Mr. Santillan.

At sabay-sabay na nagsipag-agree and lahat maliban kay Ingrid at sa tatlo pang kasama nito. The meeting was then finished with the final decision of having a food bazar, hindi naman iyon magastos dahil willing naman daw ang admin na pahiramin ang school canteen ng isang linggo at maging ang college of cullinary arts ay handa ring tumulong.

CHAPTER FIVE


‘Hey, girl ang galing mo! Natameme sayo si Ingrid ha, and the fact na sinang-ayunan ka nila Lance at Ethan, mm, plus points ‘yun!, sabi ni Rave.

‘Let’s get the fastest way out of here Rave, tapos na ang trabaho ko dito, ayoko na mag-stay at..’, hindi na natapos ni Mielle ang sasabihin niya dahil may bigla na lang na tumambad sa kanilang harapan.

‘Hi! Ms. De Blanco, remember me?’, tanong ni Gab.

‘Oh, you, of course we remember you.’, nakangiting sagot ni Rave.

‘But I hope Ms. De Blanco did, have you?, muling tanong ni Gab.

Siniko ni Rave si Mielle kaya napilitan na itong magsalita, ‘Yes, I do. It’nice to see you again but I really have to go now. So please excuse us.’, sabay ng pagtayo ni Mielle.

‘Always in a hurry? The last time I saw you nagmamadali ka din, I didn’t even got to know your name. Ngayon naman I just know what your surname is.’, nakangiting saad ni Gab.

‘I see, well, it’s Yghaize Mielle de Blanco. But Mielle would do, since I already know what your name is Mr. Gabriel Montecarlos you don’t have to introduce yourself. Satisfied?,’ pabalik na tanong ni Mielle.

‘It’s Gabriel Drevion Keith Montecarlos, but I’m used of Gabriel or Gab. Anyway, we’ll be working in this project naman kaya I’ll let you pass this time.’, sabi nito.

‘Yes, pleasure to be working with this organization, bye!, sabay lakad ni Mielle na sinundan naman ni Rave.

‘Mielle!’, pahabol na tawag ni Gab.

‘What?'

‘Two months! Bye.’, nakangiti pa ring sambit ni Gabriel.

‘Ha? Yeah right,’ at binalik ulit ni Mielle ang pansin sa paglalakad. She knew what that two months meant, she smiled at the idea na binibilang pala nito ang araw nung una silang magkakilala by accident. It shocked her too dahil unconsciously, ay alam niya din pala kung ilang araw din ito.

‘Gab, what’s up? Mukhang sobrang focused ka diyan sa project ah. Bihira ka na lang sumama sa mga gimiks natin’, sabi ni Matthew.

‘Hindi ka naman dating ganyan, may balak ka bang magpari at masyado mong isinusubsob yang sarili mo sa pagtulong ha?, biro pa ni Lance.

‘Stop guys, inaayos ko lang ang lahat dahil malapit na ang bazar, alam niyo naman na ako ang head nito.’, maikling sagot ni Gabriel.

‘Sus, pare sino pa bang niloko mo? This charity thing would never get into you that much, bakit may kick back ka ba dyan na malaki?’, sabay tawa pa ni Ethan.

‘People change.’, sabay balik sa kanyang laptop si Gab.

‘People change but there is a big because pare, ano o sino kaya yun?’, saad ni Lance.

‘Hindi niyo ba talaga ako titigilan ha? Aayain niyo lang ako gumimik ang dami niyo pang sinasabi, still the
answer is I’m busy. Saka na mga bro, matapos lang ang project, we’re back on the road.’, muling sagot ni Gabriel.

‘Just make sure of that, Maureen is freaking out dahil matagal ka na daw na hindi nagpapakita sa bar, pinangakuan mo ba ‘yun?', tanong ni Matthew.

‘She’s paranoid, wala akong ipinangako dun at wala akong planong makipagmabutihan dun. She’s below.’

‘Fling. I’m still at ease that Gab’s spirit is with us, no strings attached relationships. Well, that’s who we are.’, may pagmamalaking sabi ni Ethan.

‘Sige na, see you guys on Monday at mag-uumpisa na ang bazar. Huwag niyo lang subukan na indyanin ako at makakatikim kayo ng tigsa-sampung sapak!, sabay ngisi ni Gab.

Sabay-sabay namang nagsipag-‘oo’ ang tatlo at umalis na din. Sa tanong kanina ni Lance parang napaisip si Gab, oo nga’t hindi siya dating ganoon but what made him to be more enthusiastic about the project is obvious. That is. Mielle.

Monday morning, lahat ng miyembro ng Red Cross ‘Share your heart’Organization at volunteers ay nagtipon sa bazar, nakaayos na ang lahat at within thirty minutes ay mao-open na iyon para sa katuparan ng proyektong pinaghirapan nilang lahat.

Unang araw palang ay ang taas ng kanilang rate, it was a grand slam for a beginning at sinundan pa iyon the following days, Gab was really to the maximum effort at ganun din ang lahat at halatang enjoy naman sila. He was then happy of working with everyone especially with Mielle na kahit bihira lang siya pansinin ay ayos lang, at least nakikita niya na ng malapitan.

On the last day, which they all expect to be the highest rating possible ay saka naman nagkaroon ng problema.

‘What? Hindi pwede!, halos pasigaw na sambit ni Mr. Santillan.

‘Sir, ang taas po talaga ng lagnat ni Sir Eulo eh.

‘D**n! Bakit ba ngayon pa ito nangyari? Paano na lang ang operations natin sa Fastfood?’, muling saad ni Mr. Santillan.

‘Ano ba ang mga lulutuin?’, tanong ni Mielle.

‘Ha? Ah-eh ma’m, Spaghetti, Carbonara, Lasagna at Baked Mac po.

‘I see, I’ll do it. Sir?’, muling tanong ni Mielle.

‘Are you sure Mielle? Do you really cook?

‘Yes, sir. If I won’t make it then I’ll pay for it. Everything.’, sagot naman nito.

‘Then, ok.’, iyon na lamang ang nasabi ni Mr. Santillan.

Mielle went to the kitchen and wore the apron, she checked all the ingredients then after making sure it was complete, she started cooking. Pagdating palang ni Gab ay hinanap niya agad ang dalaga, to his amazement ay nalaman niyang nasa kitchen daw ito at nagluluto in sub of the cook na sa kasalukuyan ay may sakit. He went there, naabutan niya itong nagtatadtad ng mga rekado. Right then and there he knew she was really, priceless.Ang mala-kandila nitong kamay ay parang sanay na sanay na sa ginagawa nitong paggayat at paghiwa. Wife-material.

‘Gab, will you please stop staring at me, kanina ka pa.’, sabi ni Mielle.

‘I don’t, ok, I am. Ang galing mo palang magluto hindi mo man lang sinabi edi sana hindi na tayo nag-hire ng cook’, sagot naman ni Gab na bahagyang nakangiti.

‘Yeah, right. So papagurin mo ako to the max?’

‘That won’t be necessary especially to you Mielle, baka gusto mong tulungan kita?

‘No, thank you. Matatapos na din naman, spag is done as well as carbonara then the lasagna and baked mac is to be followed up.’

‘Masarap naman kaya?’, tanong ni Gab.

Kumuha si Mielle ng dalawang platito for carbonara at spaghetti.

‘Sir, for taste. And also you Mr. Montecarlos’, saad ni Mielle sabay abot sa mga ito.

Tinikman nila ito, biglang napangiti si Mr. Santillan at si Gab naman ay natigilan.

‘Perfect! Aba Mielle, you’re such a good cook.’, ani ni Mr. Santillan.

‘Thank you sir, and the baked mac and lasagna.’, inabot niya na din sa mga ito and kinuha niyang kapiraso.
Matapos tikman ay muling nagsalita ito, ‘Simply delicious! Ano pa ba ang kaya mong lutuin Mielle?’, tanong ng matanda.

‘A variety, so what do you think Mr. Montecarlos?’, tanong ni Mielle kay Gab.

‘Speechless.’

Napangiti na lang si Mielle at nagpaalam sa mga ito na uuwi na muna para makapag-freshen up. Masyado daw kasi niyang na-absorb ang amoy ng kusina kaya ayun pinayagan naman siya. Pagbalik niya ay halos patapos na ang bazar at nakatakdang magkakaron ng meeting for the final inventory.

‘Guys, I was so overwhelmed with the job well done! It’s a history we made, I congratulate everybody for this accomplishment! As of the start of the food bazar up to this last day, we had earned a total of P252,611. A big hand people!’, malakas na ipinalakpak ni Mr. Santillan ang kanyang mga kamay.

Nagpalakpakan ang lahat at muli ay itinuon ang kanilang atensyon sa propesor na nagsalita ulit. Ipinagmalaki nito ang mga nanguna sa proyekto at muling nagpasalamat, ang susunod na hakbang ay ang preparation naman para sa paglunsad ng pagbibigay saya sa mga batang nangangailangan next week. They were given three days rest at yung program naman para sa mga bata ang aasikasuhin nila.

‘Mielle, girl! Congratulations ha! Masyado mo ng pinabilib ang lahat. Akala ko hindi mo na ilalabas yang skills mo sa pagluluto unless otherwise pumutok ulit ang pinatubo.’ Sabay hagikgik ni Rave sa kaibigan.

‘He! Tumigil ka nga, alangan naman tumigil yung operations dahil walang magluluto, loka!’, sagot naman ni Mielle.

‘Paano ba yan busy na ulit tayo bukas, hay, ang sarap pala ng feeling ng tumutulong!’, ani ni Rave.

‘Yes, excited na nga ako na makita yung mga bata dun sa orphanage na napili nila Sir’, may kinang sa mga matang sinabi iyon ni Mielle.

Kinabukasan ay marami na namang inasikaso sina Mielle at Gab, tila ba sila na lang parati ang tinatambal ng pagkakataon. Hindi naman natapos ang araw ay accomplished na ang lahat ng transactions at hihintayin na lang ay ang set date para sa event for the orphans. They were all exhausted but then satisfied with the feeling that they all made an effort to help this children na unfortunately ay kulang sa pagmamahal ng mga magulang.

Pauwi na silang lahat ng hapong iyon, but Gabriel couldn’t stand the feeling na matatapos ang araw na iyon na hindi niya makita si Mielle. Alam niya kung nasaan ang dalaga ngayon and it would be definitely at the tree near the parking area, doon niya naman kasi ito madalas makita kaya nga lang ng palihim dahil baka mag-isip na ito na isa siyang stalker, but he stalks her naman talaga so that makes him a stalker. However, wala na siyang pakialam dahil iyon naman ang nagpapakumpleto ng araw niya. But this afternoon, he promised to himself na lalapit na siya. It would be less than two days at tapos na ang trabaho nilang magkasama, kung pwede nga lang na araw-araw ay may project na ganito. Wait a minute, that’s a rare kind of longing. Hindi iyon si Gabriel, could he be possibly in love with Mielle? Kung hindi man, ano iyon? Infatuation? Admiration?

Nakaupo si Mielle sa may puno ng Acacia malapit sa kotse niya, iyon ang favorite place nila ni Rave pero ngayon mag-isa lang siya because her bestfriend was out on a date with his boy-friend, hindi naman totally na sila because the guy knew Rave as a man not a man-ika. Funny. Doon siya madalas mag-unwind pag ganitong pressured siya. Yung hangin ang therapy niya at ang katahimikan for the meantime dahil pag andyan ang balahura niyang kaibigan ay wala na itong ibang ginagawa kundi ang magkwento ng magkwento.

‘Hi, alone?’, sabi ng biglang dumating.

‘Oh you, yeah I am.’, sagot naman ni Mielle.

‘Hindi ka ba natatakot mag-isa dito? Baka may lumapit na lang sayo bigla, you know?’, muling nagsalita ito.

‘Just like what you did? Mister?’, tanong ni Mielle.

‘Ethan Hans Perez, sorry I wasn’t able to introduce myself. Nakita kasi kita and well, ano ba ‘to ah.. wala lang, I just want to say hi.’, ani nito sabay salampak din sa upuan at bahagyang tumabi kay Mielle ngunit lumayo ng kaunti ang dalaga.

‘Ah, I see.’ Matipid na sagot naman ni Mielle.

‘Nakakapagod ba? I mean yung trabaho mo..natin ganon.’,medyo nawawala pang sambit ni Ethan.

‘Ok lang, about you?’, tila wala sa loob na tanong ni Mielle.

‘Well, okay lang. Fulfilling. Alam mo you amaze us, the other day you cooked so well. Hindi na nga ako nagulat na naubos lahat bago pa mag-close ang bazar, tapos ang galing mo pa when it comes to finance and concepts. Magiging magaling kang entrepreneur.’, may paghangang nasabi iyon ni Ethan.

‘Thank you very much for the compliment, kayo din naman, all of us are doing a great job di’ba. Hindi lang ako, anyway nice meeting you Mr. Perez. I really have to go, I’m to attend an important errand so, would you mind if I go first?’, sabi ni Mielle.

‘Sayang naman, I’m just starting to have a conversation with you. Anyway, there’s nothing I can do about that ayoko namang makaabala sayo but say, pwede pa naman tayo mag-usap some other time di’ba? I’d be looking forward to that.’, nakangiti pang saad ni Ethan.

‘Of course, sige mauna na ako.’

‘Ingat, ahm. Mielle, ah.. oh nothing, take care. See you on Wednesday!


CHAPTER SIX

Sa hindi kalayuan ay nakatanaw na pala si Gabriel sa buong pangyayari, he never felt so jealous and take note with Ethan dahil parang kapatid na ito sa kanya. But with him, making those simple moves and flirts with Mielle, parang tumaas ang pressure ng dugo niya. Nang makita niyang nakaalis na ang dalaga ay lalo pa siyang nainis, that could have been him talking with her pero andun si Ethan at kinuha ang pagkakataon na dapat ay sa kanya.

‘Are you into her?’, may iritasyon na tanong ni Gab.

‘Hey bro, andyan ka pala’, sagot ni Ethan.

‘Are you into her? Balak mo ba siyang ligawan or anything?

‘Whoa, Gab napano ka ba? Kausap ko lang si Mielle. What’s the matter with that?

‘If you’re planning to woe her and just play around, forget it Ethan.’

‘Gab, bro ano bang problema? Ikaw yata ang may gusto kay Mielle ah, grabe ka mag-react teka kayo ba?’, nakangising tanong ni Ethan.

‘Just don’t fool around her Ethan, she’s not that type’, muling sagot ni Gab.

‘I know, and I’m not. Ano ka ba pare? May gusto ka ba dun? Sige sayo na, hindi ko na lalapitan wag lang tayong mag-away. Babae lang ‘yan dude.’, medyo sumeryosong tono ni Ethan.

‘Make sure of that bro, stand with your words’, matigas na sagot ni Gab.

Hindi na muling umimik si Ethan at nauna ng lumakad patungo sa kotse niya pagkatapos magpaalam kay Gabriel. Hindi nito maintindihan kung bakit ba masyadong apektado ang kaibigan sa babaeng iyon. Halata ngang may gusto ito kay Mielle pero iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang nagkaganoon si Gabriel, at ang masama pa ay hindi niya rin maintindihan sa sarili niyang tila ba hindi niya kayang pangatawanan ang sinabi niya dito na lalayo na siya sa babaeng iyon, malamang attracted din siya kay Mielle.

Miyerkules ng umaga ay naghanda na ang lahat para sa pagpunta sa Angels’ Heaven Orphanage, iyon ang napili nilang beneficiary ng kanilang project. Maaga ang lahat at halatang excited ang mga ito, ang iba’y dahil sa pagtulong at ang iba nama’y may ibang rason. Nakaayos na ang lahat bago pa man magalas-otso kaya naumpisahan agad ang mga activities. Nag-paint sila, nagsayaw, nagkantahan, nagsipagkainan at marami pang iba. Bago pa magalas-tres ay inihanda na ang mga bata dahil ang susunod naman nilang destinasyon ay sa Splash Island, iyon ang highlight ng kanilang project dahil karamihan sa mga bata ay talagang ang paglangoy ang kinahihiligan. Pagdating doon, inaasahan nang ang ibang volunteers lalo na ang mga kadalagahan ay magpapabonggahan sa kani-kanilang swimming attire at nakalimutan na yatang ang mga bata ang dapat na pinagtutuunan ng pansin, mabuti na lang ay naroon pa rin ang mga madreng umaalalay sa mga ito.

Mula pa man ng umaga ay wiling-wili na sina Mielle at Rave sa pag-aalaga sa mga bata at ganun din naman ang iba, yung mga nabibilang lang sa ‘SOCIETY’ ang hindi mo halos makitang dumidikit sa mga bata. Kaya hanggang ngayon, hayun at nakikipaglaro siya sa mga ito at higit kanino man ay lalo namang masaya si Gabriel na nakikitang tumatawa ang dalaga, tulad nito mahilig din kasi siya sa mga bata at marami na nga siyang napasaya dahil tinuruan niya ang karamihan nitong mag-basketball at siyempre din naman sina Ethan, Lance at Matthew ay nakikihalubilo din sa mga ito.

‘Ate Mie-mie..Mielle, ganda po dito!’, sabay tawa ng bata.

‘Opo, masaya ka ba?’, tanong ng dalaga.

‘Opo! Tsaka kasi may mommy na ako, di’ba ‘kaw yun ate?

‘Mm, mukha na ba akong mommy para sayo Faith?’, napangiting tanong ni Mielle.

‘Pwede po? Sige na po, wala ako mama, ‘di na ako mahal kasi iwan ako sister Pauleen.’

‘Mahal ka niya Faith, sige na para ngumiti na ulit ang baby ako na mommy mo’.

‘Ako din!

‘Ako din!

‘Kami din!

‘Okay sige, lahat na kayo babies ko! Halika na nga kayo dito, hug na si Mommy!, sabay abot sa mga maliliit na bata at yinakap ang mga ito.

‘Oh dito pa ang ninang ha!’, nakiyakap na din si Rave.

‘Di’ba kaw pwede daddy?’, tanong ni Quincy.

‘Hindi, masyadong maganda para dun ang ninang!’, at tumawa na ang lahat.

Sa di-kalayuan ay nakatanaw ang mga naroon na kasama nila, ang iba talagang natutuwa sa sobrang affection na ibinibigay ni Mielle pero kung may natutuwa may nagagalit.

‘Ambisyosa, akala mo kung sino. Bakit siya lang ba?’, singhal ni Ingrid.

‘OMG, talagang kina-career ng antipatika. If I know nagpa-pacharming lang ‘yan, don’t worry sis talbog naman natin siya sa mga bikinis natin’, dagdag pa ni Chloe.

‘Alam ko, tingnan mo nga ‘yan at naka-sarong! Siguro conscious ‘yan sa mga fats niya sa loob kaya ayaw alisin. Eew!’, gatong pa ni Hillary.

‘And look halos lahat ng kalalakihan dito sa atin nakatingin, we are so hot, sisters! Ayan na sila Lance at Ethan oh magsi-swimming na yata and ayun na din sila Matthew and Gabriel, girls come! It’s our time!’, kilig na kilig pang saad ni Yvonne.

Agad namang nagsipagpuntahan ang mga social elite na ‘yon sa may pool para magpa-cute kina Gabriel. But they had not expected what to happen next, dahil sa maraming pools sa Splash Island ay naghiwa-hiwalay ang mga bata pero may mga kasama naman itong tagapagbantay. And then..

‘Sister, si Kyle po!’,sigaw na turan ng isang volunteer.

‘Bakit? Anong nangyari?’, nag-aalalang tanong ng madre.

‘Nasa pang-six feet po na pool, hindi po namin kayang languyin sister! Bilisan na po natin!’

Napatakbong bigla si Mielle at ganun din ang iba, nang makita ito ng kanilang mga kasamahan ay nagsitakbuhan na rin ang mga ito patungo roon, nagsipag-ahon na din ang apat na binata na sinundan naman nina Ingrid. Walang anu-ano’y inalis agad ni Mielle ang sarong na bumabalot sa kanya, wala ‘yon sa balak niya pero ‘duty calls’. Pasasaan pa at naging swimmer siya sa Metropolitan. Fats pala ha, nang tumambad sa kanila ang pang-model na katawan ni Mielle lalong hindi nakagalaw ang karamihan sa mga lalaki at natunganga naman ang mga mapang-lait na sina Ingrid. Mas may ‘say’ pa pala ang ‘ambisyosang’ sinasabi nila kumpara sa kanila.

Nang masagip ni Mielle ang bata ay wala na itong malay, gusto na sanang tumawag ng ambulansya ng mga madre pero nagawan naman ito agad ng paraan ni Mielle, Mouth-to-mouth recicitation. Ilang segundo pa ay nagkamalay na ulit ang bata, iyak ito ng iyak dahil sugatan pala ito kaya hindi na nakuhang lumangoy, humingi ng first-aid si Mielle at ginamot ito ang lahat ay nakatutok sa ginagawa niya lalo na si Gabriel. Nang matapos malagyan ito ng bandage ay nag-tantrum na ang bata at kinarga na ito ng dalaga para umalo na. Ayaw pa nitong magpakarga sa iba, kahit pa pilit itong kinukuha ng mga madre para daw makapagpahinga na si Mielle.

‘Ayoko! Ate Mielle oh,’ sabay hagulgol ni Kyle.

‘Sssh, sige na po sister ako na po ang bahala, makakatulog na din po siya dahil napagod din si Kyle, pag-ingatin niyo na lang po ang lahat. Sinabihan ko na din po sina Sir para lalo pang bantayan ang mga bata.’, sabay kuskos sa likod ng bata na sambit ni Mielle.

‘Girl, ok ka lang? My God, grabe ka na ha. Pwede ka ng mag-apply for stuntwoman!’, sabay tawa ni Rave.

‘Tumahimik ka na nga dyan, yung sarong ko pala asaan? Naiilang na ako dito sa suot ko! ‘Kuh Rave kasalanan mo ‘to!, singhal ni Mielle.

‘Buti nga at napasuot ko ‘yan sayo, aba kulang na lang eh maglaway sila kanina sa body mong bonggang-bongga ha!, ani ni Rave.

‘Hindi ko ibibigay sayo para lalo pang mag-jelly chuvarloo ang mga elite na ‘yon! Akala mo ang ga-ganda! Imbyerna!’,dagdag pa nito.

‘Tulog na si Kyle, ahm, sister pwede niyo na po siyang ihiga pakipalitan na din po ng damit niya ha baka ho kasi matuyo ang tubig sa katawan niya mahirap na po’, sabay abot sa bata ng may pag-iingat ni Mielle.

Matapos niyon ay halos sabunutan na ni Mielle si Rave para ibigay dito ang sarong niya, pero ayun ayaw talaga kaya wala na siyang nagawa. Hindi niya din kasi gusto ang nakukuha niyang atensyon, pero ang tigas talaga ng ulo ng kaibigan. Naligo na lang siya kasama pa ang ilan sa kanilang mga kasama habang ang mga madre naman ang nagbantay sa mga bata para naman daw makapag-enjoy sila kahit papaano.

‘She’s a good catch.’, ani ni Lance.

‘Aba, kung ‘yan ang magiging girlfriend ko. Aayain ko na sa simbahan, baka for once masabi na sa akin nina Mama at Papa na may magandang desisyon na akong nagawa sa buhay ko.’, pumalatak na si Matthew.

‘She really is a one unique creature! Kung ganyan ba naman ang lahat ng babae sa mundo eh hindi na nauso ang pambababae.’, dagdag din ni Ethan.

‘And she’s mine and I’ll do whatever it takes.’, maikling saad ni Gabriel.

Nagkatinginan ang tatlo pero hindi na nagulat si Ethan, alam niya na ‘yon but he really felt envious because Gabriel got to know her first at ‘yon ang rule nila na kung sino ang mauna, kanya.

‘Good luck man, hindi lang ikaw ang magkakagusto kay Mielle. Ngayon pa lang marami ka ng magiging karibal sa kanya.’, sabi ni Lance.

‘I know. But I won’t give in.’,

‘So, she’s the one you bumped into a few months ago?’, tanong ni Matthew.

‘None other than’, habang mataam niyang tinitingnan ang dalaga sinambit iyon ni Gabriel.

CHAPTER SEVEN

Hapon na at nakaayos na ang kanilang mga gamit sa pag-uwi. Napagod ang lahat pero masaya, another job well done iyon at para kay Mielle panatag na siya at sa biyernes ay back to normal na ulit ang buhay niya. Naihatid ng maayos ang mga bata sa ampunan at on the way na nga sila pauwi ng biglang ma-flatan ng gulong ang kotse ni Mielle kasama pa naman niya si Rave na walang tigil sa kare-reklamo buti na lang at nakasunod lang sa kanila si Gabriel, ng mamataan nitong kotse nga ni Mielle ang nakatabi at nakaluhod halos ang dalaga sa may gulong na napansin niyang flat ay itinabi niya agad ang Mercedes niya at lumapit sa dalaga.

‘Any problem Mielle? I see a flat tire’, sabay pagtabi ni Gab dito.

‘Yeah, I was trying to call my mechanic but walang signal dito’, sagot naman niya.

‘Oh thanks God you’re here! Alam mo knight in shining armor ka talaga naming mga damsel in distress!, tili ni Rave na siya namang ikinangiti ni Gab.

‘Rave, will you please?’, saway ni Mielle.

‘I can fix it Mielle, if you’d let me to.’ Ani ni Gab.

‘Ha, that’s too kind of you but-.., ‘, naputol na sambit ni Mielle.

‘Yes of course! Naku naman Mielle, gabi na gusto mo pa bang tumambay tayo dito baka mamaya dumaan na ang babae sa balete dito. Mare, gusto ko pang makauwi sa mga magulang ko!’, daldal ni Rave.

‘At the first place walang balete dito Rave! At baka maabala natin si Mr. Montecarlos.’, sabay baling nito sa binata na nakatingin na pala sa kanya.

‘No, not at all. It would be a previlige Mielle and just call me Gabriel or Gab , ok? At least ngayon pwede na kitang makausap ng matagal kasi hindi ka na pwedeng magmadali. ‘, nakangiti ng saad nito.

Kilig na kilig si Rave at medyo nag-blush si Mielle sa sinabi nito, naman kasi bakit ngayon pa siya na-flatan eh bago pa naman ang tires niya. Kaya ayun wala na din siyang nagawa kundi ang pumayag sa alok ng binata, gusto na rin naman kasi niyang makauwi para tuluyan ng makapagpahinga. Kinuha naman iyong pagkakataon ni Gabriel para maka-kwentuhan ang dalaga, kapag tinatamaan ka nga naman ng swerte.

‘Mielle, swimmer ka pala at the same time nurse pa. Ano pa kaya ang ang hindi mo kayang gawin?’, tanong ni Gab.

‘Bumuhay ng patay’, sabay ngiti din ni Mielle. ‘Ano ka ba, simple lang ‘yon not a big deal at all.

‘You are really one of a kind, don’t you know that? Swerte naman ng boyfriend mo.’

‘I don’t have one. Least priority na ‘yan.’

‘How surprising, ang tanga naman ng mga lalaking nakapalibot sayo at hindi nila nakikita ang kawalan nila.’

‘Flattery brings you nowhere, Gab. I know what you are trying to get to.

‘ Ikaw naman, I meant no harm. So, could we at least be friends?’

‘We are di’ba? Alangan naman we consider each other as ‘someone we just happen to know’.

‘Good, I’m happy to know that Mielle. Starting on Friday balik na ulit ang lahat sa normal schedules, it means we’ll not be seeing each other around always.

‘Busy din kasi, ahm, matagal pa ba ‘yan? And be careful nga pala.

‘Hindi na gaano, malapit na din.. Ouch!,’ sabay hawak ni Gab sa hinlalaki niya.

‘Oh, sabi ko di’ba be careful. Anong nangyari?’, inabot ni Mielle ang kamay nito at tiningnan. Nang mahawakan ng dalaga ang sugat ni Gab ay tila ba tumigil ang mundo para dito.

‘Hindi..hindi ko na..naman sina..sadya’, halos pautal ng ani ni Gab.

‘Ayan, sandali lang at kukunin ko lang ang medicine pouch ko.

Pagbalik ni Mielle ay inayos niya muna ang sugat ni Gab bago ito linagyan ng band-aid. Sa hinuha ng binata ay sana‘y lagi silang ganon, then he finished the work. Before sunset ay napalitan na ang gulong ng kotse ni Mielle.

‘Salamat, it’s so really nice of you’, saad ni Mielle.

‘Anything for you’, maikling sagot ni Gab.

‘Hay, nakatulog pala ako sa loob ng sasakyan. Pasensya na at hindi ko kayo natulungan ha, alam ko naman kasing kaya na ‘yan ni Papa Gab lalo pa’t audience itong si Mareng Mielle.’, sabi pa ni Rave.

Napangiti na lang ang binata, ‘Siyempre, inspired kang magtrabaho.

‘Stop it you guys. Gab baka gabihin ka na at ganun din kami, medyo malayo pa ang travel namin so, paano, thank you ulit ha’, sambit ni Mielle.

‘Ah, yes. Be careful pala, and in case you need my help Mielle I’m just a text away.'

Kanina kasi’y hiningi ni Gabriel ang digits ni Mielle at ibinigay din ng huli ang kanya.

‘Yes, thank you again. Ingat din!’, nakangiting nagpaalam si Mielle at sumakay na sa sasakyan niya at pinaandar na ito.

‘Nkauwi knb? =).’ Text ni Gab kay Mielle.

‘Yes, tnx 4 d hlp ul8.’ Reply naman nito.

‘Ur vry mch wlcome, bsta b pra syo.. cguro m22log kn, sori 4 d distrb.’

‘Yah, ok lng. Slip kn dn. Nyt! =p.


CHAPTER EIGHT

Halos hindi na maalis ang ngiti ni Gabriel ng gabing iyon, nakausap na niya si Mielle, napagsilbihan pa, ginamot ang sugat niya na ipinangako niyang itatago ang band-aid na ‘yon for remembrance at lastly ay naka-text niya pa.But then, Gabriel is not like that before kasi hindi siya sentimental na tao pero mula ng makilala niya si Mielle ay nagbago ang lahat ng pananaw niya sa buhay. Hindi na nga niya alam na malaki na ang naging pagbabago niya, kung hindi pa siya kausapin ng kanyang mama.

‘Gab, hijo, mukhang masayang-masaya ka’, sambit ng mestisang senora.

‘I guess I am, Mama.’

‘Don’t you know that you changed a lot this past few days, anak?

‘What do you mean, Mama?’

‘You are being your old self, masayahin, and you are taking things seiously na anak, nade-devote mo na ang sarili mo sa mga priorities mo just like your project. Your Papa and I are proud of you, bihira ka na din lumabas with your barkadas and we have nothing against that, alam mo ‘yan hijo.’

‘Did I? Hindi ko napansin, Mama’.

‘Inspiration, maybe?, nangiti ang matandang babae.

Napakamot ng ulo si Gab, ‘Well, there is Ma. A terrfic and wonderful person.’

‘Oh, a lady. Kailan mo ipapakilala sa amin, anak?’

‘Hindi pa po kami Mama, hindi siya tulad ng mga past girlfriends ko. She doesn’t even know that I have feelings for her actually.’

‘Ah, anak I’m happy to say that you had found your match.’

‘Mama?’

‘Yes, the one hijo. Aba, I thought this lady would never come.’

‘I can’t still understand, Mama.’

‘Gabriel Drevion, as far as your sister Lorraine had told me marami ka ng pinaiyak na babae, maybe this girl could be your karma. But a good one, I think she’s kind.’

‘She is, I know you’d like her kapag nakilala mo siya. But the problem is mama, I don’t know where to start.

Matapos ang pag-uusap ng mag-ina ay may isang bagay na nalaman si Gabriel, ngayon, kaya niya ng aminin sa sarili na he was definitely, in love with Mielle. Well, its about time that he realized that emotion dahil all along ay matagal niya na itong nararamdaman para sa dalaga. Eversince he laid his eyes upon her.

**

‘Mielle, what a pleasant surprise!’, may excitement sa tono ng nagsasalita.

‘Ah, it’s you again, Ethan.’, as usual na tipid na sagot ni Mielle.

‘What does a Ms. de Blanco doing here? Into sports?’, tanong nito.

‘No, I was just buying a gift for my brother, a soccer ball.’, ani ng dalaga.

‘I see, ang galing naman kasi hindi mo naitatanong eh ‘yan ang sport ko, baka gusto mong tulungan kita? As I can see, wala ka pang hawak na kahit ano.’, sambit ng binata.

‘Naghahanap palang kasi ako, but I think I’ll do fine, anyway thanks for the offer, Ethan.’, muling sagot ni Mielle.

‘I won’t be accepting that Mielle, bakit ba pakiramdam ko iniiwasan mo ako? Hindi naman kita ki-kidnappin lalong hindi kita ho-holdapin.’, medyo natatawang saad ni Ethan.

Napangiti si Mielle, ‘Okay, help me if you want to. But ‘yun lang, understand?’

‘Yhup, don’t worry.’

Tinulungan ni Ethan si Mielle na pumili ng soccer ball. Hindi talaga maiwasan ng binata na mapatitig dito sa makailang beses na pag-ngiti nito, lalo na kapag nagsasalita na ito para mag-suggest.

‘I think this looks nice.’ Ani ng dalaga.

‘Good choice, actually that’s what soccer players prefer most of the time.’, sagot ni Ethan.

‘Then I’ll take this.’, matapos sabihin iyon ni Mielle ay dumeretso na siya sa cashier para bayaran iyon.

‘Well, thanks Ethan for the help.’, sabay may ngiti pang turan ni Mielle.

‘You’re welcome. Ah..eh, Mielle..’, utal na sambit ni Ethan.

‘Yes?
‘Could I at least ask you for a snack?

‘Ethan, we talked about that a while ago as I remembered.’

‘Yes, I know..but..snack lang naman eh.’

‘Oh well, besides tinulungan mo naman ako at ayoko na makipag-argue.’

‘Really? You mean that? Let’s say, mm, Red Ribbon?’

‘Okay.

Both are enjoying the cake they had, kahit papaano ay naging open si Mielle sa makwentong si Ethan. Madami kasi itong shina-share at nawi-wili naman ang dalaga sa pakikinig dito. Masaya naman ang binata na nakikitang nakangiti si Mielle habang todo effort siya sa pagkwe-kwento. Those smiles. Simply breathtaking.

‘So, ayun that was the most embarassing moment of my life!’, sabay tawa ng binata.

Pinipigil man ay natawa na nga ng tuluyan si Mielle, matapos ay nagsalita,’Ang tindi pala ng mga kalokohan mo, and after falling from the stage and with all the humiliation eh carry mo pang rumampa sa harapan ng mga judges ano?’, sabay takip ng dalaga sa bibig dahil muli ay natatawa na naman ito.

‘Siyempre, ayoko namang mapahiya ang school ko. To my surprise nga eh nagfirst runner-up pa ako, ang tindi lang siguro ng kagwapuhan ko.’

‘Ay, ang kapal. Makauwi na nga baga biglang bumagyo dito.

‘Uy, grabe ka naman. Pinapatawa lang kita Mielle, ang cute mo kasi tumawa. Oh, baka maging defensive ka na naman dyan, wala naman akong ibig sabihin dun.

‘Mabuti na ‘yung nililinaw mo. Oh, it’s almost 7 o’clock, I guess I have to go na. May tinatapos pa kasi akong term paper.’

‘I understand, hatid na kita sa kotse mo.’

‘Do you really have to? Andyan lang naman kasi ‘yun sa malapit, I can manage naman.’

‘Hindi, I insist.

Lumabas na nga ang dalawa at hinatid ni Ethan si Mielle sa kotse nito.

‘Mielle, ahm, thanks for the wonderful day.’

‘Ako nga siguro ang dapat na magpasalamat for helping me buy a good gift for my brother and for the treat na din.’

‘That’s nothing, basta I believe ako pa dapat ang mas grateful.’

‘Hay naku, ewan ko sayo. Sige Ethan, I have to go. Bye!, sabay akyat ni Mielle sa kotse niya at muli ay kumaway sa binata, then she left.

‘Ingat!, pahabol pang sigaw ni Ethan.

Then that’s the start of the triangle. Gabriel-Mielle-Ethan trilogy. Hindi man sabihin ni Ethan ay alam niyang hindi na karaniwan ang nararamdaman niya para kay Mielle, and he’s aware that if he couldn’t fight that feeling away ay nangaganib naman ang pagkakaibigan nila ni Gabriel. From that point ay parang gusto niya ng suntukin ang sarili dahil napakatanga niya at hindi niya agad nakilala si Mielle at napakabobo niya naman para hindi maunawaan na mas malaki ang mawawala sa kanya kapag hindi niya iiwasan ang dalaga, at iyon ang pinagsamahan nila ni Gabriel sa loob ng sampung taon.

‘Mielle, ano ka ba? Ang selfish mo talaga, binibitin mo pa ako!’, bulyaw ni Rave.

‘Ano bang problema mo? Saan mo ba kasi nakuha ‘yang source mo?'

‘Basta! Pero lumabas nga kayo ni Ethan? Teka kayo na ba? Alam ba ‘to ni Papa Gab?'

‘Hindi kami nag-date, ok? Nagkataon lang na nandun ako sa Sports Shop na coincidentally ay kinaroroonan din pala niya, tinulungan niya ako maghanap ng soccer ball para kay Kuya then afterwards he asked me to eat kahit daw snacks lang. I refused at first but he insisted, at dahil tinulungan niya ako kaya pumayag na ako. Ok? Masyado ka kasing malisyosa at pati ‘yan eh napapansin mo pa! At bakit? Ano ko ba si Gabriel? Ayan ka na naman Rave ha!'

Dahil sa sobrang haba ng sinabi ni Mielle at napansin ni Rave na medyo naiinis na ito dahil nagpapawis na ang ilong ng kanyang kaibigan ay hindi na siya muling nagsalita pa. Basta masaya siya para kay Mielle, dahil magkakakulay na ang dating black and white nitong lovelife. And take note, dalawang tao pa yata ang magpipinta dito.

Edited by gi-anne, 23 Jun 2011 - 09:14 PM.


#2 gi-anne

gi-anne

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 134 posts
  • Gender:Female

Posted 30 May 2011 - 08:05 PM

CHAPTER NINE

Malapit na ang semestral break, less than a week ay tapos na ang lahat ng finals. Wala na nga halos na mga pasok ang karamihan, malapit na nga talaga ang bakasyon. But it made Gabriel sad, mami-miss niya si Mielle, to think na halos dalawang linggo niya itong hindi makikita kahit man lang secretly ay nakapanlulumo, and that’s the greatest change he had in himself, kasi hindi niya ugaling mangulila sa isang babae maliban sa kanyang Mama. Kahit pa sa mga previous girlfriends niya ay hindi niya ito naranasan, ang mga ito pa nga ang nage-effort para makita lang siya.

Oh well, kung pwede nga lang na patalunin ang araw ay hindi niya naman kaya. Sa cellphone na lang niya maco-communicate ang dalaga, thanks to technology at ayun nagkaroon ng paraan para kahit papaano’y makakausap niya pa ito.

‘Gabriel, hurry up! We are going to miss the plane, kanina pa naghihintay ang Papa sa airport!’, sambit ng ate niyang si Lorraine.

‘Yes, coming.’

Napagdesisyunan kasi nilang magbakasyon ang pamilya sa Baguio dahil naroon ang kanilang rest house. Bihira naman kasi magkaroon ng pagkakataong magkasama-sama sila ng buo, at iyon ang delimma ng mga mayayaman; laging kapos sa oras. Kaya ayun, nauna na ang matandang mag-asawa sa ‘Summer Capital of the Philippines’ at inaasahang susunod ang magkapatid na sa mga oras na ito ay dapat nandun na but since Gabriel didn’t feel like going ay kailangan pang ipa-adjust ng kanyang ate ang kanilang flight dahil nahuli ito ng gising. Anyway, nakarating naman ang mga ito ng maayos sa Baguio at sinundo ng kanilang Mama at Papa. Bagamat hindi pa nagpapahinga ay linibot na nila agad ang mga tourist’s spots doon.

‘I heard that Mareng Sylvia is coming here too. Gabriel, hijo, did Lance told you?’, tanong ni Mrs. Montecarlos sa anak.

‘No, he has not. I thought they are going to Bora, ‘yun ang sabi niya.’

‘Kasi when I called her up yesterday sabi niya they are also heading here.’

‘Oh, I see. So. I’ll have someone to keep me company.’

‘Para may susuporta d’yan sa pambabae mo.’, sabad ni Lorraine.

‘Ate, that was long time ago. Sabihin mo nai-insecure ka lang dahil dadating din si Justin, first love nga naman. Don’t worry Ate, as far as I know ay walang girlfriend ngayon ang ex mo kaya ligawan mo na pagdating dito.’, sabay tawa ni Gab.

‘ You!’, sabay kurot ni Lorraine sa kapatid ngunit ng may paglalambing. Paano naman kasi ay ex-boyfriend nito ang kapatid ni Lance, kung kaya’t nagkakilala ang dalawang magkaibagan na eventually ay nag-evolve sa apat.

At dumating nga sina Lance at ang pamilya nito, tuwang-tuwa si Gabriel na kahit papaano’y may makakasama itong kaibigan sa bakasyong iyon, kasi naman hindi niya mapigilang malungkot dahil tatlong araw niya ng hindi nakikita si Mielle.

‘Bro, ano kamusta? Buti na lang dito destination niyo.’, sabi ni Gab.

‘Yeah, akala ko talaga sa Bora. Teka nasabi na ba sayo ni Matt na nasa Davao siya?

‘Anong ginagawa niya ‘dun?

‘Dumating kasi ‘yung lola niya from Canada, may bitbit na chicks daw na ipapakilala sa kanya. Malamang another fiancee-to-be niya na naman.’

‘As usual. Poor Matt, kaya walang sinerseryoso na babae.’

‘Magsasawa na daw muna siyang mambabae para kapag hindi niya na matakasan ang matchmaking ng Lola niya eh wala siyang pagsisihan’, sabay tawa pa ni Lance.

‘Eh si Ethan? Hindi ko alam kung saan ang punta noon ah’.

‘Most probably nasa resort nila ‘yun sa Batangas. Alam mo na, kapag may pagkakataon eh ine-exile ‘yun don ni Tita Olive para mag-training mamahala ng business nila.’

‘Malamang nga, hindi man lang nga nagte-text pero malaki na ang unggok na ‘yun. Pare, bukas pala jogging tayo sa Burnham.’, ani ni Gab.

‘Sus, parang may naaamoy akong.. Ehem, akala ko ba Mielle ka na?'

‘Kaya nga tayo magjo-jogging bukas.'

‘Anong koneksyon?'

‘Maghahanap ako ng pasalubong para sa kanya.’

‘Ang aga pa naman, Pare.

‘I just want the best for her, maiintindihan mo din ako kapag na-inlove ka na.’

‘Naku, Bro please lang kung magiging ganyan din ako, I’d rather have flings for life.’, pangiti-ngiti pang saad ni Lance.

Kinabukasan ay nag-jogging nga ang dalawa sa Burnham, matapos ‘nun ay halos mahilo na si Lance kakasunod kay Gabriel sa kalilibot nito sa mga native shops para mahanap ang pinakamagandang regalo para kay Mielle.

‘Pare, alam mo kahit t-shirt maa-appreciate na ni Mielle. Kanina pa tayo ikot ng ikot dito, wala ka pa ring nahahanap.’, ani ni Lance.

‘Huwag ka na ngang umangal d’yan, Pare.’

‘Ano pa nga bang magagawa ko.’

May nahanap na isang native jewelry set si Gabriel, isa iyong napakasimpleng kwintas at singsing na may isang pares din ng hikaw. Ang sabi ng Igorot na nagbebenta nito ay swerte daw iyon sa pag-ibig kaya kung sino man daw ang pagbibigyan niyon ay siguradong mahalaga sa kanya. Gem ang mga bato ngunit pinamalamutian ito ng mga native na materyales, hindi na nagdalawang-isip si Gab at binili na iyon. It was perfect for Mielle.

‘Thank God! Akala ko hindi ka na matatapos, next time Pare na mag-aya ka pa mag-jogging hindi na ako sasama sayo!’, pabirong sabi ni Lance.

‘Oo na, ako na lang mag-isa! Wala ka naman kasing ibang ginawa kundi ang magreklamo.’, natatawa ding saad ni Gabriel.

Nagtatawanan pa sana ang dalawa ng biglang may naka-agaw ng pansin ni Gab. It was a familiar person, bakit parang medyo bumilis ang kabog ng dibdib niya? Habang palapit na ng palapit ito ay hindi niya maiwasang ipikit at imulat ang kanyang mga mata, could it be?

‘Mielle!, sigaw ni Gab.

Napalingon ito at inangat ang mukha,’Gab? What are you doing here?’

‘Va-vacation, I didn’t know you’re here too. Nagte-text ako sayo but you didn’t tell me na pupunta ka din pala dito, hindi ka nga din nagre-reply.’

‘Hey, guys. Na-out-of-place ako, sige Pare mag-iikot na muna ako. Text ka na lang kung saan tayo magkikita, and, Mielle nice to see you!’, matapos magsalita nito ay umalis na si Lance.

‘Ahm, biglaan lang din tsaka I lost my phone. Kadarating lang namin kaninang umaga, but na-bore ako ‘dun sa bahay ng aunt ko so I decided to stroll around.’

‘Then, I saw you. Mamaya kukunin ko ulit number mo ha. So, where’s your friend?

‘Si Rave? Hindi ko kasama, nasa bahay nila siya ngayon. First death annivesary kasi ng Lola niya.’

‘I see, so wala ka palang kasama mamasyal dito.’

‘Sort of, pero I have my cousins around kaya lang medyo pagod pa sila kaya hindi na ako nagpasama.’

‘ Pwede bang ako na lang? I..I mean samahan ka ganun.’

‘Okay.’

Nag-ikot nga ang dalawa sa iba’t-ibang lugar doon. Nang malapit ng magtanghalian ay inaya ni Gab si Mielle na kumain sa isang Italian restaurant don, hindi naman nakatanggi ang dalaga dahil sa pangungulit ni Gab. Masayang nagkwentuhan ang mga ito, obviously, they enjoyed each other’s company.

Afterwards ay nag-sightseeing pa sila ng kaunti, then nagpaalam na si Mielle dahil napagod na din siya at kailangan niya ng magpahinga. Since, walang dalang kotse ang dalaga ay nag-offer si Gab na kung pwede ay maihatid niya ito, pumayag na din si Mielle.

‘So, this is your place.’

‘Yes, ahm, Gabriel thank you for keeping me company and for everything of course.’

‘You don’t have to, di’ba sabi ko anything basta para sayo.’

‘Ayan ka na naman sa mga pambobola mo eh, Mr. Montecarlos, hindi na ako nadadala ng mga ganyang linya.’, sabay kindat ng dalaga.

‘Hindi naman ako nambobola Ms. De Blanco, anyway sige na nga at alam kong pagod na ang princess.’, napangiti na saad nito.

‘Yes, I have to take a rest na din. Ingat sa pagmaneho.’

‘Opo, pahinga ka na ha.’

Pagkaalis ni Gab ay pumasok na agad si Mielle sa kwarto niya at nagpalit na ng damit para makapagpahinga na. When she lied on her bed, may kakaibang realization siyang nararamdaman that could be something she is not so familiar with, paano naman kasi after having her puppy love during her childhood ay hindi niya na ulit naramdaman ang ganoong emotion. Yes people, nagmahal na din siya noon but because of that she promised herself not to, again. Ngunit, bakit ba ganoon na lang ang charisma ni Gabriel sa kanya. Ayaw niya ng palawigin pa ang tanong na iyon dahil sumasakit lang ang ulo niya, but one thing is for sure that this man is not that usual guy she’d encountered. Not that very important. But special.

Halos araw-araw nang binibisita ni Gab ang dalaga. Kaya kilala na siya ng mga kamag-anak at siyempre pa ng pamilya nito. Mula pa naman nung unang beses itong nakita ng mga magulang ni Mielle ay agad nang napanatag ang loob nito sa binata dahil bukod sa kabaitan nito ay alam nilang galing ito sa isang mabuting pamilya, wala na ring naging problema sa Kuya Andrei ni Mielle dahil ito na nga halos ang nagtutulak sa kanya na mag-boyfriend na, but Gab is not, and will never be.. pa kaya?

Wiling-wili ang mommy ni Mielle kapag naroon si Gabriel, paano naman daw kasi ay ang galing-galing nitong magpatawa at kamukha daw ito ng matinee idol na hinahangaan niya ng kapanahunan nito. At halata namang botong-boto ang ginang sa binata para sa kanyang anak na babae, pero magkaganun man ay inererespeto pa rin nito ang kagustuhan ni Mielle. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay natutuwa ang dalaga sa mga nangyayari, lalo na sa presensiya ni Gabriel. Hindi man kasi siya magsalita, nakikita niya naman ang pagsusumikap nito na maging bahagi kahit man lang ng araw niya, at maliban pa dito ay napabilib din siya sa kung paano nito nakuha ang loob ng pamilya niya in less than a week. Mas naging close na nga yata ito sa mommy niya kumpara sa kanya, sa daddy niya naman ay kasundo nito sa usapin na may kinalaman sa ekonomiya at the heck with his brother na katulad din nitong mahilig sa sports lalo na sa basketball. Parang wala na ngang problema, siya na lang siguro ang hinihintay but then hindi pa nga ito nagpo-propose sa kanya ng kahit ano, pero hindi pa ba masyadong halata

‘Mielle, hindi ka na naman umiimik d’yan.’

‘Ha? Mukhang kayo na nga ni Mommy ang nagkakaintindihan eh. Ano bang alam ko ‘dyan sa Beatles?’, ani ng dalaga.

‘Uy, ang princess oh, baka nagseselos ka na sa akin ha.’

‘Ano ka ba? As if naman magselos ako sa atensyon na binibigay sayo ni Mommy tapos ni Daddy, then ni Kuya. Pati nga yata si Xavier ikaw na ang palaging hinahanap.’, ang tinutukoy nito ay ang family pet nilang shitzu.

‘Jelly siya.. uy!’, asar pa ng binata.

‘Hindi noh! Gabriel tumigil ka nga ‘dyan. Masyado mo naman kasing kina-career eh!'

‘Ang alin? Bakit bawal ba na mapalapit ako sa pamilya mo?'

‘Ewan ko sayo.’

‘Ikaw naman kasi, matagal na kitang ini-invite sa bahay pero ayaw mo, para makilala ka naman ng family ko.’

‘For what?'
‘Ah..eh, para quitz tayo.’

‘That’s awkward, Gab.'

‘I don’t find it awkward Mielle, I find it reasonable.’, sandaling natahimik ang binata at muling nagsalita, ‘I’d be picking you up tonight at seven, nagpaalam na ako kay Tita Czarina at Tito Will at pumayag na din sila na mag-dinner tayo sa labas. You can’t say no.’

‘Aba, wala na pala akong right na mag-decide?.’

‘Meron ka namang right.’, seryoso na saad ni Gab.

‘Ano?’, tanong ni Mielle.

‘The right to remain silent.’

Hindi na naghintay ng sagot si Gabriel, umalis na ito matapos magsalita. Naiwang nakamaang si Mielle, for the first time a guy fascinated her. That made her smile, he just swept her from her feet. Gaya nga ng sabi nito ay magdi-dinner sila by seven kaya naghanda na din siya, its almost 6pm. Ang galing talaga nito mag-aya with a very short notice. She wore her simple casual silk dress, but she stunned.

Dumating nga si Gabriel ng eksaktong seven, bahagya pa nga itong natulala ng makita siya. But in the same way she was also amazed by his looks, alam niyang gwapo ito but tonight he seemed to be more handsome.

‘Oh, ano titingnan mo na lang ako? Ang lamig dito sa labas, Gab.’

‘You’re so lovely..ah..eh..let’s go?’, binuksan na nito ang pinto ng front seat ng sasakyan niya.

‘Yes.’, matapos nito ay sumakay na si Mielle.

Sa isang Danish restaurant dinala ni Gabriel ang dalaga na may garden setting, everything was really romantic, the ambience, the song played by live musicians and the table arrangement at dagdagan pa ng mga rose petals sa paligid. Hindi na napigilan ni Mielle na mamangha sa nakikita niya, iba kasi ito sa inaasahan niya dahil ang akala niya ay simpleng dinner lamang ito. Isa pa ngang nakapagtataka ay bakit parang sila lang ang naroon, nakakaramdam na tuloy siya ng konting nerbyos.

‘Gab, why does it seems that we are the only people here?’, tanong ni Mielle.

‘Because we are really the only people here.’

‘Ha?’, tila naguguluhan pang saad ng dalaga.

‘Mielle, let us eat our dinner first. Mamaya ko na lang ipapaliwanag ang lahat.'

Naupo na nga sila, inalalayan ni Gab si Mielle at kumain na ang dalawa. They had a gourmet and kahit medyo may tensyon ng namamagitan sa kanila ay nakuha pa rin nilang mag-usap. Then, the moment of truth comes, ilang beses iyon pinagpraktisan ni Gab at pinaghandaan niya talaga ang dinner na iyon kaya maya-maya pa ay sinenyasan na ng binata ang mga manunugtog at nag-umpisa na nitong awitin ang ‘Let the love begin’na hudyat na ng kanyang pagtatapat dito.

‘Mielle, hindi ako magaling sa ganito. Pero I’m giving my best shot dahil ayokong masayang ang buhay ko na pagsisisihan kong hindi ko nagawa ito.’, sinserong saad ng binata.

‘Gab nakakapanibago ka. What are you trying to say? ‘, tanong ng dalaga.

‘Let me just finish this, okay? Mamaya ka na mag-react.’, may awtoridad na sambit ni Gab na siya namang naunawaan ng dalaga at tumango na lang.

Nagpatuloy siya at hinawakan ang kamay ng dalaga, ‘Few months ago I bumped with this girl, I thought she was clumsy because of that but when I saw her face I found out that I encountered an angel. After that, I never saw her again but the heavens did not allow that because we happened to cross the same path again. I really blessed that day when God still gave me the chance to see her and be with her in that special chance, she never knew how happy I am those days. I came to know her more and then I realized she’s being a part of me everyday and the feelings just went deeper and deeper until it came up to me that I have fallen so in love with her, but a sudden fear flashed through me because this would be the first time that I’m going to love someone more than my life. Mielle, I know its too obvious na alam mong ikaw ‘yun. You changed so much in me in ways na hindi ko mapaliwanag because its beyond words, I felt that I’d be incomplete without you. Ayoko nang pahabain ito dahil isa lang naman ang pupuntuhin ko dito... Mielle I love you so much.’

Shocked ang dalaga sa narinig but somehow ay parang deep within she knew that from the very beginning. Hindi niya maiwasang tingnan ng mabuti si Gab, and she saw sincerity in there and what touched her most is the formation of tears in those greenish blue eyes, ‘I don’t know what to say, Gab. I’m overwhelmed of what you have told me.’

Nanlumo ang binata, pakiramdam niya iyon na ang katapusan ng lahat. Hindi tinanggap ni Mielle ang proposal niya, ang masama pa ay dahil nalaman na nito ang nararamdaman niya ay may posibilidad na iwasan na siya nito. Bahagya siyang natigilan at saka tumayo, ‘I know you would not feel the same way too Mielle, but I want you to know na kung pagkatapos nito ay iwasan mo na ako ay hindi ako mapapagod na sumunod sayo. You will still be my princess, and you will always be.’

Nang makita ni Mielle ang lungkot sa mga mata ni Gab at ang naging reaksiyon nito ay parang may kung anong kumurot sa puso niya kaya’t ng tumayo ito at nagsalita ay hindi niya napigilan ang sarili na ma-guilty. Pero maliban doon ay alam niyang…

‘Gabriel, wala pa naman akong sinasabing ganoon.’, lumapit ito sa binata at tiningnan ito ng mataam at nagsalita, ‘I know, hindi ako pamilyar sa ganito dahil lagi kong iniiwas ang sarili ko sa mga failure kahit na lang sa emosyon ko. I mean, ayokong pagdating sa relationship naman ako babagsak. But you know what, you have somehow touched something in my life.’

‘Dahil kaibigan lang ang tingin mo sa akin, Mielle, if you’ll give me the chance I can prove to you that I am serious of what I feel for you and I’m willi-..’ , hindi na iyon natuloy ni Gab dahil tinakpan ni Mielle ang bibig ng lalaki ng kanyang isang daliri.

‘My heart. Hindi man ako sigurado Gab but I know na hindi ako magsisinungaling kung sasabihin kong, mahal din kita.’

Natigilan si Gabriel sa narinig, had he just heard that Mielle loved him too? Hindi niya inaasahan iyon, akala niya…

‘You..you..lo-love me too?’

‘Yes, I do.. Becau-.. Gab!’, hindi na natapos ni Mielle ang sasabihin dahil bigla na lamang siyang yinakap ng binata at kinarga.

‘You don’t know how you made me so happy, my princess! I love you so much!.’

‘Gab, will you please let me down? Please..’

Binaba naman ng ito ng binata ngunit nanatili pa rin itong nakayakap kay Mielle, walang sukat paglagyan si Gabriel ng nararamdaman niyang kasayahan ngayon at pakiramdam niya ay talo pa niya ang nanalo sa lotto, eleksyon o kung ano pa man.

‘Gabriel, this would be my first and I don’t know if I’m good at it so please don’t expect too much.’
‘Mielle, baby, I don’t care. As long as you’re with me.’, bahagya pa ngang napaluha ang binata sa sobrang tuwa habang tinitingnan ang babaeng mahal na mahal niya.

‘Oh, what is this? Tears? Talo pa ako.’, pinunasan pa iyon ni Mielle at ngumiti sa binata.

‘I love you.’

‘Gab, naman eh.’

‘I said I love you, sabi mo kanina mahal mo din ako, bakit hindi ka makasagot?’

‘Nakakapanibago naman kasi, hay..’, humugot muna ng hininga ang dalaga at saka sumagot, ‘I love you too.’
Matapos nang pormal na pagpapakilala nina Gab at Mielle sa kani-kanilang mga magulang bilang magkasintahan ay binasbasan naman sila ng mga ito. Both parties are happy for them, and so did the couple.

After two days ay nagpaalam si Mielle kay Gab na mauuna na itong umuwi dahil may appointment ang kanyang daddy sa Manila at tapos na din ang vacation leave nito, pumayag naman ang binata kahit pa kung pupwede nga lang ay sumabay na siya dito. Magmula naman kasi ng maging sila ni Mielle ay para bang ayaw niyang nalalayo sa kanya ito. Anyway malapit na din naman silang umuwi, tatapusin lang ng kanyang Mama ang seminar na dinaluhan nito at ng kanyang Papa.

CHAPTER TEN

On the phone…

‘Gab, I’m busy right now di’ba alam mo namang may tinatapos akong project?’

‘Baby, you know I’m missing you so much.’

‘Same here, but please understand me.’

‘Hay, gusto ko mang magtampo but I cannot do anything because you might get angry with me.’

‘Gab, promise pagkatapos nito I’ll keep it up to you, okay?’

‘Okay. Just take care of yourself and don’t pass your meals and take your vitamins.’

‘Yes, Doctor Gabriel. Got to go back to my work now.’

‘I see. I’m gonna call you up again this evening. I love you.’

‘I love you too, bye.’

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ng kanilang bakasyon sa Baguio. Ayun, back to usual ang kani-kanilang mga gawain kaya nga lang the big difference is that they are in a relationship right now. But obviously it was always Gabriel who is giving too much attention to it, kasi naman si Mielle masyado pang busy sa kanyang mga obligations sa eskwelahan at sa kung anu-ano pa. Madalas na nga siyang pagalitan ni Rave mula ng malaman nito ang magandang balita dahil nagiging unfair na ang dalaga sa kanyang nobyo, mas may oras pa daw ito sa organizer niya kesa sa relasyon nila ni Gab, pero masisisi ba siya nito? Sa ganun siya sanay at nahihirapan pa rin siyang mag-adjust hanggang ngayon, basta ang alam niya ay mahal niya din ang binata kaya tinanggap niya ito. But would that be enough? Hindi pa nga niya masabi sa iba na mayroon na siyang boyfriend dahil naiilang siya, pinakiusapan din niya si Gab na h’wag na munang ipagsabi that really shocked him because he found it odd dahil kung sa ibang babae ay ipapangalandakan na nitong siya ang nobyo nito, but then he understood Mielle. As always.

‘Bro, talo niyo pa ni Mielle ang secret lovers ha. Pero unique kayo, alam na ng mga magulang niyong kayo pero ang ibang tao hindi.’, sabay tawa ni Matthew.

‘Sa ganun ang gusto ni Mielle, Pare. Alam mo namang ito si Gabriel, anything for his girlfriend. Hanggang kailan niyo balak maglihim, Bro? Baka pagnag-desisyon na kayo eh naglalabo na ‘yang mata mo.’ , dagdag pa ni Lance.

‘Shut up. Guys, alam niyo namang first boyfriend ako ni Mielle kaya naga-adjust pa siya.’, ani ni Gab.

‘Bakit ka ba kasi nagtitiis d’yan. Oo pare, maganda siya, talented, as you name it but hindi ka dapat pumapayag na ginaganyan ka. You’re the man, Bro. Masyado mo na yatang binababa ang ego mo.’, saad naman ni Lance.

‘That doesn’t matter to me now, Pare, ego lang ‘yan. I can’t afford to loose her. Kapag kayo na ang nasa posisyon ko, makikita niyo ang punto ko. Palibhasa, hindi pa kayo nagsasawa sa pambababae niyo.’, sabay ngisi ni Gab.

‘Ang aga pa para magsawa, Bro. At as I always say, kung ganyan din lang naman ang babagsakan ko di’bale na lang. Dahil hangga’t nasa Pilipinas pa ang monumento ni Andres Bonifacio, eh, hindi ko ibababa ang bandila ko!’, sabay tawa ni Lance na sinabayan naman ng dalawa.

‘Mabuhay!’, sigaw naman ng bagong dating.

‘Ethan! Bro, nabuhay ka!’, gulat na nasabi ni Lance.

‘Halos isang buwan lang naman akong nawala, you know why. Mom.’

‘Mabuti kamo, pare at wala ka pang masyadong na-miss. At siyempre type ka ‘nong mga prof natin kaya mas lalong walang problema sa mga uno mo.’, saad ni Matthew.

‘Good. Ano kamusta na kayo? Gimik tayo mamaya, everything on me.’

‘Galante ka ngayon ah, di’bale maganda ‘yan. Saan tayo? Sa Blue Sphinx?’, suwestyon ni Lance.

‘Sige ba. Gab, ano sama ka? Baka sabihin mo na namang busy ka d’yan sa project mo.’, sabay ngiti ni Ethan.

‘Pare, committed na ‘yang si Gab. Hindi na ‘yan pwedeng sumabay sa mga kalokohan natin. Loyal ang arkanghel.’, sabad naman ni Matthew.

‘Tumigil ka nga d’yan. Pare, as much as I wanna go but kayo na lang.’

‘Why? Montecarlos, kahit may girlfriend ka hindi ka naman nagkakaganyan.’, ani ni Ethan.

‘It’s Mielle. Mahirap na, tsaka Bro.. heck do I have to explain? Go ahead.’

‘Bahala ka nga, Pare. Ano Ethan tuloy tayo?’, tanong ni Lance.

‘Ah..eh..oo naman. Sige, Gab pero kahit papaano sumabay ka pa rin. Hindi tayo kumpleto ‘pag wala ka.’, medyo wala pa sa sariling sagot ni Ethan.

Ikinagulat talaga ni Ethan ang nabalitaan, si Gab na nga at si Mielle. Kung kailan niya pa naman napagtanto na espesyal na ang pagtingin niya sa dalaga ay saka naman ito napasagot ni Gabriel. Sa kanyang pagbabakasyon ay pinag-isipan niya ang lahat, nasa punto na nga siyang magtapat kay Mielle at kakausapin si Gab tungkol doon at kung hindi siya maunawaan ay bahala na ngunit huli na pala ang lahat. He just have to give way.

CHAPTER ELEVEN

Anyway, everything is on its places for the next four months. Naging maayos naman ang relasyon nina Mielle at Gab ng mga panahong iyon ngunit from the very start ay ganoon pa rin ang ayos ng dalawa, si Mielle talagang busy sa kanyang schedule at si Gab naman ay walang sawa na umuunawa sa nobya although minsan ay nagkakaroon ng konting misunderstandings, ngunit naaayos naman kahit papaaano through Gabriel’s effort. Takot lang talaga siyang mawala si Mielle sa kanya kaya kahit hindi niya ugaling lunukin ang pride niya ay nagagawa na ng binata, minsan nga ay naaawa na ang tatlong kaibigan nito sa kanya sa tuwing mamomroblema ito sa relasyon nilang dalawa dahil nagmumukhang tanga na daw ito sa rason na si Gab na lang ang palaging nagtitiyaga para maging maayos ang lahat. Ano pa nga bang magagawa niya? Si Mielle na ang buhay niya.

Hindi na nga nila napansin ang mga araw na nagdaan, malapit na pala silang magtapos. Well, as for Gab that’s a good sign dahil hindi na ganoon kabigat ang mga magiging obligasyon ng kanyang girlfriend kaya siguro naman ay magkakaroon na ito ng panahon para sa kanilang dalawa, ‘yung more than one day na pagsasama. Simula kasi ng maging sila ay isang buong araw lang ang maximum na oras na kayang ilagak ni Mielle para sa kanila ganunpaman ay masaya pa rin siya, teka, martir na nga ba ang tawag ‘don? Malamang.

Ilang linggo na lang ay magto-toga na nga sila, and they would soon land on the careers they are aiming for. Perfect na sana ang lahat, but two months before the graduation..

‘Happy 5th monthsary, baby! Akala mo nakalimutan ko noh?’, sambit ni Gab matapos tanggalin ang handkerchief na tumatakip sa mga mata ni Mielle.

‘Is this what that acting that you are sick all about?’, dismayadong tanong ni Mielle.

‘Yes, bakit hindi ba natuwa ang princess ko? Alam ko favorite mo ang pink but walang available na pink rose petals sa flower shop na madalas kong bilhan ng bulaklak para sayo, pero I thought that you would like the white ones pa rin.’

‘It’s not that Gab, alam mo naman na bukas ang session ko with the panel. Ide-defend ko pa ang thesis ko. Nagpre-prepare nga ako kanina when Manang Lisa called me at home na inaapoy ka daw ng lagnat, kinasabwat mo lang pala siya.’, nanlulumo pa ring tono ng dalaga.

‘Kasi hindi ko na alam kung papaano ko isisiksik ang sarili ko d’yan sa schedule mo. Kailangan ko ba magpa-appointment? Mielle, mas mahalaga pa nga ‘yang thesis mo kesa sa akin. Ngayong nag-effort ako para makita ka at ma-celebrate ang fifth monthsary natin mukhang disappointed ka pa. Hindi ka ba masaya na limang buwan nang tayo?’, medyo naiinis nang ani ni Gab.

‘Gab..will you-’, hindi na natapos iyon ng dalaga.

‘d**n it! Nung una akala ko naga-adjust ka pa but Mielle limang buwan na ang dumaan but you can’t even call me any endearment, baka sabihin mong corny ‘yon but I’ve been waiting for so long to hear that from you. Hindi ako napapagod maghintay Mielle, I’m always giving the best of me just to make you happy but it seems that you are enjoying much of your time with that organizer, minsan nga nagseselos na ako d’yan!’, galit nang saad ng binata.

‘Gab, from the very start I told you that don’t expect too much from me! Ngayon, manunumbat ka? Masyado ka lang na nagiging sensitive. Naa-appreciate ko ang lahat ng ginagawa mo, about the endearment, what? Baby? Are you happy now?

‘No! That must come from here, in the heart. Halata namang napipilitan ka lang, Mielle I’m not expecting so much from you but somehow could you please make me feel that I’m important to you? Na hindi ka lang nakukulitan sa akin kaya pumapayag kang lumabas tayo or hindi ka lang nagsasabi ng ‘I love you too’ kung hindi ko pa sabihin sayong mahal kita ng sampung beses. Hindi mo pa rin ba maramdaman Mielle na mahal na mahal kita, and I’m skyhigh dead serious about every bit of it?’, malungkot ng saad ni Gabriel.

‘I cannot understand you, if you can’t stand this anymore I think we should need space. Gab, I assume that hindi ka na masaya sa mga nangyayari sa atin and I’m simply busy to make it up to you. Ayoko nang madagdagan ang burdens mo and ganun din naman ang pressure ko, at least we tried. I have my thesis tomorrow and I can’t handle any excess baggage in my brain right now, hope you understand and by the way I’m really sorry for everything. But I did love you, kaya lang hindi pa talaga siguro ngayon ang tamang panahon.’, payak na sambit ng dalaga at tumayo na para umalis.

Walang nagawa si Gabriel kundi ang matulala, had Mielle broke up with him? Akala niya aaluin siya ng dalaga dahil sa confessions na ginawa niya ngunit mali pa pala ang naging interpretasyon nito. Ganoon na lang ba siya kaliit sa buhay nito? Hindi ba naramdaman ni Mielle ang lahat ng pagsusumikap niya at ito pa ata ang napagod sa relasyon nila?

Nang matapos ang insidenteng iyon ay hindi na muli pang bumalik sa normal ang buhay ni Gab, kahit anong uri ng pag-communicate niya kay Mielle ay hindi na niya ito ma-contact. Talagang iniiwasan na siya nito, kahit pa sa campus ay hindi na niya ito mahagilap. Bumalik na nga sila sa dati, ‘yung parang napakalaki ng UST para sa kanilang dalawa. Sinubukan man niyang puntahan ito sa bahay nila ay ang Tita Czarina niya lang ang humaharap sa kanya at humihingi ng despensa, nasasaktan din ang ginang sa labis na sakit na nararamdaman ng binata na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang kanyang anak ngunit wala siyang magawa dahil hindi niya kayang pakialaman ang desisyon ni Mielle, ayon dito ay irespeto na lang daw siya.

CHAPTER TWELVE

‘Ladies and gentlemen, the recessional!’, sigaw ng emcee ng program.

‘Happy graduation, hijo! We are so really proud of you, aba eh pinagod mo ang Papa mo sa pag-akyat sa stage ha.’, tuwang-tuwa na sambit ni Mrs. Montecarlos.

‘Thanks, Ma. Lahat naman po ‘yun para sainyo.’, ngunit wala pa ring kaemosyong-emosyon na ani ng binata.

‘Bro! Ang galing mo kanina ha, halos hinakot niyo na ni Mielle ang mga awards.. oops! Sorry, pare.’, napahiyang tuon ni Lance.

‘Ano ka ba? Ayos lang ‘yun. Totoo naman ang sinabi mo.’

‘Hay naku, let us not waste this event! Dapat tayong mag-celebrate, at sila naman ang magluksa dahil mawawala na ang Campus princes dito! Wala na yatang dadaig sa atin mga Bro!’, dagdag ni Matthew.

‘Paano ba ‘yan since nag-collide na ang celebration natin eh, come on let’s go! Party time boys!’, sigaw ni Ethan.

Sinagot na lamang iyon ng sigaw ng tatlong binata, kahit pa medyo malungkot si Gab ay pinagsigla na lamang niya ang kanyang boses dahil ayaw niyang ma-spoil ang magagandang aura ng mga kaibigan. Napag-usapan kasi nilang isahan na lang ang kanilang magiging selebrasyon sa mansyon nila Gabriel dahil napakalaki naman talaga nito, wala namang naging problema sa kanilang mga magulang kaya napakapabuloso ng magaganap na kasiyahan.

Ang saya niya na sana, kung naroon din si Mielle sa tabi niya. Mahigit isang buwan na pala silang wala, nagulat siyang isipin na kinaya niya na palang ganoon ang kanilang sitwasyon. Pilit niya nang pinagmo-move-on ang sarili dahil wala nang intensyon ang dalagang balikan siya ayon sa kaibigan nitong si Rave na nakausap niya ilang linggo na ang nagdaan. Gusto man niyang magalit dito ngunit hindi niya kaya, sasanayin niya na lang siguro ang sarili na wala ito at kung maaari ay bumalik sa dating siya, pero ang isiping iyon palang ay lalo pang nagpapasakit sa malaking sugat sa puso niya. How could he start all over again, when he only knew that life without her is like a life not worth living.

‘Mielle, ano ka ba? Akala ko ang saya-saya mo? Bruhita ka, akala ko hindi na matatapos ang speech mo kanina. Inantok na tuloy ako.’, sabay tawa ni Rave na ang tinutukoy ay ang words of thanks niya kanina sa kanilang party matapos ng graduation.

‘Hindi pa rin pala, Rave. Ngayon ko na-realize na for the first time ay na-admit ko sa sarili kong.. mali ako.’, malungkot na saad ng dalaga.

‘Oh, bestfriend, wala namang iyakang ganyan. Dapat masaya tayo ngayon, alam ko nanghihinayang ka pero ‘yan ang pinili mo eh. Let us just hope that would be for the better, sana inisip mo na ‘yan bago mo ako inutusan na sabihan si Gab na kalimutan ka nang tuluyan dahil wala ng reconcillation na mangyayari pa.’, pang-aalo na saad ni Rave.

‘Hindi ko man lang nakita ang lahat ng ginawa niya para mag-work-out ang lahat. After all these months, ako pala ang may malaking pagkukulang. But what ‘s the use? Masyado na akong naging selfish, ayoko ng guluhin siya at siguro nakapag-move-on na si Gab.’, hindi na napigilan nitong lumuha na ng tuluyan.

‘Sabi ko ng no-more-tears eh! Mare, hindi ka na japan niyan. Hayaan mo, if kayo then so be it if not go on. Ang ganda naman ng lola mo kaya anong worries mo? Halika na nga dito, bibigyan kita ng power hug!’, sabay yakap nito sa kaibigan.

‘Nagbibiro ka naman Ravefrione Fidelito Calderon, hay naku! Bahala na nga.’, sabay buntong-hininga ng dalaga.

‘Wala lang na power kiss ha, baka mag-tsunami dito at umulan ng snow sa ‘Pinas!’, halakhak nito na kahit papaano ay sinabayan na din ng dalaga.

‘That’s a better idea, tsaka baka pagnakita tayo ni Mommy maghysterical ‘yun.’


Ilang buwan na din ang lumipas ng magtapos sila. Nag-umpisa nang magsipagtrabaho ang mga bagong executives ng kanya-kanyang pamilya, Gabriel got the Junior vice-CEO for Operations management sa family business nilang international furnitures, Mielle as the new Managing Supervisor sa kanilang line of banks and so on with the others na galing din sa mga mararangyang pamilya.

‘Ms. De Blanco, where are the annual reports that I’m asking from you? I gave that assignment to you for a week now.’, striktong ani ni Mr. Gonzales, ang Executive Accountant ng kanilang kumpanya.

‘Sir, I’m almost done. The problem is the last ten branches aren’t giving their reports to me as well.’, malumanay na sagot ng dalaga.

‘Well, that’s you’re problem. Gawan mo ng paraan ‘yan bago ko pa sabihin sa daddy mo na hindi ka nagiging consistent sa trabaho mo, Mielle, it doesn’t mean that you are the daughter of the owner of this company ay mage-easy-easy ka na lang. We are training you so that someday you can handle the position that your dad has right now.

‘Yes sir, thank you. Just give me enough time and it will be on your table by tomorrow.'

‘Hija, sana wala kang personal na galit sa ninong. We are just being professional here and it will be unfair for the others if I will just let you go this time, understood?’, may pagpapaunawa na saad ng ginoo.

‘Yes ninong, I mean Sir. Thank you.’, pakasabi nito ay lumabas na ang dalaga sa opisina nito at pumasok na din sa kanyang silid.

Nanghihinang napaupo si Mielle sa kanyang swivel chair dahil sa sobrang stress sa kanyang utak, ito ang unang pagkakataon na kinagalitan siya ng kanyang superior dahil sa katagalan ng kanyang pagsumite ng kanilang annual reports. Hindi na nagtaka ang dalaga dahil simula pa naman ng mga unang buwan niya sa trabaho ay hindi siya gaanong ginaganahan, ang dahilan lang kung bakit siya nagpapatuloy ay dahil sa kanyang mga magulang na tumitingala sa kanya. At ngayong halos magda-dalawang taon na siya sa trabaho ay parang mas nababawasan pa ang kanyang inspirasyon para magpatuloy, ngunit wala siyang magagawa dahil walang ibang aasahan kundi siya lang. Wala naman kasing kahilig-hilig ang Kuya Andrei niya sa kanilang negosyo kaya nagtayo din ito ng sariling linya, ang food industry. Marahan naman itong sinuportahan ng kanilang mga magulang dahil nakikita naman ng mga ito ang tagumpay na tinatamasa ng panganay na anak sa napiling desisyon.

CHAPTER THIRTEEN


‘Thank you Sir, we are honored to have this transaction with you.’, saad ni Gab sa kanyang kausap sa kabilang linya at ibinaba na ito.

‘Sir Gab, may naghahanap po sainyo sa lobby. Jamilla daw po ang pangalan at nagde-demand po ng appointment ngayon, girlfriend niyo daw siya.’, ani ng may katandaang sekretarya ng binata.

‘What the he-.. Tina, wala akong girlfriend at pakisabi sa Jamilla na ‘yan na wala akong panahon sa mga kalokohan niya, ok? You may go now.’, matigas na sabi ni Gab at bahagya pang napasuntok sa kanyang lamesa ang binata dahil naalala niya na naman ang babaeng iyon na pakana nina Matthew at Lance.

‘Pare! Oh, mukha yatang HB tayo ah. Nakita ko pala ‘yung chikababes mo ‘dun sa may elevator, galing pala siya dito pero bakit mukhang pareho kayong bad trip? LQ?’, natatawang saad ni Lance.

‘Gusto mong ipalamon ko sayo ‘tong lamesa ko! Nananadya na kayo ni Matthew, Pare h’wag niyo akong inisin at baka makalimutan kong kaibigan ko kayo. Ang dami ko nang iniisip, dinadagdagan niyo pa ng mga kalokohan niyo.’, iritadong sambit ni Gab.

‘Whoa, wait Gab. Sorry, ok? Pare naman bakit ba ganyan ka na naman mag-react? Hindi na namin uulitin, paano naman kasi Bro simula ng maghiwalay kayo ni Mielle, eh hindi ka na nagka-girlfriend ulit ni hindi ka na lumalabas even it’s boys’ night out. Nag-aalala lang kami sayo Gab.’, seryosong sagot ni Lance.

‘Thanks but no thanks, Lance. Hindi ko kailangan ng tulong niyo, sarili kong desisyon iyon kung bakit ako ganito kaya kung pwede h’wag niyo ng pakialaman? Masaya naman ako, and for the last time don’t mention her name again.’ Ani nito.

‘Bahala ka Pare, we are just concerned about you. By the way, magkakaroon pala ng social gathering ang mga businessmen sa Greenbelt mamaya, sabi ni Tito Enrico ikaw na daw ang bahalang magrepresent on his behalf.'

‘Yes, I already knew that. But thanks anyway, Pare, pasensya pala.. you kow what I mean.’

‘Yeah, got you man. No hussle. I understand.’

Naging ill-tempered na si Gabriel magmula nang break-up nila ni Mielle, kung minsan nga ay hindi na ito maintindihan ng kanyang mga kaibigan but still their support is with him, pasasaan pa’t halos magkakasama na sila since they were just teens. Gustuhin man kasi ng binata na bumalik sa dati ay hindi na niya kaya, hindi na siya ang dating Gab. If Mielle has brought much changes in his life ay mas lalo pa siyang nagbago ng mawala ito sa kanya, but if there is someone who is also suffering right now from that separation it would also be her princess, Mielle.

Matagal-tagal na din silang hindi nagkita at nagkausap, and back then it was their fifth monthsary when they talked which ended up in a mess. Since that, Gab has given up hope and never opened his doors for some possibilities, meanwhile Mielle on the same case is also undergoing such difficulties but remained as she was before, on a high spirit. Pareho man silang nahihirapan, but life must go on wika nga. They had to move on, but was it really over between them? Does their storybook had come to an end?

‘Hijo, your Papa and I are surprised with the increasing rate of our stocks. It’s an impressive job, Gab.’, ani ng ginang.

‘Thank you, Mama.’, na tulad ng dati ay payak na sambit ng binata.

‘You just can’t go on, don’t you Gabriel? Moms do know everything, Honey. Is it Mielle?’, tanong nito.

‘Ma, can’t we just not talk about her? I’m tired and I want to rest.’

‘Gabriel, hindi mo mao-overcome ang mga bagay na hindi ka nakaharap. You are still afraid to face the reality, hijo. Hindi mo pa rin makalimutan si Mielle, that’s the truth. Isn’t it?’, seryosong turan ng kanyang Mama.

‘Ma, please..’, pakiusap ni Gab.

‘Anak, I understand Mielle why she did it. Alam kong nauunawaan mo siya from the very beginning, and I perfectly know that she still loves you until this very minute, hijo. But you know priorities come first, sa ibang environment lumaki si Mielle that’s why in some ways both of you are different kaya your relationship ended up but that’s not the reason why you should give up. Gabriel, if you surrender your will to God, you will get the desires of your heart.’, mahabang payo nito.

‘Mama, I know. But guess what? I’ve been strong enough to survive all these years, na dati akala ko hindi ko kakayanin. Yes, she had been that important to me to the extent that she became my life but she doesn’t deserve me Ma, hindi niya ako kayang bigyan ng importansya. I had given everything, I’ve put down all my cards but what do I have now? Nothing. I just wasted all those times, na sana ay.. oh well, its just so awkward to talk about. Ma, I already accepted the job that the board proposed to me at the meeting and Papa knew it and approved, I hope you too. Ako na ang magha-handle sa kumpanya natin sa Australia, and I think it will do me good.’, ani ng binata.

‘You know hijo, sometimes running away just make things a lot more complicated. Don’t you know that? But if that makes you happy for the mean time then Mama cannot do anything but just to be happy for you too.’, kasabay nito ay yinakap niya ang anak.


‘Paano na mga Pare, I have to go. Tinawag na ang flight number ko.’, saad ni Gab.

‘Ano pa nga ba, alangan namang magwala kami dito para h’wag ka ng umalis. Loko-lokong ‘to, ang dami naman pwedeng pagtrabahuhan na malapit gusto pang mangibang bansa.’, sagot naman ni Lance dito.

‘Hindi siguro makahanap ng babae dito kaya magsi-sightseeing muna sa Australia. Honestly Gab, Pinays are much more attractive than white women.’ Dagdag pa ni Matthew.

‘Wag niyo nang alaskahin ang isang ‘yan, baka maiwan na ng eroplano. Sige, kayo mag-aabono ng ticket niyan.’, patawa bang sabi ni Ethan.

‘Oo nga. 250 grand pa naman ang isa, pangbabae niyo na sana ‘yun. Anyway, guys I’ll just be back after three years. Tatapusin ko lang ang contract na pinirmahan ko, di’bale uuwian ko kayo ng pasalubong.’, nakangiti ng sambit nito.

‘Just make sure that you’ll be back before ma-extinct ang grupo natin. Good luck, Pare. H’wag kang magpapapikot ‘dun, mahirap na at baka hindi ka na makauwi ng ‘Pinas.’, ano naman ni Lance.

‘Yes, I’ll remember that. High five, Bros! Tatawag na lang ako from time to time, tsaka ‘yung pabor ko ha. Bisitahin niyo si Mama, mami-miss ako ‘nun kaya kayo na muna proxy ‘ko.’, matapos iyon sabihin ni Gab ay nagpaalaman na silang apat at nag-board na siya.


Two and half years later...

Nasa Australia na si Gabriel at naging maayos naman ang kanyang career doon, talagang nagiging normal na siguro ang buhay niya. As for Mielle, nabalitaan na lamang niya na wala na pala sa bansa ang kanyang dating nobyo nang minsang makasalubong niya sa Mall ang ate nitong si Lorraine, she was happy for him knowing that he made it to reach his dreams habang siya naman ay naroon at nagstru-struggle pa rin na magustuhan ang trabaho niya. Well, sad experiences can make you an optimist or pessimist, isn’t it?

But do you guys remember when I’ve written about the love triangle that has just begun? Maybe, we could add some chapters in it..

‘Hey! Long time no see, what happened to you?’, magiliw na bati ng binata.

‘Ethan? Is that you? Happened to me? What do you mean by that?’, gulat na sagot ni Mielle.

‘Daming tanong ha, anyway sige sasagutin natin ‘yan. Yes, this is me. Naka-formal clothes lang kasi required sa office eh, well, you’ve become so much, better and ever more beautiful since I last saw you. Thanks to Vicky Belo?’, nakangiting sagot ni Ethan.

Natawa ang dalaga, ‘Ha? Suntukin kaya kita d’yan, I haven’t changed. Dumami pa nga siguro wrinkles ko because of my work.’

‘Naku, ang sarap na sigurong magtrabaho sainyo. Nakaka-revitalize ng mukha, I don’t see wrinkles. You look stunning.’

‘Yeah, right. Enough with that, Ethan. I know you, anyway what brought you here? What an ex Campus Prince of UST doing in a place like this, huh?’

‘Masama bang nandito ako sa MOA? Hindi na pala pwede pumasok dito ang mga gwapong katulad ko? Ha?’, natatawang ani nito.

‘Ang yabang mo pa rin. Kamusta na pala sila Lance and Matthew.. uhm.. I’ve heard that Gab is in Australia.’, medyo sumeryosong tanong ng dalaga.

‘Ah, yes. Alam mo na pala, sila Lance and Matthew ayun tulad pa rin ng dati. But we are all working now, so wala ng masyadong gigs. Mahirap ng kumita ng pera ngayon.’

‘Oo nga.. ahm.. Ethan, I have my mom with me nasa counter lang siya so I guess I’d better be going. Hinahanap na siguro ako, nice seeing you again.’

‘Hey, wait. Can I have your number? Ma-contact man lang kita, old friends don’t bump to each other everyday. Baka next time it would take me more than two years to see you again.’, pabirong saad ni Ethan.

‘Ah, okay.’, natatawang sagot ni Mielle at binigay din ang kanyang cellphone number.

‘Thanks.’, iyon na lamang ang nasabi ng binata habang tinatanaw palayo ang babaeng minsan na ring nagpatibok ng puso niya.

Hindi akalain ni Ethan na muli silang magkikita ni Mielle ngayon, kung kailan mo nga naman hindi hinahanap at inaasahan ay saka naman nagpapakita. She, as ever stayed beautiful and time has even improved it, he couldn’t hardly recognize her at first glance but the smile that took him few years ago familiarized her again.
At dahil nagkaroon na ng communication sa pagitan nila ay nasundan pa ang mga naging pagkikita ng dalawa. Ethan grabbed every opportunity to be with her na simula pa ng makilala niya ito ay pinangarap na niya, but way back then ay hindi pa tama ang panahon dahil may malaking pader na pumapagitan sa kanila at iyon ay si Gabriel. Sa ngayon ay madalas silang lumalabas, hindi naman daw iyon date dahil para kay Mielle ay magkaibigan lang sila. Whatever it is, Ethan absolutely cherished every moment.

‘Thanks for the dinner, Ethan. Ikaw talaga lagi mo na lang akong pinapakain baka tumaba na ako niyan ha.’, ani ng dalaga.

‘Ikaw naman, bihira lang naman kitang pakainin ng mga high in carbohydrates. Bakit nasa diet ka ba? Hindi mo na ‘yun kailangan.’, sagot naman nito.

‘Hay naku, sige na panalo ka na. Pero gusto ko na rin namang tumaba kahit papaano eh, pakiramdam ko I’m too skinny.’

‘You’re not, okay lang ang figure mo. Teka bakit parang insecured ka? Siguro may pinapagandahan na siya.. uuy..’ , pang-aasar pa ng binata.

‘Ha? Wala ah, tigilan mo nga ako niyan. Nami-miss ko tuloy ang bestfriend ko, remember Rave? Nasa New Zealand kasi siya ngayon, interior designer siya ni Ralph Lauren and matatagalan pa bago siya makauwi. Alam mo before, siya ang palagi kong kasa-kasama kapag ganitong mga Saturdays.. maybe you’re his substitute.’, ani ni Mielle.

‘Pwede, but I’m not a gay ha. Excuse me.’, sabay akto naman nitong parang bakla na tinawanan naman ng dalaga.

‘You’re funny, sige na its getting late and you should be home too, baka hanapin ka na ni Tita Janna sa akin.’, ani ni Mielle. Naipakilala na din kasi siya ni Ethan sa ina nito, at agad na napalapit naman ang loob ng ginang sa espesyal na kaibigan ng anak.

‘Okay, sige na. By the way, Mielle ikakasal na pala ang kuya ni Lance two months from now.. well, nagtanong sila kung pwede ka daw na maging abay. Bigla kasing umatras ‘yung dapat na kapartner ko, ewan ko ba dun takot siguro sa gwapo.’, sabi naman ni Ethan.

‘Ang yabang mo talaga ano? Siguro kaya umatras ‘yun kasi nabalitaan ang pambababae mo at baka sugudin pa siya ng mga girlfriends mo habang naglalakad kayo papunta ng altar.’, balik pang-aasar naman ni Mielle dito.

‘Hindi, may minor operation kasi siya scheduled by next month. Baka hindi na siya makahabol sa kasal kaya ayun nag-back-out na lang siya. So, ano? Sige na, please..’, lambing ni Ethan.

‘Ang kulit talaga nito, let’s see.. kailan ba ang wedding?’

‘Sa February 8, payag na ‘yan. Isang araw lang naman eh.’

‘Oh, well. Sige na, ang kulit mo din. Ayan pumayag na ako, umuwi ka na.’

‘Okay. Yes! Wala nang bawian ha, promise ‘yan. Thank you, Mielle. Sige po, uuwi na ako.’

‘Ingat sa pagmamaneho.’, sagot naman ng dalaga at pumasok na sa gate nila.

Masayang-masaya naman ang binata ng mapapayag si Mielle. Kani-kanina lang ay nagulat sina Lance at Matthew nang i-suggest niyang ang dalaga ang ipalit sa partner niya dahil hindi inaasahan ng mga ito na matagal na palang nagkikita ang dalawa. Ngunit ganumpaman ay sumang-ayon na din sila dahil naging mabuti rin na kaibigan sa kanila si Mielle nang mga panahong sila pa ni Gab.

Naging regular na ang pagpa-praktis nila dahil sa papalapit na kasal. Hatid-sundo naman ni Ethan ang dalaga sa tuwing may gaganaping pag-eensayo at sa araw din nang pagsukat ng mga gowns. Mabilis lang na nagdaan ang isang buwan at tatlong linggo na lamang ang hihintayin para sa nalalapit na kasalan.

‘Bro, masyado mo yatang ini-spoil si Mielle ha. Aba, parang kayo na nga kung umasta ka d’yan. Sumanib ba sayo ang kaluluwa ni Gab?’, ani ni Lance.

‘Pare, humingi lang tayo ng pabor sa kanya kaya siyempre in return kailangan maging accomodating tayo, sus ‘yun lang ‘yun.. wag nga kayong mag-isip ng kung ano d’yan.’, sagot ni Ethan.

‘Pare, I’m just reminding you na siya lang naman ang ex girlfriend ni Gab, kaya ‘wag kang magkakamali at delikado ka.’, paalala naman ni Matthew.

‘Maraming babae d’yan, Bro. Tumawag nga pala kanina si Tita Czarina at pumayag na daw na maging emcee si Ate Lorraine sa kasal, panigurado dadating ang buong pamilya at kung aabot eh, hahabol din si Gab.’, dagdag pa ni Lance.

‘Edi mabuti, makikita na din natin ang ungas na ‘yun. Magta-tatlong taon na din ng lumayas ang lalaking ‘yun dito ah.’, may pag-aalinlangan na sabi ni Ethan.

‘Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na abay si Mielle sa kasal. Bahala na, siguro naman tanggap niya na ang lahat. Nang huli kasing tumawag si Gab, may dine-date na daw siyang Swedish model ‘dun. Bigatin talaga ang isang ‘yun.’, ani ni Lance.

‘Yeah, sana nga makauwi na siya para makumpleto na ang grupo natin.’, walang gana na sambit ni Ethan.


CHAPTER FIFTEEN


Ilang araw bago ang kasal ay may isang sorpresang bisita ang dumating sa stag party ni Justin, at wala na ngang iba kundi si..

‘Gabriel! Pare, kamusta ka na? Akala ko nakalimutan mo na ang Pilipinas!’, excited na salubong ni Matthew sa kaibigan na sinundan naman ng dalawa pa.

‘You haven’t changed, Pare, parang hindi ka tinablan ng snow sa Australia ah!’, pabiro namang sabi ni Ethan.

‘Na-miss ka ng tropa, paano ba ‘yan kumpleto na tayo. Cheers to that!’, sigaw ni Matthew.

‘Cheers!’

‘Thanks guys! Tapos na din naman ang kontrata ko ‘don so I’m going back to our company for good. It’s so nice to be back, na-miss ko ang traffic sa EDSA.’, natatawang kwento ni Gab.

‘Teka, sabi nga pala ni Ate Lorraine kailangan niya ng escort, ikaw na lang kaya kesa dito kay Matthew, walang ayawan, Pare at kayo ang mauuna ha, bukas na ang last practice wala naman sigurong problema at lalakad ka lang naman.’, ani ni Lance.

‘Sanay na sanay naman tayo d’yan. Ilang beses na ba tayong kinuhang abay?’, dagdag pa ni Gab.

Kinabukasan ay nagtipon na ang lahat sa simbahan, bago pa man dumating sina Ethan at Mielle ay lumapit na si Lance sa kaibigan para ipaalam dito na magiging abay ang dalaga.

‘Pare, I have something to tell you, actually idea ito ni Ethan eh..-’, bago pa man iyon natapos ni Lance ay tinawag siya ng mommy niya.

‘Sige, Pare, attend Tita first. Mamaya na lang ‘yan.’

Medyo napatagal ang pag-uusap ng mag-ina bagamat minamadali iyon ni Lance dahil baka makapang-abot ang dalawa ay nahuli na rin. Paglingon nito ay nakita niyang kapwa nagulat sina Gab at Mielle ng masilayan ang isa’t isa. Agad na napatakbo siya sa kaibigan

‘Pare, that’s what I’m trying to tell you a while ago. Abay kasi si Mielle sa kasal.’

‘Why didn’t you tell me earlier? I should have left before she came.’, inis na turan ni Gab.

‘Pare, c’mon let us be matured enough. Kung ano man ang meron kayo, that is already history.’, ani naman ni Lance.

‘You don’t even know what I’m feeling right now, Lance. Nasira lang ang araw ko.’

‘Pare, three hours lang ang practice at isang araw lang ang kasal bukas. Maging civil ka naman, leave what is past and try to befriend her.’

‘Pagbibigyan kita, Lance, but this would be the last time I’d see her in any gatherings that I’ll be attending. I can’t stand her presence.’, galit nang tono ni Gab.

Napansin naman agad ni Mielle ang naging reaksyon ni Gab ng muli silang magkita, mabuti na lang at naroon si Ethan. Mula pa man ng una ay alam niyang malaki ang posibilidad na dadalo ang dating nobyo sa kasal ng kapatid ng kaibigan nito pero hindi niya inaasahan na kasama pa pala ito sa processional.

‘Ethan, bakit hindi mo naman agad sinabing nandito din pala si Gab?’, tanong ni Mielle.

‘I’m sorry, akala ko kasi he couldn’t make it. Kadarating palang niya kagabi.’, sagot naman nito.

‘Kagabi?! Kagabi pa pala siya dumating hindi mo man lang nabanggit sa akin kaninang umaga? Alam mo naman kung gaano kalaki ang gap naming dalawa, di’ba? At akala ko hindi naman siya kasama sa procession? Bakit nandito siya?’, medyo iritado ng tanong muli ng dalaga.

‘Nag-request kasi si Ate Lorraine na kung pwede daw na may escort siya, si Gab nga.’

‘Baka may hindi pa ako alam? Pwede pakisabi na at baka magulat na naman ako sa mga mangyayari.’

‘Yun na lang naman ang naging pagbabago, Mielle. I’m sorry.’ , seryosong saad ni Ethan.

‘Sige na, okay lang. But next time, inform me immediately.’

‘Excuse me, mam and sir mag-uumpisa na daw po ang practice sabi ni Ptr. Deo.’, sabi ng wedding organizer.

‘Yes, papasok na kami.’, si Ethan na lamang ang nagsalita para sa kanila.

Nagsimula nang tugtugin ang wedding song, isa-isa ng nagmartsa papuntang altar ang lahat ng kabilang sa procession. Bagamat labis pa rin na hinanakit ang nararamdaman ni Gab para kay Mielle ay hindi niya naiwasang sumulyap sa dalaga lalo na ng maglakad na ito sa patungo sa altar, hindi ba’t iyon ang pangarap niya noon na balang araw ay maihaharap niya ito sa dambana?

Sa araw ng kasal ay maagang nagsipagdatingan ang mga panauhin, ganoon din naman ang mga abay. Halatang sabik na ang lahat dahil marami ding kilalang personalidad ang dumating.

‘Pare, ano? Ayos ba ‘tong tux ko?’, tanong ni Lance sa mga kaibigan.

‘Oo naman, tayo pa. Ang gaganda ng mga abay, tatapalan lang pala ng make-up eh.’, biro ni Matthew.

‘Kahit kailan talaga, tumigil nga kayo d’yan. Sa reception na kayo mang-hunting ng mga babae.’, dagdag ni Gab.

‘Oh, ano Ethan? Parang hindi ko pa yata naaaninag si Mielle ah, mag-uumpisa na ang kasal.. ah.. Gab, pasensya na..’, napahiyang saad ni Matthew.

Tumango na lang ang binata na halatang nag-iba ang ekspresyon ng mukha, maya’t maya pa ay dumating na nga ang hinihintay nila. Nang bumaba ito mula sa sasakyan ay halos napalingon ang lahat, akala nga ng ibang bisita ay ang bride na ang dumating. Mielle was so gorgeous wearing her gown, napatigil nga sa kwentuhan ang magkakaibigan ng naglalakad ito patungo sa simbahan dahil lahat sila, napahanga sa kagandahang tumambad sa kanila.

‘She’s.. she’s..’, halos pautal-utal ng ani ni Lance.

Nahiya naman ang dalaga sa lahat ng mga tumitingin sa kanya, nang hagilapin niya ng kanyang mga mata si Ethan ay nakita naman niya itong parang natigilan kasama ng tatlo niyang kaibigan. Napangiti siya at lumapit sa mga ito.
‘Hi, guys. Kasunod ko lang ang bride so siguro malapit nang mag-umpisa ang kasal.’ ,sandaling lumingon ang dalaga at muling nagsalita, ‘Oh, ayan na si Tish. Guys? Hello? Mag-uumpisa na po yata ang kasal?’, natatawa na ang dalaga sa mga kausap.

‘Ah..eh..oo nga pala. Hoy, Matthew, Lance, ano ba?’, bahagya pang siniko ni Ethan ang dalawa dahil hindi pa rin ito gumagalaw mula sa kinatatayuan.

‘I’d better be with Ate Lorraine. Sige, mauna na ako.’, naunang nagpaalam si Gabriel na halatang apektado sa presensya ng dalaga.

‘Sige pare. Let’s go to our places at mag-uumpisa na ang kasal.’, saad ni Lance.

‘So, shall we Mielle?’, sabay abot ni Ethan ng braso sa dalaga na tinanggap naman nito.

‘Okay.’

‘And before anything else, I would like to say that you’re so beautiful. Secret lang ha, mas maganda ka pa sa bride. Swear.’ , may ngiti pang dagdag ni Ethan.

‘Silly, come let’s go.’

Nag-umpisa na ang kasal at naging madamdamin ang bawat yugto nito, marami ang mga napaiyak sa mga kababaihan lalo na ang mga ina ng ikinakasal. It was really a memory to look back someday.

Matapos nito ay dumiretso na ang lahat sa reception, kung marami ang dumalo sa kasal ay mas dumoble pa iyon. At dahil sa kakaunti lamang ang kilala doon ni Mielle ay hindi siya masyadong nakakahalubilo sa mga ito, kahit pa hindi umaalis si Ethan sa tabi niya ay alam naman niyang nais din nitong lumapit sa mga kakilala ngunit dahil wala siyang kasama ay tinatanguan na lamang nito ang mga nakakasalubong.

‘Ethan, I think you should join them. Okay lang ako dito.’, sabi ng dalaga.

‘Oh no, I’m fine here with you.’, kunswelo naman ni Ethan.

‘No, I insist. Sige na, hindi naman ako mawawala dito. If ever man na hindi mo ako maabutan dito sa table, for sure andun lang ako sa garden. Okay? Sige na.’, pilit naman ni Mielle.

‘Are you sure? Sige, I’ll be back in no time. H’wag kang aalis ng hindi nagpapaalam sa akin ha, magagalit ako.’, paalala ng binata.

‘Opo, promise.’, saka ay ngumiti at tumayo na ang binata para puntahan ang mga colleagues nito.

Hindi masyadong sanay si Mielle sa mga ganitong social occasions, she’s much of a loner kasi at hindi party-goer. Napagdesisyunan niya na munang lumabas sa garden para makapagpahangin, ang hindi niya alam ay may isang pares ng mata ang kanina pang nakasubaybay sa kanya.

Naupo siya sa isang bench malapit sa mga roses, masayang pinagmamasdan niya ang mga iyon which brought her back to the times na halos araw-araw ay binibigyan siya nito ni Gabriel. But she shook her head to face the fact na noon iyon at iba na ang ngayon.

‘Pink roses. Your favorite, isn’t it Ms. De Blanco?’, tinig ng isang lalaki.

Lumingon ang dalaga at nagulat ng makitang nakatayo ang lalaking nasa gunam-gunam pa lamang niya kani-kanina, ‘Ah, yes. You still remember.’, sagot naman ni Mielle.

‘Of course, paano ko naman makakalimutan ‘yon. So, how’s life for you? In turns out na lalo ka pa yatang naging masaya after all the things that you’ve done before.’, sarkastikong saad ni Gab.

‘God has been good to me, about you?’, tanong niya.

‘Well, after of what had happened a few years ago masasabi kong maayos naman ako. Thanks to you, I have waken up to reality.’, sagot naman ng binata.

‘Gab.. I know this is quite late but I want you to know that I’m really sorry.’, seryosong ani Mielle.

‘What for? It was before, naging miserable lang naman ang buhay ko for a while but I came to realize na you’re not worth of the agony.’, saad ng binata.

Nasaktan ang dalaga sa sinabi nito, tumayo siya sa kinauupuan at papasok na sana sa loob ng pigilan ito ni Gab sa braso.

‘Wait a second, aalis ka na? Hindi mo pa ba pakikinggan ang mga sasabihin ko?’, nagpipigil na tanong nito.

‘Gabriel, you can say anything you want to and I accept that but I had enough. Papasok na ako.’, malungkot na ani ng dalaga.

‘You don’t know how much I suffered, Mielle. All those years hindi mo alam kung gaano naging mahirap ang lahat sa akin, pero you know what I have moved on. And now that I have come ba-..’

Napamaang si Gabriel ng bigla na lamang siyang yakapin ni Mielle, hindi rin malaman ng dalaga kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para gawin iyon ngunit alam niyang ito lamang ang paraan para tumigil na ang dating nobyo. Noon, kapag nagakakaroon sila ng argumento at nagtatampo ito ay yayakapin niya lamang ang lalaki at agad-agad na natatapos ang misunderstanding na iyon.

‘Gab, I said I was so sorry.’, pang-aamo ng dalaga.

‘God, Mielle.’, nawawala sa sariling tugon ng binata na anu-ano’y gumanti din ng yakap.

‘I’m so sorry for everything. Now, I know you have forgiven me. Thank you.’, nang masabi iyon ni Mielle ay kumalas na siya dito ay mabilis na lumakad palayo.

‘Mielle!’, sigaw ng Gab ngunit bigla na lang nawala sa dami ng tao ang dalaga.

Humahangos pang bumalik sa table si Mielle, tamang-tama ay pabalik na din sa direksyong iyon si Ethan. Hindi na nagpaliwanag ang dalaga at nagpaalam na, she cannot bear more pain that both Gab and her just encountered a while ago. Inunawa naman iyon ni Ethan at hinatid siya sa parking area kung saan naghihintay ang driver ni Mielle.

‘Are you sure that you are okay?’, nag-aalalang tanong ni Ethan.

‘Yes, I am. Napagod lang siguro ako.’, sagot ng dalaga.

‘Alam kong hindi lang ‘yan ang rason, Mielle. I know that it has something to do with Gab, nag-usap ba kayo?’, usisa nito.

Hindi alam ng dalaga kung dapat pa bang sabihin dito ang naging tagpo kanina ngunit dahil hindi rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa ngayon at gusto din naman niyang ilabas ang nasa saloobin niya. Maya’t maya pa ay tumulo na ang luhang pinipigilan niya, agad naman siyang inalo ni Ethan at iginiya siya nito sa isang malapit na table sa Quiosko.

Sa pagitan ng mga luhang pinupunasan ng binata ay nagsalita si Mielle, ‘Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya, Ethan. But time has already given me my share of guilt and regret, we had a short talk ng lumabas ako sa garden pero all I can feel in his words is anger.’, medyo humihikbi ng saad ni Mielle.

Yinakap na ito ni Ethan, ayaw niyang nakikitang nagkakaganito ang lihim niyang minamahal. ‘Hush, Mielle. Naging mahirap sainyong dalawa ang lahat but it was long ago, nabigla lang siguro siya sa muli niyong pagkikita but please don’t cry like that. Alam mong ayokong nakikita kang nagkakaganyan, time will come that things will be okay and both of you can be friends again.’

Tumingala ito, ‘You think so? Ethan, there is too much hatred in him and I blame myself for that pero ano pa bang magagawa ko? Hindi ko na alam.’

‘Mawawala din ‘yon, Mielle. Tama na, isa pa kikilitiin na kita d’yan.’, nagbibiro nang si Ethan.

‘Naman eh, ikaw nga siguro d’yan at kanina ka pa nakayakap. Baka tina-take advantage mo na ang pagsi-simiento ko?’, balik naman ni Mielle.

‘Ha? Hindi ah, feeling mo naman. Hindi, joke lang.. paano naman kasi po ‘yung isa d’yan masyado ng nagdra-drama at ano pa nga bang magagawa ko kundi ang patahanin siya.’, palambing ng tono ni Ethan.

‘Thank you, Ethan. Sige na at baka may makakita pa sa atin, kung ano pa ang isipin.’, pagbabawi ni Mielle.

‘Oh, di ayan okay na siya.’, pinunasan ulit ng binata ang luha sa gilid ng mata nito.

‘Nasira na ba make-up ko?’, tanong ng dalaga.

‘Medyo, pero maganda pa rin naman ang dramatic actress, as usual.’, sagot naman ni Ethan.

‘Alam mo, ang swerte din naman pala ng mga nabola mo noon ano? Ganyan ka pala ka-caring sa mga babae.’, pabirong saad ni Mielle.

‘Ganon? Sayo lang naman ako nagkakaganito eh, I mean.. di’ba magkaibigan tayo..’, medyo sumemplang na sagot ng binata.

‘Ah, I see. O sige na, aalis na ako at kailangan ko na din magpahinga. Don’t wear yourself too much, ha?’, pagkasabi ay sabay ng tumayo ang dalawa at tinungo ang kotse.

‘Opo, inay. Baka mamaya uuwi na din ako after ng slicing, ako na lang ang magsasabi sa kanila na umuwi ka na. Take care angel, and please don’t think about what happened kanina.’, ani ni Ethan.

‘Opo, bye.’

Ang hindi alam ng dalawa ay kanina pa pala sila pinagmamasdan ni Gabriel, hinanap niya agad ang dalaga matapos ng kanilang pag-uusap kanina at hindi niya sinasadyang saktan ang dating nobya kaya’t gusto niya itong makausap muli upang humingi ng tawad because all these times, he still love her. But after what he saw, it made him blaze with anger and the pain just hit him again na sukat pang susugurin na niya ang mga ito ngunit lalabas na naman siyang tanga sa eksena kaya’t pinigil na lamang niya ang kanyang sarili.

‘Kailan pa kayo ni Mielle?’, sarkastikong tanong ni Gab kay Ethan ng makabalik na ito sa loob.

‘Pare, ano ka ba? Magkaibigan lang kami.’

‘Ganoon na pala ang mga magkaibigan ngayon, giving each other 'intimate' embraces.’

‘Gab, its not what you think it is.’

‘Ah, ganon ba? So, ano ‘yun? Baka nga higit pa don ang ginagawa niyo ni Mielle. Tell me Ethan, sobrang ganda talaga ng ex-girlfriend ko ano at tataluhin mo na ako?’ , galit ng tono ni Gab.

‘Pare, pwede? Ayokong dahil lang sa babae ay mag-aaway tayo.’

‘I’m not starting a fight here, Mr. Perez. Kitang-kita naman sa mga galaw mong interesado ka sa kanya, hinintay mo lang ba na maghiwalay kami para ikaw naman ang didiskarte sa kanya? Sana sinabi mo ng maaga, binigay ko na lang sana sayo.’

‘Lasing ka ba? Pare, ipahinga mo na ‘yan at hindi mo na alam ang mga pinagsasabi mo.’

Lumapit si Gab kay Ethan at bahagyang dinuro ito sa may dibdib, ‘Alam ko ang sinasabi ko. d**n! Ang galing mo din? Kailan pa ba kayo nagkarelasyon ni Mielle?’

‘Gab, hindi ganoong klaseng babae si Mielle. Wala kaming relasyon, alam mo siguro ang dahilan kung bakit siya umiiyak kanina.’

‘Umiiyak siya? Bakit patay na ba ako? oh, baka pag namatay ako pakasalan mo na siya.’

‘Gab, what’s the problem with you? Bakit hanggang ngayon ba ay hindi mo pa matanggap ang lahat? Oo, sige aaminin ko matagal na akong may nararamdaman sa kanya pero nirerespeto ko ang nakaraan niyo kaya hindi ko magawang ipagtapat kay Mielle. It just showed that you are not worth of every tear she shed a while ago. Pare, wala ka ng pakiramdam!’, pabalang na sagot ni Ethan.

Sukat ng marinig iyon ni Gab ay natuyo na ang lahat ng dugo sa kanyang utak at walang anu-ano ay sinuntok niya si Ethan. Natigil ang kasiyahan at napatingin sa kanila ang lahat, napatakbo sila Matthew at Lance para awatin ang dalawa.

‘Gab! Bro, awat na!’, saway ni Matthew

‘Ethan, h’wag ka ng gumanti. Tama na!’, sabad pa ni Lance.

‘Irespeto niyo naman ang kasal ko, kung may problema kayo pwede sa labas niyo na lang pagtuusan!’, iritadong ani ni Justin.

Natigil ang dalawa at parang napahiya sa nangyari sa kanila. Naunang lumabas si Gabriel ng reception at sinundan ito ni Matthew habang naiwan na nakatayo si Ethan na binitawan na ni Lance.

‘I.. I’m sorry, Justin.’

‘Pare, ano bang problema niyo? Kung ako maiintindihan ko kayo, pero ang mga ibang bisita hindi. Sana naman unawain niyo, importanteng okasyon ‘to sa akin.’, mahinahon ng sagot ni Justin.

‘Pasensya ka na, may hindi lang kami napagkasunduan ni Gab.’

‘Okay, but don’t make any commotion here again. Sige Lance ikaw na ang bahala d’yan.’

‘Opo, Kuya.’, at bumaling na ito kay Ethan, ‘What was that?!’, shocked na tanong ni Lance.

‘Pare, pasensya na.’

‘Hindi ko na siguro kailangang magtanong, sinabihan na kita nung una palang Ethan, umiwas ka na kay Mielle dahil alam nating pareho na matagal ng hulog ‘yang loob mo sa kanya pero pinakinggan mo ba ako? Tingnan mo na ang nangyari, ‘don tayo ng malagyan ng yelo ‘yang pasa mo.’, ani ni Lance.

‘Wala akong intensyon na ganon, tanggap ko ng hindi ako mamahalin ni Mielle. Gab was just so pathetic and paranoid.’

‘Kahit naman ako ang nasa lugar niya, mararamdaman ko ‘yon, Pare. Hindi pa nakakamove-on si Gab mula pa man noon. Inunawa mo na lang sana, hayaan mo at bukas pag-usapan niyo yan na dalawa.’

‘Yes. Of course.’, tipid na sagot ni Ethan.

Tinungo agad ni Gabriel ang kotse niya, kung hindi ito napigilan ni Matthew ay baka nabasag na ang mga salamin nito sa pagwawala ng binata. Nagkandasugat-sugat na ang kamay nito ay ayaw pa ring tumigil ni Gab, kulang pa iyon sa sakit na nararamdaman niya.

‘Pare, tama na. Malalim na ‘yang mga sugat mo.’, pakiusap ni Matthew.


‘d**n it! ‘, suntok ulit ni Gab sa salamin ng kanyang Benz.

‘Gabriel please, enough.’, ani ni Lorraine.

‘Ate, I.. I..’, napaupo na si Gab sa tabi ng kanyang sasakyan.

‘Let’s go home, your wounds are deep and we are just so lucky that mom didn’t make it here Gab. Thanks, Matthew.’

Umuwi na nga ang magkapatid, matapos magamot ang mga sugat ng binata ay nagkulong na ito sa kanyang kwarto. Ang Ate Lorraine na lamang niya ang nagkwento sa kanilang mga magulang ng nangyari kanina, mahirap nang sa iba pang tao malaman ng kanilang Mama ang eskandalong naganap. Naintindihan naman ito ng ginang at mas nauunawaan nito ang sakit na dinadanas ng anak.

‘Hello, Mielle? This is Tita Kristina. Can I ask a favor from you?’

‘Of course Tita.’

CHAPTER SIXTEEN

For almost a week ay hindi na halos lumalabas ng kwarto si Gab, nag-file siya ng indefinite leave of absence na sinang-ayunan naman ng kanyang ama. Hindi raw ito makakapagtrabaho ng maayos kung wala naman sa focus ang utak nito, kung kaya’t isang bisita ang dumating sa tahanan ng mga Montecarlos.

‘Good morning Mam, aba lalo po yata kayong blooming.’, sambit ng katulong na nagbukas ng gate para sa dalaga.

‘Ikaw talaga, Manang Lisa. Marunong ka pa ring mambola.’

‘Eh, Mam hindi naman. Ang tagal niyo pong hindi nadalaw.’

‘Ah..kasi..’

‘Manang Lisa, tama na ‘yan papasukin mo na si Mielle.’, ani ng matandang babae.

‘Opo, senora.’, nahihiyang napangiti ang kasambahay.

‘Kanina pa kita hinihintay, hija ang akala ko’y hindi ka na darating.’

‘Mapapahindian ko po ba kayo, ang lakas niyo po sa akin.’

‘Come along, I have to tell you something over breakfast.’

Nagsalo nga mga ito ng almusal, matapos ay nag-umpisa ng magsalita ang ginang. Isinalaysay nito ang lahat ng patungkol sa naging dulot ng paghihiwalay nila ni Gab sa buhay nito, at nadagdag pa ang pangyayari sa reception na doon lamang niya nalaman. Bagamat nabigla siya ay naunawaan niya ang dahilan kung bakit pinatawag siya ng Mama ng dating kasintahan, hindi rin madali ang hinihiling nito ngunit alam nitong higit kanino man ay si Mielle lamang ang makakatulong sa anak.

Nasa kwarto si Gab ng kumatok si Mielle sa pinto.

‘Manang, hindi nga ako maga-almusal. Mamaya na lang.’, inis na sagot ni Gab.

Pumasok si Mielle, ‘Noon, you don’t want me to skip my breakfast.’

‘What are you doing here? Bakit hindi ba dapat si Ethan ang kasama mo?’, pangtutuya na tanong ni Gab.

‘We are not romantically involved, Gab. Iyon ba ang rason kung bakit nagkaganyan ang mga kamay mo. Let me see.’, inabot ng dalaga ang kamay ng binata ngunit hinila nito iyon.

‘Don’t you touch me.’, galit na saad ng binata.

Inabot muli ng dalaga ang mga iyon at hindi binitawan, ‘You’ll not certainly like what I can do if you still push that stubborness, Mr. Montecarlos.’, may awtoridad ng ani ng dalaga.

‘Will you stop pretending that you care!’

‘I’m not pretending and please don’t move, sabi ni Manang Lisa tatlong araw na daw na hindi napapalitan ang bandage mo. Aayusin ko lang, okay?’

‘I don’t need your help, I can hire a nurse or bring myself to the hospital for Pete’s sake.’

Inumpisahan na ni Mielle ang paglilinis sa sugat ni Gab, ‘You don’t have to. Gab, will you stop acting like a child.’

‘And what do you expect from me? Na parang wala na lang ang lahat..ouch!’

‘Ang likot mo kasi, sige at bubudburan ko ng alcohol itong sugat mo.’, sandaling tumigil si Mielle at muling nagsalita, ‘Tita said that hindi ka na daw lumalabas sa kwarto mo, ganyan mo ba gustong sayangin ang buhay mo?’

‘I’m in a leave, why do you care? Teka, may kinalaman ba si Mama dito? So, kaya ka pala napapunta dito dahil hiniling ni Mama. You don’t have to Mielle dahil kaya ko nang wala ka.’

‘I care because I care, your mom just asked me for breakfast and I’m the one who decided to come over to your room.’

‘Why? Naaawa ka sa akin, I don’t need your pity Mielle. I’m better on my own.’

Natapos na ng dalaga ang inaayos na bandage, ibinaba niya na ang mga ginamit at tiningnan si Gab ng mata sa mata. Hinaplos niya ang pisngi nito na nung una ay iniwasan ng binata, pero maglaon ay wala na rin itong nagawa.

‘You have changed so much, you became so hard on yourself and to everyone.’

‘Do I have to cite the reason?’

Napangiti si Mielle, ‘I know and I’m really sorry, Gab.

‘Why can’t I stay mad at you? Tell me, Mielle.’

‘I don’t know.’

Hinawakan ng binata ang kamay nito, ‘After all these years, ipunin ko man ang lahat ng hinanakit sa puso ko hindi pa rin ‘nun mapapantayan ang pagmamahal ko sayo. I still love you like I did five years ago.’

Naluluha na si Mielle, kahit anong nangyari naroon pa rin ang Gabriel na patuloy na nagmamahal sa kanya sa kabila ng kasalanan na nagawa niya rito at sa tagal na rin ng panahon na nalayo sila sa isa’t isa.

‘Now, I don’t want to see my princess cry. Naging makitid lang siguro ang utak ko at nagselos agad ako sainyo ni Ethan, alam mo bang mahal ka din niya kaya ng makita ko kayong magkayakap nakalimutan kong kaibigan ko siya kaya nagawa ko ‘yun.'

‘Gab, we are just friends and if he feels the different way hindi ko ‘yun alam at lalong hindi ko kayang suklian because my heart doesn’t belong to him.’

‘Then who is?’, lumuhod si Gab sa harapan ni Mielle.

‘Of course, you do. No one ever did.’, nakangiting saad ng dalaga.

Tumayo si Gab at agad na yinakap ang kanyang minamahal, kung ilang taon man siyang naghirap na wala si Mielle ay walang katumbas iyon sa kaligayahan na nararamdaman niya ngayon. Buong akala niya ay hindi na sila mabibigyan muli ng pagkakataong magkasama.

‘You have to marry me now because the next time that I’ll be loosing you baka mamatay na ako.’

‘Gab, you really don’t mean that, don’t you? Alam mo naman na marami pa tayong mga aasikasuhing trabaho.’

‘Those can wait but our story, our life together can't.’

‘Gab, ayan ka na naman sa impulisive attitude mo.’

‘Are you going to marry me or not?’, paglalambing ng binata.

‘Hay, Lord pwede po next time dagdagan mo ang pasensya nitong mahal ko?’

‘Mielle?’

‘Yes! I’ll marry you!’, sigaw ng dalaga.

**

Love is lovelier the second time around, but on contrary it always paint a new picture if given chances regardless of how many times it would be. Iyon nga ang naganap kina Mielle at Gab, if they loved each other before it bloomed into thousand times ngayon. Well, in less than seven months they are getting married. Thank God at pagkahaba-haba nga naman daw ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy, and as for the couple they couldn’t ask anything more.

If ever all of you are wondering of what had happened to the other three princes, well, si Ethan ay umalis muna ng bansa matapos magkaayos sila ni Gabriel at nangakong babalik in time para sa kasal ng dalawa kung saan siya ang magiging Best Man ng groom-to-be. Kahit na medyo masakit pa ay tinanggap niya ng hindi si Mielle ang inilaan sa kanya so he promised himself that he will be happy for them and wait for the right lady for him too.
As for Matthew naman, he took a rest in womanizing. Napagod na nga siguro itong matinik na babaero sa kanilang apat, na-realize niya kasing hindi na siya bumabata at kailangan niya ng mag-focus sa kanyang trabaho pero flirts are always there, of course. Lance, as the happy-go-lucky guy sa kanilang grupo naman ang susunod yatang tatamaan ng pana ni Kupido na kung matatandaan natin ay ang palaging umiiwas sa mga usapan na may kinalaman sa pag-ibig and whoever that girl is.. it’ll be a surprise. And we will not forget about Rave, nasa New Zealand pa rin ito ngayon at naging successful naman ang career niya and to find out na hindi pala siya totally gay and all he needs is to find the perfect match to straighten up things for him at uuwi nga ito at ang kanyang ‘girlfriend’ sa kasal ng BFF nitong si Mielle.

A lot of things had passed and brought a great shock but happiness and contentment to everybody, well, the future wedding is not yet the ending of the story of Mielle and Gabriel.. it was just a perfect beginning.


-FIN-



Page11.jpg


Edited by gi-anne, 28 Jun 2011 - 01:45 AM.


#3 gi-anne

gi-anne

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 134 posts
  • Gender:Female

Posted 07 Jun 2011 - 01:30 AM

i know na MEDYO mahaba po talaga ito.. complete story na po kc.. but i hope may magbasa pa rin! hehe..


then sana po may mag-comment! hehe.. :D


#4 Sarangheo

Sarangheo

    PF Newbie

  • Members
  • 7 posts
  • Gender:Female
  • Location:bulacan

Posted 11 Jun 2011 - 09:09 AM

nice story author

#5 gi-anne

gi-anne

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 134 posts
  • Gender:Female

Posted 11 Jun 2011 - 04:35 PM

wow.. supewr thanks! :D

#6 yobab

yobab

    PF Regular

  • Members
  • Pip
  • 52 posts
  • Gender:Female
  • Location:Bulacan

Posted 15 Jun 2011 - 03:50 PM

wow ang ganda ng story..
panu pa kaya yung the executive..? havey na havey..
galing talaga!

#7 gi-anne

gi-anne

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 134 posts
  • Gender:Female

Posted 15 Jun 2011 - 05:13 PM

View Postyobab, on 15 Jun 2011 - 03:50 PM, said:

wow ang ganda ng story..
panu pa kaya yung the executive..? havey na havey..
galing talaga!

tnx sis.. ^^
2yrs ago na nga e2, back in those days na 'immature' pa daw aq..
kaabang-abang tlg ung exec.. hehe, malapit q na ring sundan!
:P


#8 yobab

yobab

    PF Regular

  • Members
  • Pip
  • 52 posts
  • Gender:Female
  • Location:Bulacan

Posted 15 Jun 2011 - 08:58 PM

hehe hilig mu talaga magsulat nu sis?
aq ang hilig lang ay mangarap..ehehe!
hintayin ku na lang ung next update mu sa the executive.. :))
go! :)

#9 gi-anne

gi-anne

    PF Friend

  • Members
  • PipPip
  • 134 posts
  • Gender:Female

Posted 15 Jun 2011 - 10:41 PM

View Postyobab, on 15 Jun 2011 - 08:58 PM, said:

hehe hilig mu talaga magsulat nu sis?
aq ang hilig lang ay mangarap..ehehe!
hintayin ku na lang ung next update mu sa the executive.. :))
go! :)

hilig tlga sis.. prang hobby q na since childhood..
may stories qa rin ba d2 sis? read q rin..
nagsusulat nga aq now so sna later ma-post q na..
slmat sa subaybay! ^^


#10 yobab

yobab

    PF Regular

  • Members
  • Pip
  • 52 posts
  • Gender:Female
  • Location:Bulacan

Posted 16 Jun 2011 - 09:48 AM

ahehe la ako stories dito,
tagabasa lang ako..ü
hmmm bakit nga kaya di ako magsulat???
pero wag na,tamad kasi ko..hehehe
sana madame na update mu para di bitin..hihi




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users