Jump to content


- - - - -

TIPID....



  • Please log in to reply
14 replies to this topic

#1 amabelle

amabelle

    Confused....

  • Super Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,214 posts

Posted 26 Jun 2006 - 04:46 AM


Message: Just for a laugh.... PS: Hwag nyo pong gagayahin
ito.....






Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya
ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay
ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe
pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi
na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-
isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga
kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa
salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang
anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila
marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!
Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan
ang kabaong. Aba! May sulat na-nakastaple sa
dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang
nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:


Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang
nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil
napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa
lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang
isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala
ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na
karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas
na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang
pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul
na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-
iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay
nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito.
Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi
natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-
yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa
first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay
para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay,
japanese version ng pokemon trading cards at
stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren,
apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang
isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga
pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa
fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong
warmer para sa mga dalaga kong pamangkin.
Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps
sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya,
dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-
isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay
Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at
knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa
mga anak mo, diko, na nagbabasketball.
Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston
red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang
dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-
aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik
sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-
aagawan.

Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata
ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society
natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-
asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang
kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay,
suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na
wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na
naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako
nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo
Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na
ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may
nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-
gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin
mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang
nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may
isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon
niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang
mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang,
baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan.
Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong,
ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay
nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang
lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.


Nagmamahal,
Bebeng


#2 lou

lou

    im sorry,i loved you.

  • PFIP
  • 17,726 posts

Posted 27 Jun 2006 - 08:20 AM

rofl.gif rofl.gif rofl.gif ano bayan tawa ako all the way.. hahahaha

#3 hidden

hidden

    Site Admin

  • Administrator
  • 4,656 posts
  • Gender:Male

Posted 27 Jun 2006 - 03:12 PM

Tipid nga rofl.gif

#4 maoshengbao_kei

maoshengbao_kei

    PF True Friend

  • Members
  • PipPipPipPip
  • 905 posts
  • Location:Pampanga

Posted 27 Jun 2006 - 03:39 PM

wah, gnwang balikbayan box!

#5 louise

louise

    PF Regular

  • Members
  • Pip
  • 75 posts

Posted 27 Jun 2006 - 08:17 PM

lol2.gif LMAO.gif biggrin.gif

#6 doctor of your heart

doctor of your heart

    PF Newbie

  • Members
  • 1 posts

Posted 28 Jun 2006 - 11:35 PM

nice one....tipid nga talaga...hahahahahaha

#7 Haryet

Haryet

    Mayumi

  • Elite
  • 2,465 posts
  • Gender:Male
  • Location:Ormoc City, Leyte

Posted 30 Jun 2006 - 02:52 AM

gwapz, ako ay kinikilabutan sa pagtitipid mo.

wahhhhh......

#8 amabelle

amabelle

    Confused....

  • Super Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,214 posts

Posted 02 Jul 2006 - 12:27 AM

hehehehehe gwapz....

#9 dudungdance

dudungdance

    PF :)

  • PFIP
  • 4,727 posts
  • Gender:Male

Posted 08 Oct 2008 - 10:12 AM

hmmmm...

#10 maruthz_91@yahoo.com

maruthz_91@yahoo.com

    PF True Friend

  • Members
  • PipPipPipPip
  • 808 posts

Posted 16 Nov 2008 - 04:56 PM

rofl.gif




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users