Bob Ong quotes post number 7:
Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.
nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.
Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.
Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.
hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.
iba ang informal gramar sa mali !!!
Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.
Minsan, may mga bagay na hindi nakikita. Sabi nila, kailangan mo raw makita ang mga bagay na iyon para patunayan na totoo nga sila. Pero naniniwala ako na may mga bagay na kahit hindi nakikita eh totoo. At para sa akin, mas higit silang mahalaga kaysa sa mga bagay na nakikita…
Kahit na anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan..kahit na mag- stop over ka pa.
Related posts:
- Bob Ong Quotes 3
Bob Ong quotes post number 3: Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan. Naniniwala akong walang manunulat... - Bob Ong Quotes 2
Another Bob Ong quotes: Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o... - Bob Ong Quotes 4
Bob Ong Quotes number 4: Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya. Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing... - Bob Ong Quotes 1
Here are some Bob Ong quotes posted on the forum. Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration,... - Bob Ong Quotes 6
Bob Ong quotes post 6: Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo, eh meron namang hagdan ayaw mo lang pansinin. PPag...














17 Responses
Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.
Bob Ong, idol na kita!
ano daw super tagalog nman
bob ong godbles u! ganda ng mga quotes mo! kaka inspired!
aUsz Ung qUotes mUh poh..
great!
LOWLL:D
i really luv ur qoutes. godspeed.8s really inspiring. 8 motivates me even 2 fight 4 lyf. tnx po.
haha ang galing mu tlga!!
ha ha! galing m
pakshit ka bob ong galing mo angas mo astig ka
yeh rytt
same
gwabe danda ng mga quotes mu!!
i lyk itt!!
uber ang kgndahan ng mga quotes moh,.,.,
nagcng 2loi aq xa k22hnan.,
love u,.,
whoa bob ong really is very great huh
tagal paba ung nxt book inip n inip n kz ako………………
new quotes aman pohh…
i love bob ong ive complete all his books hay saludo ako sau
astig!!!