Bob Ong quotes post number 3:
Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan.
Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n’ya e hindi nagkasala ng panggagaya.
Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.
Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaaring mawala.
Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.
Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.
Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog.
Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarao at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko.
Pero tanging ang utak lang ng tao- sa buong kalawakan- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.
Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.
Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.
Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.
Related posts:
- Bob Ong Quotes 4
Bob Ong Quotes number 4: Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya. Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing... - Bob Ong Quotes 6
Bob Ong quotes post 6: Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo, eh meron namang hagdan ayaw mo lang pansinin. PPag... - Bob Ong Quotes 7
Bob Ong quotes post number 7: Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka... - Bob Ong Quotes 2
Another Bob Ong quotes: Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o... - Bob Ong Quotes 1
Here are some Bob Ong quotes posted on the forum. Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration,...














0 Responses
Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.