*Disclaimer* Kausap ko po ang sarili ko dito.. (Pero hindi ako baliw ah!) Dito lang po ako nagpost kasi alam ko naman na harmless ang mga pf members (Joke.. gawin bang hayop ?).. Gusto ko lang na mailabas ang nararamdaman ko… Dito kasi wala akong naririnig na bad comments, puro mga saloobin lang nila…
Hala! Oh ano na nangyari sa relationship niyo ? Haha hindi nagpaparamdam GF mo noh ? Wala ka namang kasalanan or kahit anong ikakagalit niya ? Hehe ganyan talaga buhay.. (Ganyan nga ba ?) Kaya ano naiisip mo ngayon life is unfair ? (Baka Love is unfair ?)
Pero maiba tayo… Question & Answer tayo… Para malinawan tayo… Hehe (Tayo ?)
*******Q&A********
1. Ano yung mga gusto mong sabihin sa kanya pero hindi mo nasabi/masabi ?
*Yung “Happy Monthsary” Ewan ko ba ? Pero 1st Monthsary namin hindi ko nasabi yon ? Pero noon nasa bahay pa ako, full of confidence pa ako.. Maya’t maya puro recite ako.. Nung date na namin.. Pagkakita ko sa kanya.. Hindi na naman ako makapagsalita.. (Para kasing hypnotize ako.. Kaya pagkasama ko siya always smile ako..) Kaya sabi ko sa sarili ko mamaya na lang.. Nung mahatid ko na siya sa bahay niya gustong gusto ko na sabihin kahit siya hindi niya sinasabi.. Kaso gusto kong sabihin pero parang nahihiya ako.. Wala akong lakas ng loob..
“I love you” alam ko normal lang sa magkasintahan ang ganitong word kaso ako pagkasama ko na siya hindi ko masabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin.. Ewan ko ba ? Naiiba siya.. Ganito ba talaga ang love ? Nasabi ko naman sa kanya pero.. Hindi ata ako narinig o patay malisya na lang sya ? Hinatid ko kasi siya galing sm… Nagdate kasi kami.. Nang tatawid na siya sinabi ko sa kanya na I love you, Sabay tawid niya.. Feeling ko napahiya ako.. Pero wala un..
2. Kung magpapasalamat ka para saan ? at bakit ?
*Salamat sayo kasi napansin mo ang feelings ko para sayo.. Thank you kasi kahit papano pinagbigyan mo ako na mahalin ka.. Thank you din dahil pinagluluto mo ako sa inyo ng lunch natin.. hehe
3. Ano ang nabago sa sarili mo ?
*Yung pagsusulat ko sa notebooks at blogs na kung ano ano.. Parang binigyan mo ako ng kung ano para ganahan akong magsulat.. Para bang nagsusulat ako ng mga topic tungkol sa love.. Nagsimula lang yon nung maging close kami.. Nung praktis ng JS prom namin.. hehe ang ganda ng memories.. haha ang saya kasi namin palagi kahit hindi pa kami.. hehe pero pagnagsusulat ako may halong drama.. Kainis nga.. Ayoko kasi ng madrama mukha tuloy akong corny..
4. Ano happy moments mo pagkasama mo siya ?
*Grabe pagkasama ko yan palagi ang happy ko pero ewan ko ba lagi akong masaya kahit hindi niya ako pinapatawa.. Kaya pagnatingin ako sa kanya always smile.. Kaya minsan din natatawa siya.. hehe
5. Ano yung mga ayaw mo sa kanya ?
*Hmmh.. Nung nagbakasyon na ok pa.. kaso nung nagtagal na.. Hindi ako makapunta sa kanila kasi wala kaming communication.. Ayaw niya ring magreply sa mga comments at messages ko sa kanya.. Parang lumalayo o may prob lang.. Kaso hindi niya alam na mahirap para sakin ang long distance relationship.. Hindi ko kasi alam ang ginagawa niya.. Naiinis ako doon kasi araw araw ako naghintay sa comments or messages niya.. Kaso wala.. Hindi ko alam kung dapat ba siyang sisihin..
Yung pagkainsecure ko.. Hindi naman ako ganun.. Kaso lagi siyang nagbibigay ng motibo para mainsecure ako o magselos ako.. Tapos lagi siyang nagagalit kasi napakaseloso ko daw.. Grabe! Kaasar yun! Kasi ganto un.. Kaya ako nagseselos kasi katext niya ex at suitors niya.. Tatanungin pa ako kung ok lang.. Baka magalit daw ako.. Pagsabi ko ng hindi ako galit sasabihin niya galit ka e.. Nakakaloko yung ganun! Pero ngayon sabi niya sakin hindi na daw niya tinetext o kinocomment ang mga ex and suitors niya..
6. Ano yung mga ginawa mo para sa kanya ?
*LAHAT ng mga sinabi niya.. kahit na yung pinakaayaw ko.. (Tandaan mo toh pagnabasa mo toh! Napakaunfair mo! Lahat nman ginawa ko pero ikaw ang tigas ng ulo mo.. ) Kagaya ng hair style ko ng JS prom namin.. nakataas kasi yung hair ko sa harap.. Sabi niya sakin ganun na lang daw ang hair style ko araw araw.. Kahit na nakakahiya kasi yung iba napapansin ako para bang kinakantsawan at pinupuri (Oi, Kiyo! new hair style ah ? haha).. Pero ok lang yun kasi gusto niya.. Pero pinaalis din sakin ng teacher ko.. kasi bawal daw ang ganun.. Officer pa naman daw ako! Grabe napahiya ako.. Asar na asar ako nun.. Pero hindi ko siya sinisi.. Hindi nman dapat e.. Ewan ko ba ?
HINDI KA MARUNONG MAGTHANK YOU!! Lagi na lang sa text.. sasabihin mo nakalimutan mo.. Tapos ng pinaloadan kita parang kasi hindi ka nagtetext.. Kala ko una mong sagot thank you pero hindi.. At hindi ka talaga nagthank you! Halatang hindi mo naapreciate ang maliit na bagay na ibinigay ko sayo..
MAKAKALIMUTIN ka! Grabe first monthsary natin hindi mo alam kung kelan ? Hindi ko nga alam kung ganyan ka talaga o talagang ayaw mo lang maalala.. Madami pang dahilan..
7. Minahal mo siya pero naramdaman mo ba ang feelings niya sayo ?
*No doubt pero oo.. Nung una kaso hindi rin nagtagal.. Hindi ko alam kung bakit gusto parin kita kahit alam ko na hindi mo namn talaga ako gusto..
____________________________________________________________________________________________________
_____
Basahin niyo na lang toh kung kaya niyo pa.. hehe
Naaalala mo nung 3rd year pa ako tapos 2nd year ka ?
Lagi tayo nagkakasabay umuwi kasi kaibigan ko pinsan mo..
Crush na crush na talaga kita noon kaya hindi ko magawang kausapin ka..
Tanda mo ng binusted mo ako sa text ? hehe mukha akong tanga nun kasi hindi pa nman kita nakakausap pero nanligaw ako..
One year later na nun.. May Event sa school tapos nauuhaw ka na..
Tanda mo yun ? Hindi ka pwedeng lumabas kasi may event pa, Officer ako e..
Tanda mo nung binigyan kita ng bottled mineral water ? hehe
Sabi mo pa nga para san yan ? Syempre inumin mo kasi nauuhaw ka na e..
Tanda mo nung sinabihan mo ako ng uto uto ?
Nalaman ko pa nga yun sa pinsan ko e..
Sabi mo joke lang yun.. Kaya hindi ko na lang pinansin
Doon ko napansin na talagang………….
Hindi ko alam ang word e.. Para bang sunod sunoran lang ako..
Sakit kaya nun.. Parang nasira ego ko..
Alam mo nman kasi na lahat ng sinabi mo ginawa ko..
Tanda mo pa nung kinantahan kita ng harana.. Yung Parokya ni Edgar..
Kasi may atraso ako.. Nakakahiya kasi hindi namn ako nakanta..
Doon ko din napansin na unfair ka..
Magkatext tayo nun tapos may atraso ka nman sakin.. Sabi ko kumanta ka n lang..
Pero ayaw mo.. Sabi mo naiyak ka kasi ayaw ka ng pinipilit.. Tanda mo yun ?
Naaalala mo pa nung praktis ng JS prom natin ?
Lagi kita hinahatid nun.. hehe
Tanda mo pa nung isang beses pagod tayo tapos bumili ako ng tubig para satin ?
Habang naglalakad tayo bigla tayong nagbasaan ?
Nagtatawanan pa nga tayo e.. tanda mo ?
Doon ko nalaman na gusto mo na rin ako..
Inamin ko sayo sa text na mahal kita tapos sabi mo parang nagugustuhan mo narin ako..
Natuwa ako nun kasi binigyan mo ako ng pag asa para mas mahalin ka pa..
Tanda mo nung pinahinto mo yung dalawa mong suitors ?
Sabi mo naguguluhan ka sa kanila..
Buti na lang hindi ko sinabi sayo na kung pwedeng manligaw..
Kaya nanligaw ako ng hindi ko sinabi pero ginawa ko..
Tanda mo nung tinanong mo ako kung nanliligaw ako ?
Sabi ko oo kaya sorry kasi hindi ko sinabi..
Pero hindi ka nagalit..
Sabi mo sakin kung sagutin na kaya kita ? tutal namn matagal ka na nanliligaw..
Hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwa..
Sobrang tuwang tuwa ako..
Sabi ko so tayo na ?
Kaya sabi mo.. oo
Tanda mo na yung nagalit ka sakin kasi napakaseloso ko ?
Kung alam mo lang sana.. Dahil sa ginagawa mo kaya ako nagseselos..
Tama ako.. Kaya ako nagseselos..
Tanda mo nung hindi na ako nagselos ?
Hindi mo na kasi tinetext mga ex mo at suitors..
Napansin mo yun ?
*End*
Related posts:
- my stalker, sweet lover
HIGH isKuL Lyf... presents: CALOOCAN high SKUL seriesBook 1: "MY StAlKeR, SWEET LoVeR "(PART 1...) (EPISODE 1.1) 1st day of skul pa lang ay may nakita na akong cute... - sIyA nA nga bA tAlaGa? I tHiNk pInAkIlaLa lAnG sIyA sAkIn nI God.. :’(
[size=7]nagtapos na ang life ko sa 1st year college sa dati kong skul... mahirap pero kasabay ng pag alis ko duneh yung bagong college life na naghihintay sakin sa... - One Night
someone needs help here... heheheheI've known him since high school. We've been friends from time na nagkakilala kami and classmates rin kami from first year to fourth year noon. Actually... - HE’S MY GIRLFRIEND ~ a lovestory.
CHARACTERSCedric SanchezCymon MendezKyoichi/KentLianYumiEnzelTheresePJAJPagzBeaBellaStelleRicoLEGENDS:Gray Colored Fonts ~ Other people; Not a main characterItalized ~ thoughts in mind; talking at the back of the mindCHAPTER 1Si Cedric Sanchez? Magaling magbasketball, maporma, malakas... - my own high school life story
umpisahn n ntin ok.tungkol 2 s isang simple girl n nainlove sa skulmate nya..after a long long ago kpag naaala2 ko tung part ng buhay ko nta2wa nlng ako 22o...














0 Responses
Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.