Bob Ong Quotes 5
Bob Ong quotes post number 5:
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil walang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa
Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko
Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo
…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…
Iba ang informal gramar sa mali!!!
Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.
…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”
“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.
Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.
Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.
Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.
8 Comments
Leave a Response
View All»More Bob Ong Quotes
»
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo»
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay»
Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon importante»
Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay»
Wag mong sirain ang iyong sarili»
Kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal»
Bob Ong Quotes 7»
Bob Ong Quotes 6»
Bob Ong Quotes 4»
Bob Ong Quotes 3
View All»More Quotes
»
Ang Pag.Ibig Ay Parang …..»
qoutes to make you realize»
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo»
Don’t depend too much on anyone»
Beautiful because one cannot possess them»
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay»
Just always be thankful for what you have»
Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon importante»
Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay»
Someday you’ll find the one you’re looking for



galing mo tlaga bob ong! i dol kita hndi mo alam un! ngayong alam mo na, ala lang! bsta alam muna! gawa kapa mga quotes ha! gnda bsahin e! kkainspired!godbles po!
kung mabbhy ka muli siguro magging libro ka nkattk na sa puso ng mga mambabasa mo
..ang gaganda ng kwento ng bob ong …solid fun mo ko…
danda sir…may pnaptamaan kba d2 sir???
“{Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”
mukng meron poh…hehe
tama ka poh dyn s cnv moh…lki poh ng respeto qoh poh seo…
sna poh mg sulat k pah poh ng mdai….
nkktouch bsahin….
godbless sir…
..ur so great, u inspired me a lot,,,thank you so much.
i’m a bob ong fan! im glad u post dis. thank u for ur efforts. =)
You’re welcome. We’re glad you like this post.
Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.
iba ang informal gramar sa mali !!!
(tamah po…ngaun ko lng nasa yang sinulat mu..)
ill always try my best namn meron akong gngwa pero akala nila d ako kumikilos..ung iba nkakapatamah..