Bob Ong Quotes 2
Another Bob Ong quotes:
Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.
Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Ayokong nasasanay sa mga bagay na pede namang mawala sa buhay ko.
Walang taong panget. Nagkataon l ang na yung mukha nila hindi uso at hindi in.
Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.
Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao!
Hinahanap mo nga ba ako… o ang kawalan ko? Mas madaling makita ang wala.
Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.
Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.
..na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.
ritual ‘yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para magkatrabaho ka at kumita ng disente. At oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.
Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan?
Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.
Leave a Response
View All»More Bob Ong Quotes
»
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo»
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay»
Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon importante»
Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay»
Wag mong sirain ang iyong sarili»
Kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal»
Bob Ong Quotes 7»
Bob Ong Quotes 6»
Bob Ong Quotes 5»
Bob Ong Quotes 4
View All»More Quotes
»
Ang Pag.Ibig Ay Parang …..»
qoutes to make you realize»
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo»
Don’t depend too much on anyone»
Beautiful because one cannot possess them»
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay»
Just always be thankful for what you have»
Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon importante»
Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay»
Someday you’ll find the one you’re looking for


