Bob Ong Quotes 1
Here are some Bob Ong quotes posted on the forum.
Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.
Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro nila dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.pero hindi nagbabasa.
Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.
25 Comments
Leave a Response
View All»More Bob Ong Quotes
»
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo»
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay»
Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon importante»
Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay»
Wag mong sirain ang iyong sarili»
Kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal»
Bob Ong Quotes 7»
Bob Ong Quotes 6»
Bob Ong Quotes 5»
Bob Ong Quotes 4
View All»More Quotes
»
Ang Pag.Ibig Ay Parang …..»
qoutes to make you realize»
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo»
Don’t depend too much on anyone»
Beautiful because one cannot possess them»
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay»
Just always be thankful for what you have»
Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon importante»
Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay»
Someday you’ll find the one you’re looking for



bakit ang pag sisi laging nasa huli,at kung di ka muna dadapa di ka babangon
Ganyan talaga ang buhay… ang importante ay natuto tayong bumangon sa bawat pagkadapa at may natutunan tayo.
Tama po. Nagkakamali naman talaga ang tao. Basta ba marunong lang tayo magsisi at tumayo sa bawat pagkadapa then everything will be fine.
ano ba dapat sa taong ganun?
AW! naman talaga oh! basta pag dating sa pagi-ibig!
tama c bob. pg ntuto tau umibig.. ndi na tau mkakatulog.ü i rily love bob ong books!
oonga naman! dapat nga tlga dba meron lhat tau khit isa man lang na favorite book? or anyhing, newspapers etc. etc.
Nakakatuwa naman mga quotation n Bob Ong…Paborito n tuloy kita…marame na akong nabasang libro mo…Nakakatuwa at nakakaaliw talaga.
ang galing mu nMan bob ong ..
idol talaga kita ..
ako peborit bo0k ko un BOBONG MC ARTHUR… Ni b0b ong.. Pra k0ng ngbbsa ng radio d0n.. D0n ko p nbulot un SABOGALOIDS.. Hahaha.. My ngttn0ng b? Wla nmn db.. Bsta b0b idol n kta..
Great Article tungkol sa ating buhay!
I agree. Madami ka talagang mapupulot na aral dito.
uu nga nman tma c bob ong nnkadala
Nakakatuwa ang mga book ni BOB ONG hindi cya boring basahin kasi may aral kang natutunan sa kanya..
grabe!!sana makabili aqo ng libro ni BOB ONG
NiCe!!!
GALING TALAGA NI BOB ONG!
ano ang pinagkaiba ng walang ginagawa sa gumagawa ng wala?kc ms nakakapagod ang gumagawa ng wala..wala kc pahinga ^_^
ang corny ang puta!
…npkdmi qng natututunan sa aklat moh bob ong…sana tulad q eh mainspire dn clang mgbsa ng aklat moh…
♥
Lupet!
bkt kung cnong mhal mo ayaw sau at kung cnong ayaw mo sya my gus2 sau??!?
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo, eh meron namang hagdan ayaw mo lang pansinin.”
Yan isasagot ni Bob Ong sa tanong mo
wag kang matakot kung hindi mo makatugma ang maraming tao sa palibot mo.kung pinayagan silang magkaroon ng sariling mundo para magawa nila ang kinahihibangan nila, mapalad ka kung manatili kang matino ang ugali sa gitna ng naabalang mga tao sa manipulasyon ng mundong ito. sa pagsasanay sa pasunod (disciplne) lang yaan.kahit lonely ka, maaring magliwanag ang kabutihan mo kahit hindi ka mapansin ng dati mong kakilala..